Kakai Bautista, binalikan ang “traumatized” episode ng buhay niya with Ahron Villena at kung paano sila nagkabati nito

PHOTOS: @ilovekaye & @ahronvillena on Instagram

PHOTOS: @ilovekaye & @ahronvillena on Instagram

Sa episode ng TV5 morning talk show na Chika, Besh—hosted by Pokwang, Pauleen Luna and Ria Atayde —kahapon, September 28, muling ibinida ng singer-actress na si Kakai Bautista ang kanyang isinulat na libro na may title na La Na Bye.

Na-inspire daw s'yang magsulat noon ng libro tungkol sa heart break at bitterness dahil ito daw 'yong madalas na hindi naisusulat at naipa-publish. 

"Ang laman n'yan kasi 'yong mga quotes," paunang paliwanag ni Kakai sa show. "Tapos meron s'yang free writing pages, mga tula. Ang sabi ko kasi sa libro na 'yan, ang dami-daming gumagawa ng libro na happiness, about love, tapos 'yong pinakamalungkot mong moment about love, about heartbreak, 'yon ang laging ‘di naisusulat. Hindi natin masyado nalalathala 'yong mga ka-bitter-an, 'yong galit na galit tayo."

K'wento pa n'ya, noon daw ay hilig na din n'ya ang pagsusulat. Kung hindi nga daw s'ya naging singer at artista ay malamang naging writer daw s'ya. 

"Actually kasi, kung hindi ako nag-theater, hindi rin ako nag-artista, 'yong una ko talagang job na hindi ko pinasukan sa unang araw ay as a writer talaga, as an editor sa paper ng isang company that helps OFWs," paglalahad ng tinaguriang “Dental Diva.”

"Nu'ng 2000 'to ha, bago ako grumadweyt. Bago ako naka-graduate nakahanap na ako ng work and then na-in love ako sa [acting] workshop, sa theater, so hindi ako pumasok sa first day ko.” 

Dahil dito hindi na daw talaga pumasok pa si Kakai sa dapat sana ay first job ever niya. Napunta man sa showbiz, nagamit pa rin naman daw n'ya ang talento sa pagsusulat. 

At nang tanungin s'ya kung ano ang kanyang favorite line sa kanyang libro, ito raw 'yong nasa pinakamahabang tula daw na ginawa n'ya na tungkol sa hope and love.

"Lagi ko sinasabi sa mga nagtatanong, nandito ang bitterness and all tapos 'yong mga tula na pang-in love, 'yong tula ng nakakainis... Sa dulo kasi nu'ng sinulat ko 'yong tula—na s'ya din 'yong pinakamahaba—ang title nu'n is 'May Nakalaan Para Sa'Yo,'” pagbabalik-tanaw ni Kakai. 

"It talks about kahit ano’ng gawin mo, kung destined ka to have a partner or kung hindi ka man magkaka-partner, merong something or the universe will give you..."

Dito na sumingit ang host na Pokwang at ibinahagi din ang love story n'ya bilang pa-totoo sa sinabi ni Kakai.

"You see? Seventeen years akong naging single mom na akala ko wala, na okey na 'ko. Sabi ko sa sarili ko, 'Okey na 'ko. Magtatrabaho na lang ako para sa anak ko.' Then, boom!"

Last 2015 kasi, after long years of being a single, nagkakilala at nagka-ibigan sila ng American actor na si Lee O'Brian. Biniyayaan ang kanilang pagsasama ng cute at bibang baby girl na si Malia. 

Pagpapatuloy naman ni Kakai: "Dapat mong basahin 'yon kasi 'yong line nu'n na, 'May nakalaan para sa'yo.’ Hindi mo lang hahawakan ang coffee mug. May hahawak na sa kamay mo. Isang kamay na hindi ka na bibitawan...Tapos 'yong mga huling line, 'Ngingiti na ang langit. Sasabayan ka. Dahil dumating na ang nakalaan para sa'yo.'"

Nauwi naman sa katatawanan ang usapan nang tanungin na ni Ria si Kakai kung ano ba ang pinakamalalang heart break na naransan n'ya. 

Nag-suggest din kasi si Pauleen na baguhin ang tanong mula sa "ano" ay dapat daw "sino." 

Request pa ni Pokwang, i-rate daw ni Kakai mula one to ten kung gaano ba katindi ang pinagdaanan n'yang heart break sa bawa’t taong nagwarak ng puso niya.

"Si M po, Mama Poks, mabait s'ya sa akin," pagba-blind item ni Kakai. "And I know na kaya n'ya lang siguro na ginawa 'yon kasi may pinu-protektahan s'ya. Kasi mabait talaga s'ya."

Nagbago naman ang tono ng aktres nang ipasok n'ya sa usapan ang aktor na nu'ng umpisa ay hindi n'ya muna pinangalanan.  

"'Yong A! 'Yon kasi grabe," segue pa n'ya. "Two years...tapos alam mo na papunta na kami sa 'Ano ba talaga?' 'Yong ganu'n. Sobrang... Na-in love ako, gan'un. Kasi lagi kaming magkasama. Lagi kaming nag-uusap. At ’tsaka alam naman n'ya 'yon. 

"Pero kasi 'pag hindi nagtatagpo 'yong utak n'yo minsan... Pero sinasabi ko kasi... Hindi kasi alam ng maraming tao, si A kasi, kahit 'yon ang pino-project n'ya na, 'Wow! K'yeme.' Pero ang daming beses n'yang nag-attempt na makipag-ayos sa akin... like four times. Sa fourth time na, okay na akong humarap sa kanya, okay na akong makipag-usap, doon kami naging okay. 

"Pero may phase pa doon na... Nu'ng gumawa kami ng isang pelikula, trinay n'ya pa rin na to somehow win me back kahit as a friend o ano. Pero kasi pag tina-try n'ya, sinabi ko talaga sa kanya, 'Hindi ko na makalimutan 'yong ginawa mo, e. Traumatized na ako.’" 

Na-curious naman si Pokwang na kung ano ba ang pinagmumulan ng hindi nila pagkakaintindihan. 

Sey naman ni Kakai: "Ang nagiging issue kasi lagi sa akin na... Nakakahiyang sabihin pero 'yong, 'Ang talino mo. Ang successful mo. Kaya mong i-handle 'tong mga bagay na 'to.' Laging nagiging issue 'yon. 

"Tapos sa 'kin, kapag tinanggal mo 'yon sa 'kin, hindi na 'yon ako. 'Pag pinansin mo 'yan, 'Magbago ka on how you speak.' Ano? Babawasan ko ng ano?  

"Sabi nila ako lagi... Hindi ako ang laging nang-iiwan," pagtutuwid pa ni Kakai. "Kami ni A, hindi ko na s'ya kinausap [pagtapos nu'ng nangyari].

Pero ngayon daw ay okay na at nakakapag-usap na sila as friends. 

At dahil okey na rin lang naman daw, hirit ni Pauleen, bakit hindi pa pangalan kung sino ba si A.  

"Oo na," sambot ni Kakai sa hamon ni Pauleen. "Si Ahron Villena po kasi 'yon.” 

Matatandaang naging malapit sina Kakai at Ahron sa isa’t isa way back 2015 pero hindi sila nauwi sa romantic relationship.

Nagkalabuan ang friendship ng dalawa last July 2017 nang matanong si Kakai sa press conference para sa concert n’ya na Live, Love, Laugh kung naipakilala na ba ni Ahron sa kanya ang “special someone” nito.  Kahit super close kasi ang dalawa ay “best friend” lang tag ni Ahron kay kanya.

Sinagot ko na ‘yan dati. Alam ko naman ‘yon and accepted ko naman kung ano man s’ya,” sagot ni Kakai noon sa press. 

Dito nagalit si Ahron sa tila loaded na mensahe ng aktres  na ang dating diumano ay ina-out o nilaladlad niya ang aktor. Paratang pa ni Ahron at that time, nagagamit siya sa promo ng concert ni Kakai. Kaya naman ang galit na bwelta niya noon kay Kakai sa Twitter ay: “Naging tayo ba?” 

Ang kabuuang pahayag ni Ahron at that time read: “‘Tanggap mo kung ano ako?’ Saan galing un? Bakit Ano ba ang alam mo sa pagkatao ko? Naging tayo ba?

Ako ang alam ko NEVER naging tayo. Nanahimik ako kasi marunong akong rumespeto ng Babae.

Pero cguro naman may karapatan ako din akong magsalita para ipagtanggol ko nman ang sarili ko.

Ikina-hurt naman ito nang husto ni Kakai, na umamin kay Vice Ganda in October that same year sa Gandang Gabi Vice na umasa siyang may patutunguhan ang relasyon nila ni Ahron.

By November that same year, nagkabati din naman ang dalawa. At sa puntong ito ay on speaking terms na umano sila.

Maliban kay Ahron, na-link din ang singer-actress sa international German-Thai actor na si Mario Maurer na nakasama n’ya sa movie na Suddenly It’s Magic noong 2012.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Kakai Bautista motivates herself to workout and burn what she’s been eating during quarantine by looking at an old sexy photo of herself

TRAVEL TUESDAY | Kakai Bautista happily roams the grandeur of London

Pika's Pick: Kakai Bautista gets a new Kathryn Bernardo-inspired piercing

Kim Molina, Kakai Bautista, and Cai Cortez play the #Jowable’s Jowable Choice

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.