Agent ng PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency), ang isa sa mga anti-drug law enforcement agencies ng bansa, ang role ni sexy-drama actress Katrina Halili sa Kontradiksyon, isang “dramatic socio-political action thriller” na tumatalakay sa problema ng droga sa bansa under the Duterte administration.
“Marami ako sinapak dito,” natatawang simula ni Katrina Halili nang tanungin tungkol sa role niya during the press conference ng pelikula last June 14 sa Quezon City.
“Ito kakaiba siya kasi ano, action…di ba hindi naman ako nag-a-aksyon sa TV? Matagal na ’yong sa Darna saka eme-emeng action lang ’yong sa Darna. Walang training…ang training noon sa set lang. Parang hindi ko nga alam kung tama ba ’yong mga suntok ko. Dito [sa Kontradiksyon], pinag-training ako ni Direk.”
Matatandaaang dalawang beses na siyang “nakatunggali” ni Darna sa TV. Una noon 2005, when she played as the black Darna opposite Angel Locsin at pangalawa noong 2009, bilang Valentine, ang snake woman na archnemesis ng Marian Rivera Darna. Both were show in GMA-7, ang home studio ni Katrina.
Then, napako na sa sexy bida-kontrabida role si Katrina kaya welcome change sa kanya na kakampi naman siya ng mabuti this time sa kanyang action role sa Kontradiksyon.
Pero ayon kay Katrina, initially ay tinanggihan daw niya si writer-director Njel de Mesa (writer of the Abra-starrer Respeto, 2017) nang i-alok sa kanya ang role.
“Sabi ko, ‘Direk, feeling ko may tao para diyan, hindi ako,’” natatawang balik-tanaw ni Karina. “Parang hindi ko nakikita ang sarili ko talaga. Kasi pag-aaralain niya ako mga MMA [mixed martial arts], mga Aikido Japanese martial arts], mga ganyan…’parang hindi ako ganyan.’
“Pero sobra ’yong… buo ’yong tiwala niya sa akin na, ‘Naniniawala ako kaya mo.’ So, nahiya ako. ‘Sige po, maga-attend ako ng training.’”
And train, she did. At mukang nagustuhan naman niya ang resulta ng training dahil proud na niyang naipo-post ito sa social media.
Pero during the press conference, tila bigla uling tumiklop si Katrina. Naging aware kasi siya na baka maikumpara siya sa mga nauna nang nag-badass heroine sa local films.
“Sinasabi sa kin, magaling ka ba? Kasi si Cristine [Reyes] saka si Anne Curtis, magaling,” natatawang sa sariling hirit si Katrina. “Iniisip ko nga, ipo-promote ko ba? Nahihiya ako. Baka ako ma-bash.”
Si Cristine Reyes, na ka-batch ni Katrina sa StarStruck Season 1, ay kakabida lang bilang ex-assassin na si Maria, under the direction of Pedring Lopez; habang si Anne naman ay nagbida sa BuyBust ni Erik Matti last year.
At bilang, pang-huli, nagbiro siya sa mga taga-press na wag siyang masyadong husgahan sa bagong role niya.
“Balitaan n’yo ko ha [ng feedback]. Wag n’yo naman ako masyadong i-judge, first time ko.”
Kontradiksyon, which also stars Jake Cuenca, Kris Bernal, and Ritz Azul, in theaters June 26.
YOU MAY ALSO LIKE:
The Butcher | The perils of doing soap operas
The Cristine Reyes-starrer ‘Maria’ ranked 4th in the most-watched non-English Netflix films in UK
'Ang Probinsyano' is now on Netflix—but with an interesting English title