Kakai Bautista, nagbigay-inspirasyon ngayong magkakabahay na: "Walang deadline ang pangarap!"

PHOTOS: @ilovekaye on Instagram

PHOTOS: @ilovekaye on Instagram

Masaya ang singer-comedienne na si Kakai Bautista na makauwi finally sa Laguna after six months ng pagkaka-quarantine sa Manila dahil sa ipinatupad na lockdown sa Metro Manila and nearby provinces. 

Sa vlog ng aktres, na in-upload last September 4, binisita ni Kakai ang kanyang pamilya sa San Pedro, Laguna at nagpa-unlak pa ng house tour sa bahay na matagal na nilang nirerentahan. 

Dinalaw din ng tinaguriang "Dental Diva" ang dati nilang bahay kung saan s'ya lumaki kasama ng kanyang lolo at lola bago sila napunta sa inuupahan nila ngayon.

Matapos noon ay ipinakita na din ni Kakai ang ipinapagawa niyang bahay na katas umano ng kanyang mga showbiz projects at ng isang TV commercial para sa isang fast food restaurant. 

"Welcome sa wala pang laman [naming bahay]," pangunang pahayag ng 42-year-old singer-TV host kanyang vlog. 

Bulalas pa n'ya: "Katas ng Jollibee! Thiz iz the JB Houze!

Tsika pa n'ya, dapat pala ay nakalipat na ang kanyang pamilya sa bagong bahay pero naantala ito dahil nga nagkaroon ng pademya.

"'Di ko pa alam kung kailan malalagyan ng laman at kailan mapapaayos," sey pa ni Kakai. "Pero sana ngayong taon. Dapat mga August or July...kung hindi nagka-COVID-19. Pero dahil wala tayong mga trabaho [sa ngayon]... Nganga!"

Ipinakita din n'ya ang tatlong kwarto sa second floor. Plano din daw ng komedyana na magpagawa ng extension para magsilbi nilang dirty kitchen at laundry area. 

Sa kanya namang Instagram post last September 5, ipinahayag ni Kakai na bagama't nalungkot s'ya dahil sa pandemic ay thankful naman daw s'ya dahil malapit na ngang mataapos ang pinapagawa n'yang bahay. 

"Ngayon lang kame nagkaroon ng sariling bahay," panimula ng niya sa kanyang IG post. "Sa Latest kong vog pinasilip ko itong munting tahanan namin. Di pa sya tapos dahil ipapayos ko pa sana ang interior kung hindi nakaroon ng pandemia.

“Oo nalungkot ako dapat nakalipat na kame pero alam ko may dahilan si LORD kung bakit di pa sa ngayon. At naniniwala ako na makakalipat din ang pamilya ko dito! Si LORD ang bahala dahil sya ang gagawa ng paraan para matupad yun. Dahil napakarami na nyang tinupad sa mga pangarapa ko.”

Sa Instagram, muli din n'yang binanggit na natupad ang pangarap n'yang magkabahay sa tulong ng TV commercial para sa isang fast food restaurant kung saan nakasama n'ya ang kapwa komedyanang si Eugene Domingo. 

“Ang bahay na ito ay katas ng @jollibee JOLLISERYE with ate Uge, endorsement ko,” lahat pa n’ya. “kaya, JB HOUSE ang tawag ko dito. di pa ito tapos dahil ang iba pa ay naloan ko sa bank. Sugod lang, para sa pangarap kase alam kong pagtatrabahuhan ko ito. At pagsisikapan.”

Naikwento pa ng Hello, Love, Goodbye co-actress ang kanilang karanasan bilang pamilya noong mga panahong napapaalis sila sa kanilang mga inuupahang bahay.

"[G]usto kong malaman nyo na napakaraming beses na namin napalayas sa mga narentahan namin, dumating sa point na akala ko sa kalye na kami titira,” pagre-recall pa ng aktres. “Pero NAPAKABUTI NI LORD.

"[Dalawang] dekada akong nangarap para sa pamilya ko. Wag nating isipin na ang kahirapan nanararanasan naten ay parusa, kungdi Blessing na magpapatibay sa atin at sa ating FAITH.”

Nagbigay din s'ya ng inspirasyon sa kanyang mga followers at sinabing wala umanong due date o deadline ang pangarap.  

“Sa mga makakabasa nito, WALANG DEADLINE ang pangarap! Kahit anong age mo, kung anong sitwasyon batas gusto mong paghirapan ay matutupad!

“TIwala sa sarili at Tiwala kay LORD! yan lang ang formula na kailangan mo. At tandaan mo, lahat ng bagay na nakukuha mo ng mabilis kapag di mo inalagaan ay mawawala din ng mabilis!!” pagtatapos ni Kakai.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by 𝑲𝒂𝒌𝒂𝒊 𝑩𝒂𝒖𝒕𝒊𝒔𝒕𝒂 (@ilovekaye) on


PANOORIN ang kabuuan ng vlog ni Kakai kung saan ipinasilip n'ya ang ipinapagawa n'yang bahay dito:

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Donnalyn Bartolome, ipinasilip ang bahay bago ito ibenta at iwanan

Ryza Cenon gives a virtual house tour as her first YouTube content 

Pika's Pick: Sharon Cuneta reveals dreaming of buying back the Dasmariñas Village house she grew up in

Inside Gabbi Garcia’s modern tropical home

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.