Kasalang Katy Perry at Orlando Bloom sa Japan, postponed muna dahil sa Covid-19 scare; pagbubuntis, matagal ding naitago sa mga paparazzi.

“The wedding is coming up and everything is planned. It's up in the air and things could be changing. Let's wait to see what happens with travel and coronavirus.” Kung matuloy ang wedding nila this year, ito ang second time na kinasal ni Katy. Una siyang kinasal sa British comedian na si Russell Brand noong October 2010 sa India. Nag-divorce naman sila noong December 2011.

Photos: Instagram

“The wedding is coming up and everything is planned. It's up in the air and things could be changing. Let's wait to see what happens with travel and coronavirus.” Kung matuloy ang wedding nila this year, ito ang second time na kinasal ni Katy. Una siyang kinasal sa British comedian na si Russell Brand noong October 2010 sa India. Nag-divorce naman sila noong December 2011.

Five months pregnant na ang singer na si Katy Perry nang i-reveal niya ito sa pamamagitan ng kanyang bagong music video na Never Worn White noong nakaraang March 5.

Ito ang first baby nila ng kanyang fiancé, ang English actor na si Orlando Bloom.

Hindi na raw kasi maitago ni Katy ang kanyang baby bump kaya perfect time na raw na i-reveal niya ito with a new music video.

"Honestly, I was getting way too fat to hide it, so I was like, 'Well, I think this song would be a great reveal! Let's start there. And that's how I communicate things -- I communicate through music," sey ni Katy.

Simula noong mabuntis siya, nagawa pa raw ni Katy na itago ang lumalaking tiyan niya tuwing dadalo ito ng mga events. 

Marami raw siyang natutunang tricks para matago niya ang baby bump niya sa mga paparazzi.

Noong December 9, 2019 sa isang event sa St. Paul, Minnesota, tinago ni Katy ang kanyang baby bump sa pagsuot ng bright yellow gown with a distracting bow and conveniently placed pockets.

Last February 3, 2020 sa isang dinner affair in London, suot ni Katy ay hot pink billowing dress big enough to hide her baby bump.

February 4, 2020 sa British Asian Trust Gala dinner ginamit niya ang kanyang purse clutch para matakpan ang tiyan niya.

Sa American Idol event last February 12, 2020, naging malaking tulong ang belt sa dress ni Katy para hindi mahalata ang lumalaking tiyan niya.

Noong mag-guest siya on February 12 sa Jimmy Kimmel Live! nagsuot si Katy ng double-breasted, monochrome suit that camouflaged her growing bump. She also added in pink hair para mas mapansin ng marami ang buhok niya kesa sa katawan niya.

Noong nakaraang Valentine's Day, naging madali lang kay Katy na itago ang tiyan sa pamamagitan ng huge fur coat. Pero noong buksan niya ang coat, hinarangan niya ang tiyan niya agad ng uber pink purse.

But after the reveal, mas naging kalmado na raw si Katy at Orlando dahil tapos na raw ang effort nilang itago ang baby bump.

“I’m excited, we’re excited, and happy. It’s probably the longest secret I’ve ever had to keep. I thought I would tell you guys in the best way through a piece of music. I had to reveal it at some point. It’s getting pretty obvious," tawa pa ng singer.

Masayang-masaya naman si Orlando Bloom dahil magiging father siya sa ikawalang pagkakataon. May 9-year old son na ang aktor sa ex-wife niya, ang Victoria's Secret supermodel Miranda Kerr.

"My babies blooming ❤️," simpleng caption ni Orlando on Instagram showing a photo of Katy na nag-perform sa 2020 ICC Women's T20 event in Australia. In full view na ang baby bump ng singer.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Orlando Bloom (@orlandobloom) on

 

Na-engaged sina Katy at Orlando Bloom noong May 20, 2016. Planado na ang kanilang wedding sa bansang Japan, pero on-hold muna ang ceremony dahil sa threat ng COVID-19 outbreak doon.

"The wedding is coming up and everything is planned. It's up in the air and things could be changing. Let's wait to see what happens with travel and coronavirus," sey pa ni Katy.

Kung matuloy ang wedding nila this year, ito ang second time na kinasal ni Katy. Una siyang kinasal sa British comedian na si Russell Brand noong October 2010 sa India. Nag-divorce naman sila noong December 2011.

Stress-free raw ang wedding plans nila dahil hindi isang bridezilla si Katy.

"I call myself a 'bridechilla' as opposed to a bridezilla. Orlando and I are united with our approach. It’s not about the party, it’s about the coming together of people who will hold us accountable when things get really hard. Because it’s really great and then it’s really hard. Those are just the facts when you’re with someone who challenges you to be your best self."

Summer 2020 na raw ang due date ni Katy.

"There's a lot that will be happening this summer. Not only will I be giving birth, literally, but also figuratively to something you guys have been waiting for. So let's just call it a double whammy. It's a two-for!" tawa pa ni Katy Perry.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

ModelLand theme park ni Tyra banks, bubuksan na!

Singer na si Duffy, nakaka-recover na mula sa pait ng umano ay pambibihag at pang-gagahasa ng hindi niya pinangalanang tao

Ben Affleck, sober na ulit!

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.