Kakampink celebrities Angel Locsin, Iza Calzado and Aicelle Santos, nagpahayag ng suporta at dasal para sa mga susunod na lider ng bansa

At present, nangunguna pa rin sa bilangan sa pagka-presidente at pagka-bise president ang tandem nina dating senador Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte, malaki ang lamang ng mga ito sa sinuportahan nilang sina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan. Malinaw man na nabigo ang kandidato nila sa halalan, nagpahayag pa rin sila ng suporta sa mga nangunguna ngayon sa bilangan.

PHOTOS: @therealangellocsin, @missizacalzado, & @aicellesantos on Instagram

At present, nangunguna pa rin sa bilangan sa pagka-presidente at pagka-bise president ang tandem nina dating senador Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte, malaki ang lamang ng mga ito sa sinuportahan nilang sina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan. Malinaw man na nabigo ang kandidato nila sa halalan, nagpahayag pa rin sila ng suporta sa mga nangunguna ngayon sa bilangan.

Bagama’t may lungkot at pagkadismaya sa resulta ng nagdaang halalan ay nagpahayag ang ilang Kakampink celebrities na sina Angel Locsin, Iza Calzado, at Aicelle Santos ng pagsuporta sa mga nanalo sa eleksyon. 

At present, nangunguna pa rin sa bilangan sa pagka-presidente at pagka-bise president ang tandem nina dating senador Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte, malaki ang lamang ng mga ito sa sinuportahan nilang sina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan.

Malinaw man na nabigo ang kandidato nila sa halalan, nagpahayag pa rin sila ng suporta sa mga nangunguna ngayon sa bilangan.

Sa Instagram post ni Angel matapos ang thanksgiving event nina VP Leni at Senator Kiko sa Ateneo de Manila University nitong weekend, sinabi n’yang umaasa s’ya sa mga nangunguna sa bilangan na sisikapin ng mga ito na makapagbigay ng mas maayos na serbisyo sa bansa. 

“For our country’s sake, I’m rooting for our presumptive president, vice president & senators. I’m hoping they’ll do better than our past leaders,” pahayag ni Angel.

“I am a Filipino citizen hoping to be proven wrong. Masasabi ko hong ikakasaya ko ho kung mali kami at tama kayo,” dagdag pa n’ya.

Ito ay bilang pagtugon sa panawagan ni VP Leni na kilalanin ang demokrasya at ang boses ng mas nakararaming botante. 

“Thank you VP Leni for showing grace in defeat last night. A true leader indeed. Reminding us na isa sa mga ipinaglaban natin ay ang demokrasya. Magkaiba man tayo ng stand, we should honor democracy and listen to the majority bilang ka-isang bansa,” aniya.

Hindi rin n’ya nakaligtaan ang kanyang fellow Kakampink sa effort ng mga ito sa kanilang kampanya. 

“Hindi ko makakalimutan ang pagmamahal sa bayan na pinakita ninyo. Huwag hayaang mabalutan ng dilim ang liwanag na nasa puso ninyo. Ngayon, higit pa man, mas kailangan kayo ng bayan. Buksan ang inyong mga mata at puso para sa bayan,” payo ng tinaguriang real-life Darna. 

Kung may natutuhan naman daw si Kapamilya actress Iza Calzado sa nagdaang eleksyon, ito ay ang pagtanggap sa kabiguan nang maayos at may dignidad. 

“To accept defeat with dignity and grace and a heart filled with hope is what this election season has taught me. I have the utmost respect for the leaders I voted for after seeing them handle their loss,” sey ni Iza sa kanyang IG post kahapon kalakip ang series of photos na kuha sa mga napuntahan n’yang campaign rallies ni VP Leni.

Wala ring bitternes sa post ng aktres dahil kahit natalo ang sinuportahan n’yang kandidato ay ipagdarasal daw n’ya ang mga uupong lider ng pamahalaan. 

“I now put my faith in the current elected administration and, with a hopeful heart, I pray for them as they do their duty to lead our country,” lahad n’ya. 

Nagpasalamat din s’ya sa mga nakilala n’ya during the campaign period at sa mga inspirasyon na nakuha n’ya sa mga ito.

“To everyone I met along the way during the campaign, thank you. It was so inspiring to see this awakening of the Filipino spirit. I will treasure it forever,” ani Iza.

Panawagan pa n’ya, “Now, we must stand strong, united for the Motherland. We must push for progress, peace and prosperity as ONE. Love and Light, Pilipinas. Mabuhay!”

Sa kabila naman ng mga napapabalitang alleged irregularities nitong nakalipas na halalan, tanggap na raw ni Kapuso singer Aicelle Santos ang resulta nito. 

Sinabi n’ya iyan sa kanyang IG post kahapon kalakip ang isang pink sunset photo na kuha daw Batangas. 

“Bagama’t dismayado sa mga naging iregularidad nitong eleksyon, aking kinikilala ang boses ng mayorya. Hindi man rosas ang napili ng nakararami, pinukaw mo rosas ang masidhing damdamin para sa bayan,” ani Aicelle. 

Kaisa daw s’ya sa magdadasal at patuloy na magmamatyag sa masigurong magiging maayos ang susunod na administrasyon. 

“Sa mga nahalal, dalangi’y tuwid at tapat na serbisyo ninyong ipinangako. Nandito ang bayan, susunod habang nagbabantay,” saad n’ya. 

“Gagawa ng tama ngunit pupunahin ang mali, Hindi mabubuhay sa nakaraan, Ngunit aalalahanin ang historya noon kung bakit natin tinatamasa ang kalayaan natin ngayon,” Aicelle concluded. 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.