Ken Chan, flattered na masabihang “new Dennis Trillo,” pero “sobrang layo pa po.”

“Ang masabihan na mai-halintulad ako sa kanya [Dennis Trillo], isang malaking karangalan po no’n. Kung ’yon po ang tingin ng mga tao...pero para sa akin ang layo pa—sobrang layo pa po.”

Photos: @gmanetwork

“Ang masabihan na mai-halintulad ako sa kanya [Dennis Trillo], isang malaking karangalan po no’n. Kung ’yon po ang tingin ng mga tao...pero para sa akin ang layo pa—sobrang layo pa po.”

Halos mamilipit ang Kapuso actor na si Ken Chan nang masabihan na tila siya na ang bagong usbong na Dennis Trillo ng GMA-7.

Gaya kasi ng multi-awarded na si Dennis Trillo, ay wala ring inurungan si Ken Chan pag dating sa pagganap ng mga complex characters. 

At ’yon ang pinagmulan ng pagkukumpara. 

Flattered na flattered si Ken nang masabihan siya tungkol dito during the virtual conference ng bago niyang afternoon teleseryeng Ang Dalawang Ikaw. (ADI), kung saan siya gumaganap ng isang taong may DID or disassociative identity disorder.

“Wow!” ngiting-ngiting reaction ni Ken. “S’yempre nakakataba po ng puso. Isa po sa mga iniidolo ko si Kuya Dennis dahil isa po sa mga unang ginawa kong teleserye, siya po ang kasama ko—’yong sa Biritera (2012) po. Nakita ko po kung gaano kagaling si Kuya Dennis doon.”

Aniya, wala pa raw siya sa showbiz ay idol na niya ang aktor dahil nga raw sa pawang mapangahas ang mga tinatanggap nitong roles na nagkakataong may kaparehas sa ibang mga nagawa na din niya. Aware din daw siya na marami pang gaya niya ang umiidolo sa lead star ng Legal Wives.

“Hindi pa nga po ako artista, idol ko na po si Kuya Dennis dahil sa mga ginawa niyang roles dati,” patuloy ni Ken. “Nag-play na rin po siya ng transgender, nag-play na rin po siya ng merong mental health problem, at isa rin po s’ya sa mga iniidolo ng mga artista at isa na po ako doon.”

Ang mga tinutukoy ni Ken ay ang cross-dresser spy role ni Dennis sa Aishite Imasu 1941: Mahal Kita (2004) at ang mentally unstable character nito sa isang 2019 episode ng Magpakailan Man na “Patawad, Ama Ko.” For his part, nag-transgender woman role naman siya sa Destiny Rose noong 2015; habang may mild intellectual disability naman siya sa My Special Tatay (2018). At ngayon nga, ang DID naman ang mental health issue na pangangatawanan ng kanyang pagganap sa ADI.

Ani Ken, malaking honor daw na maikumpara siya sa kanyang Kuya Dennis Trillo pero sa tingin niya ay marami pa siyang kakaining bigas pag dating sa acting craft.

However, nagpapasalamat siya sa mga nagbibigay ng magandang puna na ’yon at gagawin daw niyang pang-motivate para sa mas galingan pa.

“Ang masabihan na mai-halintulad ako sa kanya, isang malaking karangalan po no’n. Kung ’yon po ang tingin ng mga tao...pero para sa akin ang layo pa—sobrang layo pa po. 

“Pero gagamitin ko po ’yon, pangha-hawakan ko po ’yon para mas galingan ko pa po. At isa po ’yon sa nagpapalakas para mas ma-inspire po ako sa mga gagawin kong teleserye. Thank you po sa mga nagsasabi po no’n. Salamat.”

Nag-premiere na noong Lunes, June 21, ang Ang Dalawang Ikaw, ang pangatlong TV tambalan nila ni Rita Daniela.  It’s seen every day on GMA-7 after Eat Bulaga.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ken Chan, nangakong hindi mawawala sa buhay ni Rita Daniela dahil “mahal ko siya, e.”

Ken Chan, Rita Daniela, Anna Valentin, Dominic Roco, and more share the the most unforgettable advice their fathers gave them

Kahit titulada, Juliana Parizcovia Segovia, tutol sa pagsali ng transgender women sa mga beauty pageants gaya ng Miss U

Pokwang sa mga kumukuwestiyon sa kanyang loyalty: “Sana unawain din po ninyo, nanay po ako. Marami pong umaasa sa akin.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.