Kiara Takahashi, kinilig nang sagutin ni Kaye Abad ang kanyang message

Tuwang-tuwa si Kiara Takahashi, na gagampan bilang Eds sa Tabing Ilog: The Musical, nang i-message siya ng orihinal na Eds na si Kaye Abad! Alamin ang kayang kwento by scrolling down below!

PHOTOS: Adam Laurena (L) and @kaye_abad on Instagram (R)

Tuwang-tuwa si Kiara Takahashi, na gagampan bilang Eds sa Tabing Ilog: The Musical, nang i-message siya ng orihinal na Eds na si Kaye Abad! Alamin ang kayang kwento by scrolling down below!

Tuwang-tuwang kwinento ni former Pinoy Big Brother (PBB) housemate Kiara Takahashi ang kanilang interaksyon ni Kaye Abad sa social media pagkatapos ng kanyang performance para sa press preview ng Tabing Ilog: The Musical kagabi, March 5, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Gagampanan kasi ni Kiara ang karakter na si Eds sa musical adaptation ng iconic 90’s teen drama series starting Sabado, March 7. Si Kaye naman ang orihinal na nag-portray kay Eds sa original series.

Noong nalaman ko na i-po-portray ko si Eds, si Ms. Kaye Abad, gusto ko lang ilabas ’yong feeling na sobrang saya ko,” kwento ni Kiara. “Tapos minessage ko siya sa Instagram, pero hindi ko inexpect na re-replyan niya ko. [...] Basta malabas ko lang ’yong feelings ko.”

Sinubukan lang daw ni Kiara na magsulat sa aktres via Instagram. Laking gulat naman niya na sumagot ito sa kanyang heartfelt message.

“Looking forward to meet you when I get to watch,” tanda ni Kiara’ng sagot mula kay Kaye. 

Gusto ko siyang ma-meet in person talaga,” pahabol na sabi ni Kiara.

Pero para kay Kiara, hindi raw mapapalitan ang nag-iisang Kaye Abad bilang Eds sa Tabing Ilog, ngunit pinagdarasal niya na magustuhan ng mga tao ang 2020 version ni Eds na kanyang bibigyang buhay sa teatro.

“This is a different story, also. So, sana magustuhan nila ang Eds 2020, version 2.0,” pahabol ni Kiara.

Subalit, handa ba si Kiara’ng harapin ang mga possible comparisons sa kanila mga original fans ng Tabing Ilog?

Parang ’di naman po mawawala ’yon talaga, ’yong mga comparison, but ako, kung ano naman po ’yong ginagawa ko, sobrang in-e-enjoy ko po kasi, e,” paliwanag  ni Kiara. “Gusto ko ’yong ginagawa ko so doon ako naka-focus. Hopefully, ’di ba, ma-deliver ko ’yong kung paano ko siya gustong ma-deliver.”

Abangan si Kiara at ang iba pang personalities ng PBB, Star Hunt, and MNL48 sa Tabing Ilog: The Musical na magsisimula sa March 7, Sabado. Makakasama rin nila dito ang mga beteranong aktor na sina Agot Isidro at Jojit Lorenzo.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.