Katy Perry, lumalala ang mental health struggles dahil sa pagbubuntis sa gitna ng Covid-19 pandemic

“Sometimes i don't know what's worse trying to avoid the virus or the waves of depression that come with this new norm,” tweet ni Katy tungkol sa kanyang sitwasyon.

Photos: Instagram

“Sometimes i don't know what's worse trying to avoid the virus or the waves of depression that come with this new norm,” tweet ni Katy tungkol sa kanyang sitwasyon.

Hindi tinago ng singer na si Katy Perry ang kanyang mental health struggles sa gitna ng kanyang pagbubuntis at sa pagkakaroon ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa American Idol judge, it isn't all rainbows and butterflies.

“Sometimes i don't know what's worse trying to avoid the virus or the waves of depression that come with this new norm,” tweet pa niya.

Nag-share si Katy ng kanyang paiba-ibang mood swings na dala ng hormonal changes dahil sa pagbubuntis niya.

Dahilan ito kaya sumali siya sa isang livestream event na SHEIN's Together, isang fund-raising event for the COVID-19 Solidarity Response Fund for the World Health Organization (WHO).

Sey ni Katy sa livestream: “I have five good days and the rest are in tears. I cry when I look down at my toes or I cry when just doing simple tasks.”

Sinabi rin niya na ang stay-at-home orders ay nakaapekto sa kanyang mental health.

“I think a lot of that is hormonal and I’m not used to being around so many people all in a confined or a small space for so long. I’m used to going out all the time. There is not really anywhere to go besides my car. So I go to my car a lot. That is my safe space.”

Kung may isa siyang ipasasalamat, ito ay ang kanyang baby daddy na si Orlando Bloom. Kasama nga niya ang kanyang fiance sa pregnancy journey niya in quarantine.

Si Orlando daw ang nakakapagpasaya sa kanya tuwing nakakaramdam ito ng lungkot. Sabay silang nagde-decorate ng nursery para maramdaman nila ang excitement ng pagdating ng first born nila.

Ayon sa report ng E!: 

“They are getting excited and starting to decorate the nursery. They had wanted to have a baby shower but feel it’s going to be safer to do something after the baby arrives and see where things are then.

“They know they will do some sort of celebration when the time is right. Katy is getting bigger by the day and it's all starting to feel very real. They can't wait.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Buffy The Vampire Slayer star Sarah Michelle Gellar, napa-major throwback dahil sa quarantine

Stalker ni Ariana Grande, murder ang tunay na pakay?

Annual kabugan ng mga Hollywood stars sa pabulosang Met Gala, tsugi muna

Zoom tribute concert nina Meryl Streep, Christine Baranski, at Audra McDonald para kay Stephen Sondheim, mabilis nag-viral

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.