Tumangging magbigay ng sagot ang actress-TV host na si Kim Chiu nang matanong s’ya sa estado ng relasyon nila ng long-time boyfriend n’yang si Xian Lim.
Natanong kasi s’ya tungkol dito ng ABS-CBN News sa dinaluhan n’yang 25th anniversary fashion show ng world renowned Filipino fashion designer na si Francis Libiran nitong weekend.
Usap-usapan kasi sa social media na diumano’y break na sila ni Xian kung kaya naman ito ang isa sa mga naitanong sa aktres.
Kung titingnan kasi, last July 16 pa mula nu’ng nang huling mag-post si Kim ng video nila ni Xian na kinunan noong magbakasyon sila sa Hong Kong. Hindi na ’yon nasundan pa.
Noong July 18 naman ang huling post si Xian ng video nila ni Kim.
Dahil dito, umugong ang bali-balitang nagkakalabuan na ngayon o kaya naman ay hiwalay na ang magkasintahan.
Ito ang dahilan kung bakit natanong ang aktres sa estado ngayong ng relasyon nila ni Xian.
“Kim, ang daming nagtatanong. Ano na bang latest sa love life? Kayo pa ba [ni Xian]?” diretsong tanong ni ABS-CBN reporter Gretchen Fullido sa kanya sa event.
Bahagya pang natawa ang aktres pero sa huli ay tumangging s’yang magbigay ng sagot.
“Grabe. Sa amin na lang muna ’yon. We’ll just keep it to ourselves muna,” matipid sa sabi ni Kim.
Ganu’n pa man, ipinagpapalagay ng netizens na ang naging sagot ng aktres ay pagpapahiwatig na may pinagdadaanan nga ngayon ang KimXi couple sa kanilang relasyon.
“Very BIG keyword sa sinabi ni Kim ay ‘MUNA.’ ‘Sa amin nalang MUNA yun’ . meaning there's something to be revealed in the future. Kasi sasabihin naman niya right away kung sila pa,” komento ng isa nilang fan sa YouTube.
Palagay naman ng isa pang netizen, ang naging sagot ni Kim ay nangngahulugang pag-amin na break na nga sila ni Xian.
“[Y]ung sagot na ‘lets keep it to oursleves muna’ is like saying wala na.. [Three crying face emojis] kac kung cla pa, madali lang naman sabihin ang YES [Crying face emojis],” anito.
Ganito rin ang palagay ng isa pa nilang fan.
“There you go people. Kim's response to the question regarding her relationship status with Xian Lim is now crystal clear that it's not good. At least she gave the fans a hint. No more guessing game,” sabi nito sa comment section.
Dagdag pa nito, maging maayos daw sana ang dalawa kung totoo man na naghiwalay na sila.
“Let's just hope that even if their current status is on the rocks or they finally decide to partways, they both heal and be ok with each other at the right time,” hiling nito.
Bagama’t wala ring pagkukumpirma from his end sa tsikang hiwalay na sila ni Kim, humiling si Xian Lim sa publiko last November 10, through his Instagram post, na maging mapanuri sa mga naglalabasang bali-balita ngayon.
“Plenty of hearsay happening right now and I would like to ask everyone to be mindful of what you chose to believe in deceiving headlines and other information used to just pretend to know the whole story for personal gain and traction. I ask to be mindful of what you share (sic),” panawagan ng aktor.
YOU MAY ALSO LIKE:
Xian Lim, ayaw nang iangkas si Kim Chiu sa kanyang motorsiklo
Xian Lim sa mga naiinip sa kasal nila ni Kim Chiu: “We do understand where they are coming from...”
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber