Kahit maraming nag-encourage, Janine Gutierrez, hindi daw talaga pinangarap maging beauty queen

Photos: @janinegutierrez

Photos: @janinegutierrez

Tinupad ni Janine Gutierrez ang kasunduan nila ng kanyang mommy na si Lotlot de Leon na tatapusin muna niya ang pag-aaral (sa Ateneo de Manila University) bago niya pinasok ang showbiz noong 2013. Yon ay kahit bata palang siya ay marami nang umaawit sa mama niya para kunin siyang artista.

Besides, hindi pa rin sure noon si Janine if gusto ba niya talagang sundan ang yapak ng mga magulang (Lotlot and Monching Gutierrez) at naging mga lolo at lola on both sides (Pilita Corales Eddie Gutierrez, Christopher de Leon at Nora Aunor).

But when she did decide to join showbiz. Hindi naman nagpapetiks at umasa lang sa graces na dala ng kanyang famous bloodline. She worked hard at ginalingan kaya naman kahit hindi pa ganoon katagal sa showbiz, Gawad Urian awardee na siya.

Tanda namin, sa simula palang ng career niya ay natatanong na siya sa mga press conferences at set visits kung wala ba siyang planong sumali sa mga beauty pageants. Bukod kasi sa maganda, ma-poise, at matangkad, smart at artriculate din si Janine. Mga katangiang “must” sa isang kandidata.

At consistent ang sagot ni Janine ever since na wala siyang balak.

In fact, she even turned down the offer of her beauty-queen aunt na si Ruffa Gutierrez (Miss World 1993  2nd Princess) na i-groom siya to be a future pageant candidate.

Kamakailan, sa virtual thanksgiving party para sa Dito at Doon, ang successful na pinagbidahan niyang digital movie along with JC Santos, ay muling nag-resurface ang tanong kung bakit never siyang sumali sa anumang pageant.

Kainitan na kasi ng prelimary rounds ng Miss Universe 2021 Pageant (na nag-conclude ngayong araw, May 17 at si Miss Mexico na si  Andrea Meza ang itinanghal na winner) noong ginanap ang virtual TY party.

Ani Janine, hindi raw niya nga kasi pinangarap. Pero aminado siyang gaya ng karamihan sa mga Filipino, ay mahilig din siyang manood ng mga pagenats. She even once hosted a Miss World-Philippines pageant noong nasa GMA-7 pa siya. Pero hanggang doon lang daw ang fascination niya sa mundo ng mga beauty queens—as an spectator.

“Never ko kasi pinangarap maging beauty queen, e,” direkta but very polite na sagot ni Janine. “I love watching pageants and watching Miss Universe, Binibining Pilipinas...lahat. Pero for me to join? Hindi ko kasi siya naging pangarap e.” 

“It’s not something that I ever thought of pursuing talaga. Pero sobrang flattered ako na you think that I could be so, salamat.” 

Samantala, kung meron mang pinapangarap si Janine ngayon ay yon ay ang pagkakaroon daw sana ng Part 2 ng Dito at Doon movie nila ni JC Santos na may extended run sa limang streaming platforms namely KTX, Cinema '76 @Home, iWantTFC, Ticket2Me, and Upstream.

May clamor both ang cast at ang fans at ready na si Direk JP Habac kung sakali man. But it’s all up to TBA Studios.

Bukod pala sa extended run nito ay mapapanood na din ito  globally in over 60 countries, including the USA, Canada, and select territories in the Middle East, and North Africa via TBA Play

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Janine Gutierrez, si Bela Padilla ang gustong maka-third wheel sa click new tandem nila ni JC Santos

Rabiya Mateo, inulan ng congratulatory messages mula sa mga nagdaang Bb./Miss Universe Philippines titleholders

The Butcher | How Gloria Diaz fares in Netflix series

Rabiya Mateo enters Miss Universe’s swimsuit competition but fails to advance in the Top 10

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.