Kathryn and DJ, magtatayo ng business together soon!

Kath tells vlog interviewee Erich Gonzales that she and boyfriend of seven years Daniel Padilla are putting up their own business together soon.

PHOTOS: @bernardokath (L) on IG and screen grab from Erich's vlog

Kath tells vlog interviewee Erich Gonzales that she and boyfriend of seven years Daniel Padilla are putting up their own business together soon.

Masayang ibinahagi ni Kathryn Bernardo ang plans nila ng kanyang on and off-screen partner na si Daniel Padilla na magkaroon sila ng sarili nilang business very soon. 

Nabuksan ang topic na ito sa interview kay Kathryn ni Erich Gonzales para sa YouTube vlog entry niya na in-upload last night. Si Kath ang naging sumunod na guest ni Erich sa kanyang vlog after ng kaibigan niyang si Julia Barretto na nagbigay ng very personal interview na lumabas naman noong June 1. 

Game na game si Kath sa mga surprise prepared questions ni Erich na kailangan niyang sagutin ng either yes or no at may choice ito kung ie-explain niya kung bakit ’yon ang napili niyang sagot.

Na-reveal ng 23-year-old Kapamilya artist ang business plans nila ng kanyang beau after nitong sagutin ang last question na: “Can you say that you’re at your happiest now?”

“Yes, I’m at my happiest now. In-embrace ko lahat ng nangyari, mas free ako now, parang kontrolado ko yung buhay ko,” Kath explained.

“And mas nag o-open ka din ngayon hindi ‘yong parang may wall,” pag-agree naman ni Erich. 

Hindi ko nga alam bakit ngayon lang, nagsisi ako kasi before masyado akong careful...masyadong takot alam mo ’yon. Na-realize ko three years ago na mas masaya pala kapag open [ka sa tao],” dadag ni Kath. 

Kath went on: “Kaya ngayon, oo I’m very happy, career, personal, lovelife, friends, mga dogs and dreams. But of course madami pa akong gustong gawin pwede pa talagang maging mas masaya pero now I’m very contented.”

Sa latter part ng almost 30-minute video, she was asked kung anong pinaka-goal nito sa buhay, ang sabi ng Teen Queen ay: “Siguro ’yong dreamhouse ko para sa mama ko especially and ’yong sa business maging successful ’yong sa KathNails.”

Sa point na ito nai-share ni Kath na magiging business partner din sila ng kasintahang si DJ soon. “Tapos mag-oopen naman kami soon ng business namin ni DJ. Meron kami business, barber shop.”

Sana maging successful lahat, gusto ko mag-aral magluto, gusto ko magka restaurant ganyan. Ang dami ko pang gustong gawin pero hindi ko masasabi na hindi ako masaya...kasi masaya talaga ako.” nakangiting banggit nito.

YOU MAY ALSO LIKE:

“I'm the happiest when I'm with DJ.”—Kathryn

Kath and DJ are working on a new project in Japan

KathNiel fantaserye now on Netflix

KathNiel spends 7th anniversary in romantic Morocco 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.