Wala daw sa plano ni Kathryn Bernardo ang magbuntis kaagad kapag ikinasal na sila ng nobyo n’yang si Daniel Padilla.
Ito ang mismong ikinuwento ng aktres sa kanyang vlog entry na in-upload last May 22 kung saan naging katsikahan n’ya ang kaibigang si Robi Domingo.
Ise-celebrate na kasi ng KathNiel ang kanilang 9th anniversary bukas, May 25, kung kaya isa sa naitanong ni Robi sa dalaga ay kung ano ba ang initial plan nila ni DJ [nickname ni Daniel] once they get married.
“I think, maybe, get our own place,” sagot ng Box Office Queen sa Kapamilya TV host. “Kasi feeling ko once you’re married and you’re starting a family na, your partnership in a deeper level na, I think you need your space. So it’s gonna take time talaga.”
Dugtong pa n’ya, wala rin daw sa plano n’ya ang magbuntis kaagad dahil gusto n’yang makapag-travel muna sila ni Daniel nang sila lang.
“Ayoko rin na mag-anak agad,” pag-amin ni Kathryn. “Sinabi ko [ito] sa kanya [kay Daniel] kasi gusto ko e-enjoy muna namin. Hindi kami naka-travel ngayon so ‘yon ‘yong gagawin.
“And then, once I’m ready, once we’re ready e di… No pressure naman na mag-baby agad after [the wedding],” lahad pa ng aktres.
Inamin din n’ya na naiilang daw s’ya kapag tinatanong ito sa kanila ng publiko.
“Actually, sometimes, ‘yon ‘yong nailang ako sa mga tao na, ‘di ba, ngayon tinatanong parati once kasal na ‘yong mga showbiz couples, especially, ‘Kailan kayo mag-aanak?’” pag-o-open up ni Kath.
“For me, you respect the decision na iba-iba ‘yong couple, e. Kanya-kanyang time ‘yan, e. We’re taking it day by day kung anuman ‘yong mangyayari,” pagtatapos n’ya.
Matatandaan na sa vlog ni Kathryn with Daniel last February, pinaalalahanan s’ya ng aktor na ayaw nitong “ma-late” sila sa kanilang pinagkasunduan.
Ani Daniel sa nasabing vlog, “‘Wag lang tayong mali-late. ‘Yon lang ang sa akin. Alam mo na ang sinabi ko sa’yo. Minsan, ang dami mong gustong gawin, hindi mo napapansin napag-iwanan ka na.
“Minsan, puro na lang tayo, ‘Gusto pa natin ‘to, gusto pa nating gawin ‘to.’ Magigising ka na lang, [tapos sasabihin mo sa sarili mo] ‘Naiwan na ako.’”
Happy 9th anniversary, KathNiel!
YOU MAY ALSO LIKE:
Daniel Padilla, pakakasalan na si Kathryn Bernardo bago siya mag-TRENTA; Kath, handa na raw
Kathryn Bernardo writes heartfelt message to ABS-CBN, says "hindi pa dito nagtatapos ang lahat."
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: https://twitter.com/pikapikaph
Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/
YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber