Kahit maraming humihikayat, Kate Valdez, hindi raw kaya ang pressure ng pagbu-beauty queen

Nasa elementary school pa daw si Kate Valdez nang maranasan niyang sumali sa school-wide beauty pageant. At kung kailan nasa gustong edad na siya ay saka raw siya nakaramdam ng takot sa pagsubok sa mundong ito. “Ramdam ko po ang pressure at hindi pa man ako sumasali ng pageant, pero sa mga training pa lang na nakikita kong ginagawa ng mga beauty queens natin, grabe ang pressure. Parang okay na po ako sa pressure ng showbiz.”

Photos: @valdezkate_

Nasa elementary school pa daw si Kate Valdez nang maranasan niyang sumali sa school-wide beauty pageant. At kung kailan nasa gustong edad na siya ay saka raw siya nakaramdam ng takot sa pagsubok sa mundong ito. “Ramdam ko po ang pressure at hindi pa man ako sumasali ng pageant, pero sa mga training pa lang na nakikita kong ginagawa ng mga beauty queens natin, grabe ang pressure. Parang okay na po ako sa pressure ng showbiz.”

Bagong pasok pa lang si Kate Valdez sa GMA-7 ay madalas na itong natatanong kung may plano ba itong sumali sa beauty contest. Stunning Pinay beauty kasi ang datingan ng young Kapuso actress.

“Naku, ang dami ko nang naririnig, pero sa totoo lang po, parang hindi pa po ako ready,” natawang pag-amin niya sa naging online mediacon niya para sa pagre-renew niya ng kontrata bilang isang Kapuso.

“Ramdam ko po ang pressure at hindi pa man ako sumasali ng pageant, pero sa mga training pa lang na nakikita kong ginagawa ng mga beauty queens natin, grabe ang pressure, parang okay na po ako sa pressure ng showbiz,” natatawa pa ring dagdag niya.

Hindi pa raw talaga siya decided na pasukin ang beauty pageantry. Pero inamin niyang marami raw talagang nag-e-encourage sa kanya na subukin ito.

Isa na raw dito ang former Miss Universe 2014 na si MJ Lastimosa.

“Recently lang po, na-meet ko si ate MJ Lastimosa nang mag-taping kami for AOS (All Out Sunday),” k’wento ni Kate. “Sobrang kinukulit niya ’ko na, ‘Mag-start ka ng pageant.’ 

“Parang last pa po na naka-experience ako ng pageant sa school namin, elementary pa po ako no’n. Tapos sabi niya, ‘Ako rin naman, napilitan lang ako, pero tingnan mo naman ako ngayon,’ sabi niya.

Pero sabi ko, ayoko pa,” natatawa-tawang saad pa rin ni Kate.

Nakikita naman namin kay Kate habang nagsasalita na tila takot talaga itong pasukin ang beauty pageant kahit na may looks at height siya ng isang beauty queen.

Kaya tinanong namin siya kung saan nanggagaling ang takot niya gayong sanay naman na siyang humarap sa camera.

“Ano ba ang fear ko? Iba po kasi… ’yung gesture nila kung paano sila umarte. Parang nakakakaba lang po sa stage,” esplika niya.

“Parang hindi ko kayang umasta as a beauty queen. Okey na po ako as an actress.”

Anim na taon ng Kapuso si Kate at kamakailan lang nga ay isa siya sa muling pumirma ng contract renewal sa GMA Artist Center. Gayunpaman, may mga pagkakataon daw na hindi pa rin makapaniwala ang aktres sa magandang sinapit ng kanyang career sa showbiz.

“Actually po, hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala,” saad ng aktres. “I just feel so blessed na binigyan pa rin ako ng chance ng GMA Network na mag-trabaho pa rin as Kapuso.”

Sa mga kontrabida roles nalilinya si Kate. Noong una raw, nakaramdam siya ng frustration. Pero ngayon inamin niyang kampante na siya doon.

“Noong una pa lang po na nagkaroon ako ng character na kontrabida, hindi naman po frustrated...Siguro may halong kaba, nerbiyos dahil wala po talaga akong idea kung paano ko iha-handle at kung paano ba maging kontrabida. As in, wala akong idea at all.

“Pero ngayon na may mga roles na rin akong nagagampanan as a kontrabida, unti-unti ko siyang naa-appreciate.

“At the same time, na-realize ko na ang sarap pala sa feeling. Ang sarap pala ng pagiging kontrabida at bagay sa akin,” natawang sabi niya.

Kung bibigyan daw siya ng mabait o api-apihan na character ngayon, natatawang inamin ni Kate na parang mahihirapan na siya.

“’Yun na nga po, medyo hirap ako sa gano’n,” saad niya.

“Kasi, dahil sa features ko rin, kahit naman siguro kapag inapi ako, hindi maniniwala ang mga viewers. Parang, inaapi ba talaga ’to or parang gusto niya rin na sabunutan ‘yung nang-aapi sa kanya, parang gano’n.

“So, hindi ko po sure, pero I guess, mapu-pull-off ko naman. Kailangan lang talaga ng sobrang effort po.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.