Kim Chiu asks bashers: "Kailangan ba talaga may matamaan, may mamatay, merong masaktan para sabihin n'yo na totoo 'yong nangyari?”

PHOTOS: @chinitaprincess on Instagram & Kim Chiu PH on YouTube

PHOTOS: @chinitaprincess on Instagram & Kim Chiu PH on YouTube

Dahil pahinga muna sa taping ang buong showbiz kabilang na ang aktres na si Kim Chiu dahil sa umiiral na enhanced community quarantine due to coronavirus disease (COVID-19) outbreak, nagkaroon ng chance si Kim na sagutin ang mga issue kaugnay sa pagkaka-ambush sa sasakyan n'ya last March 4. 

Sa video na ini-upload ng Kapamilya star sa kanyang YouTube channel na Kim Chiu PH  last March 27, sinagot ng aktres ang ipinupukol sa kanya ng ilang netizens na "staged" o "fake" umano ang nangyayaring pamamaril sa kanyang van. 

"Gusto ko lang i-clarify 'yong ibang bagay and gusto ko lang malinawan ang lahat sa totoong nangyari nung incident na 'yon," panimula ng emosyonal na si Kim sa kanyang video. 

Una niyang sinagot ay ang mga kumukwestiyon kung bakit daw tinablan ng bala ang sasakyan niya gayung bullet proof umano ito?

"Sa nagsasabi na bullet proof 'yong sasakyan ko, hindi po bullet proof 'yong kotse ko," paglilinaw n'ya. "Sa line of work naman namin hindi naman ho namin kailangan ng bullet proof na sasakyan. 

"Ang gusto ko lang, kasya lahat ng gamit ko para sa taping and nandun lahat ng kailangan ko. So nagkaroon ako ng ganung sasakyan. And hindi po s'ya bullet proof."

In-address din ng Love Thy Woman lead actress ang mga pumupuna sa pagpo-post n'ya ng masasayang ganap sa social media kahit katatapos lang nung traumatic incident.

"Bakit daw nagpo-post ako sa social media nang masaya eh one week pa lang daw po 'yong nakalipas simula nung nangyari 'yong incident. 

"Lahat naman ho tayo may iba't ibang ways on how we cope up, 'yong problema, stress, trauma. Iba iba naman po kasi 'yong tao," paliwanag ng talented Cebuana actress. 

"Ako hindi ko alam kung papano ako magre-react doon sa nangyari na 'yon kung tatanungin n'yo lang ako. Pero naranasan ko kasi s'ya and ganun ako mag-react, in a way na parang dumaan lang s'ya sa akin and dumiretso ako ng taping nang hindi ko inisip na 'Ay nanggaling pala ako dun?’”

Ipinaliwanag din naman daw ng kanyang counselor during their debriefing session after the shooting incident na kaya n'ya nagawa pang pumunta sa taping ay dahil iyon ang nasa instinct n'ya. 

"Nung nag-debriefing kami, sinabi [ng counselor], 'Habang nagkukwento ka, wala naman akong nakikitang trauma sa iyo. Okay naman 'yong pag-cope up mo and kaya mo rin nagawang dumiretso ng taping dahil instinct mo 'yong dumiretso ng taping.' So ganun ko daw hinandel 'yong situation." 

Hindi rin nakaligtas ang 29-year-old actres sa issue na sinadya daw ang pamamaril at pinalabas na ambush para makakuha ng atensyon o kaya naman ay simpatya mula sa publiko. May mga nag-upload pa ng video na inalisa ang pangyayari para patunayang peke ang barilan. Isa rin ang kilalang personalidad na si Jay Sonza, dating mamamahayag ng ABS-CBN, sa mga nagsabing hindi makatotohanan ang nasabing ambush.

"Sobra akong nalungkot nung napanood ko 'yon sa YouTube 'yong sinabi n'ya na fake ambush daw," kwento ng TV actress na hindi tinukoy kung sino’ng “siya” ang sinasabi niya. 

Sobra akong na-bothered, parang... ang sabi ko talaga sa sarili ko, 'Bakit? Bakit n'ya sinabi 'yon? Bakit may mga taong nanniwala sa kanya?'

"Ang dami kong 'bakit?' nung araw na 'yon. Hanggang sa dumating ako sa punto na, 'Hindi, okay na. 'Wag na natin s'yang isipin. Hindi naman mahalaga kung ano 'yong reaksyon na, kung ano 'yong gusto n'yang palabasin.'”

Himutok pa ng dalaga: "Kailangan ba talaga may matamaan, may mamatay, merong masaktan para sabihin n'yo na totoo 'yong nagyari?' Dahil unang-una hindi ko ilalagay sa panganib ng kahit na sino para lang sa 'publicity.'  Buhay 'yon ng mga taong nag-aalaga sa'kin ng ilang taon. Ilalagay ko ba 'yong buhay nila sa delikado?

"Kung tutuusin tinuturing ko na silang pamilya. Isipin mo, ipapabaril mo ba? Isipin mo na lang 'yong magulang mo, 'yong asawa mo 'yong nakasakay doon sa kotse, gagawin mo ba 'yon? Hindi.

"Sabi din nila nagpabayad daw ako para sa publicity. Bakit? Pa'no kung tumuloy 'yong bala? Aan'hin ko 'yong ibinayad nila sa akin para sa buhay ko?”

Sa nangyaring shooting incident sa Katipunan Avenue noong umaga ng March 4, ligtas ang actress pati na rin ang kanyang personal assistant at driver. Mistaken identity ang tinitingnang angulo ng mga imbestigador sa insidente. 

Natukoy na rin daw nina Kim kung sino ang tunay na target sa pamamaril subalit hindi na n'ya ito pinangalanan.

However, hindi pa rin nahuhuli ang mga salarin at hindi pa rin tukoy ang kanilang pagkakakilanlan. Ipinagpapasalamat na lamang former Pinoy Big Brother housemate na lahat sila ay ligtas.

"Hindi ko alam bakit sa akin nangyari 'yon. Hindi ko rin alam bakit may mga ganun pero pinagpapasalamat ko na lang talaga na walang nangyari sa amin. Walang nasaktan. Walang natamaan. Walang na-trauma."

Dugtong pa Kim: "Sana magpasalamat na lang tayo na walang nasaktan sa amin."

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: ABS-CBN bosses led by president Carlo Katigbak gather to console Kim Chiu.

Kim Chiu continues to work despite shooting incident; fans praise her for her professionalism

Xian Lim expresses gratitude over girlfriend Kim Chiu’s safety after shooting incident

Kim Chiu expresses gratitude for people who helped her get through shooting incident; shares her reflections on what happened

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.