Kim Molina at Jerald Napoles, feeling na-“apocalypse” habang ginagawa ang Sa Haba ng Gabi

Para kay Kim, kakaiba daw ang roles nila ni Jerald Napoles sa bago nilang movie dahil naka-connect daw ang mga ito sa mga naging struggles nila habang nasa lock-in shoot. Nagsabay-sabay daw kasi ang kalamidad habang  ginagawa nila ang pelikula.

PHOTO: @kimsmolina on Instagram

Para kay Kim, kakaiba daw ang roles nila ni Jerald Napoles sa bago nilang movie dahil naka-connect daw ang mga ito sa mga naging struggles nila habang nasa lock-in shoot. Nagsabay-sabay daw kasi ang kalamidad habang ginagawa nila ang pelikula.

Pakiramdam daw ng real-life couple na sina Kim Molina and Jerald Napoles (KimJe) na nasa gitna sila apocalypse habang shinu-shoot nila ang zombie-themed movie na Sa Haba ng Gabi.

Nasabi ito ng dalawa during the virtual media conference para sa horror comedy film recently matapos silang matanong ng entertainment press kung ano ba ang kaibahan ng characters nila sa paparating nilang pelikula kumpara sa mga nagawa na nilang projects before. 

Para kay Kim, kakaiba daw ang roles nila sa bago nilang movie dahil naka-connect daw ang mga ito sa mga naging struggles nila habang nasa lock-in shoot. Nagsabay-sabay daw kasi ang kalamidad habang  ginagawa nila ang pelikula. 

“’Yong proseso nu’ng habang ginagawa ito… Ito kasi ang daming nangyari habang shinu-shoot. Nagka-earthquake, bumagyo...” pagre-recall ni Kim. 

“So, na-test ’yong patience naming lahat, ’yong friendship namin na, ‘Kumapit tayo at may ginagawa tayong trabaho habang malayo sa family natin.’”

Dagdag pa ng talented Viva actress, “Parang feeling namin that time, the adventures of our characters ’yon na din ’yong… Ako, ha. Hindi ako magsasalita in general. Ganito kasi ang na-experience ko. Parang feeling ko adventure din ’yong shoot. So, kumonekta doon sa [mga characters namin].”

Sinang-ayunan naman ito ng nobyo n’yang si Jerald na aminadong pangarap talaga ang makagawa ng isang zombie-themed movie. 

Parang s’yang ano, e, real life and movie-wise, ano s’ya, apocalypse movie,” paglalarawan ni Je. 

Kasi zombie apocalypse [ang tema ng pelikula] nang may pandemic tapos bumabagyo buong anim na araw, tapos lumindol ng isang araw sa Batangas.”

Kaya naman thankful sila na kahit inabot ng sama ng panahon habang ginagawa ang pelikula ay natapos nila ito in time for Halloween.

Nandito [pa rin] kami, oh. May ano tayo, digital press conference. So, thank you, Lord,” pahayag pa ni Jerald. 

Ito ang ika-apat na movie na pinagtambalan ng KimJe couple after #Jowable (2019), Ang Babaeng Walang Pakiramdam (2021), Ikaw at AKo at ang Ending (2021) na tinangkilik ng kanilang mga fans. Kaya naman natanong silang dalawa kung may pressure ba on their end na malagpasan lagi ang mga nauna nilang pelikula. 

Ang lagi naman naming sinasabi when we get asked that question is that we’re grateful that we have work during the pandemic,” sagot ni Kim. 

Pag dating naman sa pressure, we just do our best according to the script. Kung ano pong ibibigay sa amin, kung anong trabaho o project ang ibibigay sa amin. ’Yon lang din para hindi namin maisip na, ‘Ah, kailangan mas magaling ka dito’ o kaya, ‘Ah, kailangan iba naman tayo dito.’ 

“We just work according to what the production wants us to do. So, we’re just happy. We’re just very grateful,” pagtatapos ng singer-comedienne. 

Positibo naman si Jerald na kakagatin ng mga manonood ang kanilang pelikula lalo pa’t napapanahon daw ito kung kailan naghahanap ng masayang pelikula ang viewers dahil sa stress na dulot ng pandemya. 

At siguro, nagkataon din na during pandemic naghahanap ang mga tao ng mas masaya, ’yong karaniwan sa genre ng ginagawa namin ni Kim - comedy or dramedy,” lahad ng theater and movie actor. 

“So, siguro mas patok [sa kanila]. Kaya siguro hinahanap rin ng tao ’yong tambalan namin. Kaya nagpapasalamat kami,” pagtatapos ni Jerald. 

Makakasama ng KimJe couple sa movie ang comedienne-actress na si Candy Pangilinan na love interest ng character ni Jerald kaya isa ito sa kakaibang dapat daw abangan ng mga fans. 

Mapapanood ang Sa Haba ng Gabi simula bukas October 29 (o mamayang 12MN) sa Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery. 

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Also, simula noong October 1, meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, and New Zealand.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.