Katya Santos, aminadong insecure siya sa body type niya noon; nakaka-relate sa Pantaxa Laiya contestant na si Angelica Hart

Nakaka-relate daw ni Katya Santos sa Pantaxa Laiya contestant na si Angelica Hart dahil gaya nito, voluptuous rin daw s’ya noong nakasali s’ya sa Viva Hot Babes. Instead na naging proud, naging insecurity niya daw yon. “Ino-observe ko s’ya pag hubaran na, ’yong nahihiya…ganu’n din ako noon, e. Parang, ‘Shocks. Hindi maliit ang bewang ko. Ang se-sexy nila. Anong gagawin ko? Ang liliit nila.’ Parang ganu’n,” pag-amin ni Katya. 

PHOTOS: @simplykatya & @_angelicahart on Instagram

Nakaka-relate daw ni Katya Santos sa Pantaxa Laiya contestant na si Angelica Hart dahil gaya nito, voluptuous rin daw s’ya noong nakasali s’ya sa Viva Hot Babes. Instead na naging proud, naging insecurity niya daw yon. “Ino-observe ko s’ya pag hubaran na, ’yong nahihiya…ganu’n din ako noon, e. Parang, ‘Shocks. Hindi maliit ang bewang ko. Ang se-sexy nila. Anong gagawin ko? Ang liliit nila.’ Parang ganu’n,” pag-amin ni Katya. 

Nakaka-relate daw ang aktres na si Katya Santos sa showbiz hopeful at Pantaxa Laiya contestant na si Angelica Hart.

Sinabi n’ya ito sa digital media conference nila last April 14 ng kanilang upcoming erotic reality show.

Isa kasi si Katya sa dalawang mentors ng mga contestant sa show kaya’y natanong s’ya ng entertainment press kung kanino ba sa mga ito s’ya pinaka nakaka-relate.

(Ang kaibigan n’yang aktres na si Maui Taylor ang isa pang mentor sa reality show.)

Tsika ng former Viva Hot Babes member, nakaka-relate daw s’ya kay Angelica Hart. Nakita n’ya umano ang sarili n’ya sa actress wannabe noong  napabilang s’ya sa musical sexy girl group na Viva Hot Babes.

PHOTO: @vivamaxphilippines on Facebook

Nakaka-relate lang ako kay Angelica kasi parehas kami ng pinagdaanan before. Insecure ako sa katawan ko kasi nga ako ’yong malaman, ako ’yong voluptuous,” lahad ni Katya.

Dahil kasama sa competition ang patalbugan sa kaseksihan, naramdaman daw n’yang medyo conscious si Angelica sa kanyang body type at ganu’n na ganu’n daw s’ya noon.

Nagse-sexy-han kasi ang mga kalaban nito sa show, habang ganu’n din daw ang mga kasabayan n’ya sa Viva Hot Babes noon. 

Nakaka-relate ako sa mga [expressions] ni Angelica. For me, nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Ino-observe ko s’ya pag hubaran na, ’yong nahihiya, ganu’n din ako noon, e,” pag-amin pa ng aktres. 

Parang, ‘Shocks. Hindi maliit ang bewang ko. Ang se-sexy nila. Anong gagawin ko? Ang liliit nila.’ Parang ganu’n. In terms of physical appearance, kay Angelica ako nakaka-relate,” dagdag pa n’ya.

Matagal daw n’yang na-overcome ang insecurity n’yang ito at masaya s’ya na sa wakas ay natutunan rin n’yang tanggapin ang body type na meron s’ya. 

“It was actually a…parang pakikipaglaban sa sarili ko for the longest time. But at least, finally, dumating na rin sa point na, you know, I accepted myself,” saad n’ya.

Samantala, bilang mentor ng girls na nangangarap pasukin ang showbiz, natanong din si Katya kung ano ba ang ibinigay n’yang advice sa mga ito.

Ayon sa aktres, binigyang diin daw n’ya sa mga ito ang kahalagahan ng tamang ugali at pakikisama sa entertainment industry.

‘Yong working attitude nila sa set importante talaga ’yon. Sabi ko nga kahit gaano ka ka-talented pero pag pangit ang ugali mo at naging pabigat sa set, after a while hindi ka na kukunin. Mawawala ka na rin,” pangri-real talk n’ya.

Dapat din daw laging bukas ang mga ito sa bagong matututunan sa lahat ng pagkakataon na p’wede nilang mai-apply sa kanilang pag-aartista. 

Sabi ko sa kanila, when it comes to acting, take it as a learning… Para s’yang learning school na habang tumatagal kailangan natututo ka sa mga kasama mo,” pagpapatuloy ng aktres. 

Kukunin mo lahat ng inputs na p’wede mong makuha sa mga co-actors mo, ’di ba? Para, at least, meron kang nadadala, meron kang laging natututunan every show na nakukuha mo, every show na ginagampanan mo.”

Nagbigay din s’ya ng tip kung saan p’wedeng humugot ng mga emosyon kapag umaarte sa mga mabibigat na eksena. 

“And then of course, hindi lang sa pag-acting but also sa personal life nila. ’Yon lang naman ’yong shinare ko sa kanila na, lagi kayong magkaroon ng baon…baon na problema sa totoong buhay na p’wede n’yong magamit sa pag-aartista n’yo,” lahad pa ni Katya.

Wag n’yong masyadong dibdibin ’yong problema n’yo. But instead, d’yan lang s’ya, baunin n’yo lang para pag kailangan n’yong gisingin ang problemang ’yan meron kayong hugot pag kailangan n’yo nang gamitin ’yan sa acting,” pagtatapos n’ya.

Tiyak na mas mag-iinit ang summer ng Vivamax viewers sa bagong reality show kung saan magpapatalbugan sa iba’t ibang challenges ang walong contestants na sina Audrey Avila, Armina Alegre, Aiko Garcia, Aila Cruz, Apple Dy, Angelica Hart, Cess Garcia, and Aria Bench. 

Hosted by Rose Van Ginkel and Wilbert Ross, and directed by Paul Basinillo, mapapanood ang unang episode ng Pantaxa Laiya simula April 28 sa Vivamax.

PHOTO: @vivamaxphilippines on Facebook

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Katya Santos, kakasa pa rin daw sa sexy scenes basta walang frontal nudity

Katya Santos, malapit nang ma-annul ang kasal; hindi raw takot na mag-asawang muli

Maui Taylor at non-showbiz ex-partner, sa iisang bahay pa rin nakatira

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.