Kasalang Lara Morena at Paolo Bediones, baka daw this year na; “Bahala na si God. Kahit wala na nga okey lang din, e.”

Pitong taon nang nagsasama sina Lara Morena at Paolo Bediones at nagdesisyon na silang mag-adopt ng baby para mas maging ganap ang kanilang pagiging pamilya.  	Hindi kasi naging successful ang pagpapa-In Vitro Fertilization nila kaya nag-decide silang mag-adopt. Although may naka-freeze pa naman daw silang embryos at p’wede pa nilang maging option later on ang pagpapa-surrogate parenthood.

PHOTOS: @mylaramorena on Instagram

Pitong taon nang nagsasama sina Lara Morena at Paolo Bediones at nagdesisyon na silang mag-adopt ng baby para mas maging ganap ang kanilang pagiging pamilya. Hindi kasi naging successful ang pagpapa-In Vitro Fertilization nila kaya nag-decide silang mag-adopt. Although may naka-freeze pa naman daw silang embryos at p’wede pa nilang maging option later on ang pagpapa-surrogate parenthood.

Nasa punto na raw ang aktres na si Lara Morena na ayos na sa kanya kahit hindi na sila ikasal ng partner n’yang si Paolo Bediones basta’t maayos ang kanilang pagsasama. 

Inilahad n’ya ito sa exclusive interview n’ya with the entertainment columnist and online host na si Butch Francisco para sa online show ng pikapika.ph kamakailan. 

Ibinahagi kasi ni Lara kay Butch kung paano nagsimula ang love story nila ni Paolo at ang current setup ng pamilya nila sa ngayon. 

Pitong taon na silang magkasama sa ngayon at nag-adopt na rin ng baby para mas maging ganap ang kanilang pagiging pamilya. Hindi kasi naging successful ang pagpapa-In Vitro Fertilization nila kaya nag-decide silang mag-adopt. Although may naka-freeze pa naman daw silang embryos at p’wede pa nilang maging option later on ang pagpapa-surrogate parenthood.

READ Lara Morena at Paolo Bediones, nag-decide mag-adopt ng baby nang hindi maka-buo; may frozen embryos pa rin, just in case

At dahil nga, kumpletos sangkap naman na ang kanilang pagiging couple, natanong ni Butch ang aktres kung nasa plano rin ba nila ni Paolo na gawing legal ang kanilang pagsasama. 

“Yes, naudlot lang. Hahaha!” natatawang sagot ni Lara. “He wants to marry me anytime soon.”

Napurnada lang daw kasi ito dahil sa pandemya na sinabayan pa ng pagpapakasal ng sister ni Paolo at pagkamatay naman ng brother n’ya. 

“The sister [of Paolo] din kasi got married ito ring pandemic…sukob ’yon [kung magpapakasal kami]. Hindi p’wede. 

“And then, last year, plano din namin last year. It was my brother naman died. So, hindi pa rin p’wede [kami ikasal],” paliwanag ni Lara. 

Tsika pa n’ya, palagi daw naaantala ang mga plano nila kaya umabot na s’ya sa punto na bahala na kung mangyayari ba iyon o hindi. 

“Who knows. Ako, hindi na ako [nagmamadali], e. Kasi naka-order na s’ya ng ring. Surprise na lang sana, e. Because every time I ask for it hindi nangyayari. May mga dates kami na pinipili ko, ako ’yong pinapapili n’ya, hindi natutuloy,” lahad pa n’ya kay Butch. 

Nandu’n na ako sa stage na sinasabi ko na, ‘Just let it happen. Let God [be] na lang kung ano ang gusto N’ya talaga para sa amin.’”

Nag-detalye pa s’ya sa plano nilang civil wedding tapos ay susundan nila iyon ng isang garden wedding. 

Sa civil muna kami. ’Yong wedding na gusto ko is garden wedding na kami-kami lang. To follow ’yon. We want our daughter na maayos din ’yong mga papers n’ya para makuha din n’ya ’yong apelyido ni Paolo,” aniya.

Pakiramdam nga daw n’ya ay matutupad ’yon ngayong taon. Hindi n’ya lang alam kung kailan. 

Alam ko naman this year mangyayari ’yon. I just don’t know when exactly this year but, you know, I’m… Bahala na si God. Hindi naman ako… Kahit wala na nga okey lang din, e. Ngayon pa ba ako [mangangamba] sa dami ng pinagdaanan namin [ni Paolo],” pagbabahagi ni Lara.

Sa pananaw kasi n’ya, hindi kasal ang sagot sa magandang pagsasama. 

Naniniwala ako na marriage is just a piece of paper. Nasa sa inyo pa rin ’yon kung paano n’yo iwo-work together as a couple, as a partner, ’yong pagsasama ninyong dalawa regardless kung kasal kayo o hindi. Kasi ang dami namang ikinakasal after few months naghihiwalay,” pangri-real talk n’ya.

Sa sitwasyon daw kasi nila, nalagpasan na nila ang mga mabibigat na hamon sa kanilang pagsasama at nasa chill mode na sila ngayon.

Kami kasi, dumaan na muna ’yong mga bagyo… ’yon ang advantage namin. Dumating na kami doon. Kumbaga, chill-chill na lang kami. Kahit ano’ng mangyari hindi na kami aabot sa magsisigawan kami or may lalayas sa amin. Kumbaga tapos na kami sa ganu’ng stage,” saad n’ya.

Nahingan rin s’ya ng mensahe para kay Paolo. Dito, pinasalamatan n’ya ang TV personality and entrepreneur sa pagtanggap nila sa kanya, at sa dalawa pa n’yang anak from her past relationship. 

“You know, Papa, sana ’wag mo na lang mapanood ’to. Hahaha!” panimulang biro n’ya. 

“Just continue what you’re doing, being a good father, being a good dad, a papa to mama. I know it’s not easy for you na ang dami-dami namin at mag-isa ka lang. But I’m grateful. 

“Sobrang grateful ako na ikaw ’yong binigay sa akin ni God and I’m waiting for this, ’yong moment na talagang alam ko na magiging Bediones din ako one day. I just don’t know when pero alam ko you will surprise me. 

Pero ’wag naman [agad-agad],’ biro pa niya. “Bigyan mo naman ako ng mga few days ha para makapag-wax naman ako, makapunta ako sa salon. Hahaha!”

Dagdag pa n’ya: “Just continue what you’re doing, papa. Lagi nating sinasabi sa isa’t isa, ‘Always stay on faith street’ at lagi natin [ilagay] si God sa center lang natin dahil without God hindi magiging strong ’yong relationship natin as a couple. 

“And also, ’yong pasensya mo sa akin habaan mo pa. Hahaha! Lalong lalo na sa baby natin. Alam ko hindi easy ang maging nanay at tatay kapag nasa mga lock-in shoots ako. Sobrang grateful ako, papa. I love you so much. I love you…and only you.”

Panoorin ang kabuuan ng interview ni Lara Morena tungkol sa pamilya at love story nila ni Paolo Bediones dito: 

 

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.