Kapamilya stars and supporters, inalala ang isang taon nang pagkaka-shutdown ng ABS-CBN

PHOTOS: @iloveruffag, @itspokwang27, @chinitaprincess , @iamangelicap on Instagram

PHOTOS: @iloveruffag, @itspokwang27, @chinitaprincess , @iamangelicap on Instagram

Trending ang #IbalikAngABSCBN sa Twitter ngayong araw, May 5, isang taon mula nang huminto sa pag-ere ang media giant ABS-CBN Corporation sa frequency nitong Channel 2.

Matatandaang nag-expire ang broadcast franchise ng Kapamilya network last May 4, 2020.

Nang sumunod na araw, May 5, naglabas naman ng cease and desist order (CDO) ang National Telecommunications Commission (NTC) para ipahinto ang pagbo-broadcast ng lahat ng TV and radio stations ng ABS-CBN due to “absence of valid Congressional Franchise required by law.” 

Dahil dito, umapela ang kampo ng ABS-CBN ng pagdinig sa Congress para maipaliwanag nila ang kanilang panig at ma-secure ang trabaho ng kanilang mga workers. 

However, on July 10, nabigo ang ABS-CBN na makakuha ng panibagong franchise mula sa Kongreso. Ito ay matapos maibigay nila ang kanilang panig hinggil sa mga alegasyon na may kaugnayan sa tax avoidance, unfair labor issues, dual citizenship, at biased reporting.

Seventy congressmen ang bumoto pabor sa panukalang huwag nang bigyan ng prangkisa ABS-CBN, habang 11 ang pumanig sa Kapamilya network. May isa ring nag-abstain. 

At ngayong isang taon na nagdaan, inalala ng mga Kapamilya stars and supporters ang pagpapatigil sa ABS-CBN sa pagbo-broadcast.

Nangunguna na rito ang actress and beauty queen na si Ruffa Gutierrez.

“Throwback to May 5, 2020. My post : At a time wherein millions are dying, losing their jobs and struggling to make ends meet in the midst of a global pandemic, ABS-CBN just signed off. It was painful to watch,” pahayag n‘ya sa kanyang tweet ngayong araw.

Sa kasunod na tweet, bagama’t “heartbroken” daw ay pinalakas ni Ruffa ang loob ng kanyang mga “Kapamilya.”

“Cont. Just when we thought there was a glimmer of hope that we can still continue to provide for our families and to others na umaasa sa atin,” aniya. “I am heartbroken. To my ABS-CBN & “Love Thy Woman” family, stay strong & huwag tayong mawalan ng pag-asa. #IbalikAngABSCBN”

Sey pa n’ya sa ikatlong tweet, “Cont. To my fellow Filipinos, let us continue to pray that we may overcome all the hurdles coming our way.
HANGGANG SA MULI, KAPAMILYA. #InTheServiceOfTheFilipino #IbalikAngABSCBN”

Nanawagan din s’ya sa kanyang mga tagasuporta na muling mag-ingay sa susunod na taon bago ang national election, at bomoto. 

“Please remind the public again on May 5, 2022, bago mag eleksyon,” panawagan ng aktres. “Register, let your voices be heard LOUD & CLEAR and VOTE in 2022! #NeverForget #IbalikAngABSCBN”

Nagpasalamat naman si Pokwang sa mga opportunities na ibinigay ng network sa kanya kaya daw nabago ang buhay n’ya at ng kanyang pamilya. 

“Maraming salamat @abscbn saan man ako mapunta, saan man ang tahakin ng aking panibagong yugto bilang artista, bukod sa Dios habang buhay kong ipagpapasalamat sa iyo ang anumang meron ako at ang malaking pagbabago sa buhay ko at ng pamilya ko #isangTaonnaABSCBNShutdown” lahad ng comedienne-TV host.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

Nanariwa naman daw ang lungkot sa ABS-CBN homegrown actress na si Kim Chiu ngayong isang taon na ang lumipas mula nang mawala sa free-to-air channel ang kanilang network.

“A year ago today! Hearts are broken,” lahad n’ya sa kanyang Twitter post. “So many questions, allegations have been answered yet.... still........… woke up today with a heavy heart, thinking of what the future is for us? Living like this. Afraid, scared, worried.”

Heto ang ilang pang celebrities na inalala ang pagkaka-shutdown ng ABS-CBN:

VHONG NAVARRO

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)

JHONG HILARIO

OGIE ALCASID

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid)

BIANCA GONZALEZ

ERIS ARAGOZA

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Eris Aragoza (@eris_aragoza)

 

ANGELICA PANGANIBAN

 

REGINE VELASQUEZ

ION PEREZ

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)

AMY PEREZ

KAREN DAVILA

NOEL FERRER

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Noel Ferrer (@iamnoelferrer)

ERUC JOHN SALUT

At present ay napapanood ang ilang programa ng ABS-CBN sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, KTX.PH, and other digital platforms.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.