Kampo ni Debbie Garcia, nag-react sa balitang ibinasura na ng korte ang kaso nila laban kay Barbie Imperial

Ayon kay Atty. Catherine Amen, kung sakali daw na ma-dismiss ang mga kasong isinampa ni Debbie Garcia laban kay Barbie Imperial, aapela daw sila sa Office of the City Prosecutor dahil naniniwala s’yang malakas ang ebidensya nila against Barbie.

PHOTOS: @debsgarcia & @msbarbieimperial on Instagram

Ayon kay Atty. Catherine Amen, kung sakali daw na ma-dismiss ang mga kasong isinampa ni Debbie Garcia laban kay Barbie Imperial, aapela daw sila sa Office of the City Prosecutor dahil naniniwala s’yang malakas ang ebidensya nila against Barbie.

Naglabas ng pahayag ang kampo ng aktres na si Debbie Garcia kaugnay sa balitang ibinasura na umano ng korte ang mga kasong isinampa nila laban sa aktres na si Barbie Imperial.

Sa ulat kasing inilabas ng comedian-vlogger and talent manager na si Ogie Diaz sa online show nito with Mama Loi and Dyosa Pockoh last May 24, sinabi nitong na-dismiss na daw ang kaso.

Kauganay ito sa napa-ulat na naganap na verbal ang physical altercation between Debbie and Barbie noong madaling araw ng October 28, 2022 sa Tipsy Pig gastropub sa Timog, Quezon City.

Ito ang rason ng pagsasampa ng tatlong kaso ni Debbie against Barbie, gaya ng grave oral defamation, slight physical injury, and grave slander by deeds.

However, sa ulat nga ni Ogie Diaz, lahat umano ng kaso ay ibinasura na ng korte “due to insufficiency of evidence.”

At bilang patunay, nag-flash pa sila on screen ng last page ng resolution na may petsang May 9, 2023 kung saan nakasaad na dismissed na ang mga kaso. 

Dahil dito ay naglabas ng pahayag ang kampo ni Debbie through Atty. Catherine Amen, ang legal counsel ng aktres. Nakuha ng kopya ang pikapika.ph ng opisyal na statement ni Atty. Amen.

Narito ang kabuuan ang statement:

“We watched Mr. Ogie Diaz’ vlog about the dismissal of my client’s case against Ms. Barbie Imperial.

“Please know that we have yet to receive a copy of the Resolution. So, we do not know the veracity of the resolution cited in the said vlog. The last time we checked, we were informed by the staff of the investigating prosecutor that the case was still under review.

“What we are actually waiting for is an Order on the undated Motion to Reopen the Case filed by Ms. Imperial since the case was already submitted for resolution without her filing any responsive pleading. She filed said motion so she can file her Counter-Affidavit which she did not file when subpoenaed to do so. As a matter of fact, Ms. Imperial failed to attend any hearing during the preliminary investigation of this case before the Investigating Prosecutor. We opposed the motion by filing our Comment/Opposition; hence, the anticipation of such Order.

“However, if that was indeed the resolution issued, we will be filing the necessary pleading before the Office of the City Prosecutor of Quezon City. 

“We know we have a strong case against Ms. Imperial based on the testimonial and object evidence we submitted to the investigating prosecutor. We have third persons who willingly testified as to the truth of the incident, we also have 2 CCTV footages covering two separate instances of Ms. Imperial’s infractions. We also submitted one video interview, which we believe substantiated all the allegations in the complaints. With these and more, we are confident that my client will get the justice she deserves.”


 

YOU MAY ALSO LIKE:

Debbie Garcia, nag-file na ng tatlong complaints sa DOJ laban kay Barbie Imperial; Viva Artists Agency full support kay Debbie

Paglilinaw ni Barbie Imperial, hindi totoong si Daniel Padilla ang nag-comfort sa kanya noong mag-break sila ni Diego Loyzaga; “Wala nga si DJ noon [sa bahay nila ni Tita Karla Estrada].”

As per Diego Loyzaga, hindi raw sila nagkabalikan ni Barbie Imperial; “We’re friends. We spent a very long time together. Imposibleng hindi kami maging magkaibigan.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Photo desc

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.