Kahit komedyante, Kim Molina, dinidibdib daw ang role bilang detective judge sa Masked Singer Pilipinas

PHOTOS: @kimsmolina on Instagram

PHOTOS: @kimsmolina on Instagram

Ibang side daw ni Kim Molina ang natutunghayan ng mga manonood sa Saturday night show na Masked Singer Pilipinas

Ito ang ibinahagi ng singer-actress sa online show ng Viva TV na Anong Ganap? hosted by Phoemela Baranda na in-upload sa YouTube kahapon, November 1. 

Ani Kim, kung nakilala s’ya ng publiko bilang komedyante, ibang side naman daw n’ya ang ipinapakita n’ya sa reality singing competition na Masked Singer Pilipinas na produced by Viva at nagsimula nang umere noong October 24 sa TV 5.

Kabilang ang #Jowable lead star sa mga detective judges ng show - hosted by Billy Crawford - kung saan kasama n’ya sina Aga Muhlach, Cristine Reyes, and Matteo Guidicelli

“People know that I’m a funny girl,” pahayag ni Kim sa show. “People know that I’m [a source of] good vibes. Like every time na makita ako ng ibang tao laging naka-smile muna. Lighten up the mood, laging ganyan. The happy, happy baby girl. 

Pero pinapakita ko dito sa Masked Singer [Pilipinas] ‘yong, again, my different side,” pagpapatuloy n’ya. “I can also be serious when it comes to performing since I came from theater and we’re very disciplined in theater.”

Matatandaang nakilala si Kim sa kanyang mahusay na na pagganap sa hit Filipino musical na Rak of Aegis bago niya tuluyang napasok sa showbiz at napabilang sa Kapamilya afternoon drama na Kadenang Ginto.

At bilang detective judge sa talent show, seryoso daw si Kim sa pagsusuri sa performance ng mga kalahok.

Ako po, tinitingnan ko po ang performance kasi the more na nagustuhan ko po ang performance ng isang masked singer po natin, pipiliin po natin sila. Para tumagal, para mas makita po po natin kung ano pa po ang kaya nilang ibigay.

Ipinagmalaki din ni Kim ang pagiging Pinoy na Pinoy ng Masked Singer Pilipinas, na kahit franchise mula sa isang sikat na international singing competition, ay proudly Filipino ang mga tema ng costumes ng mga contestants. 

“The costumes, doon pa lang po, kasi localized po lahat ng costumes ng ating masked singers. Lahat po ‘yan ay Pinoy pride,” proud na sabi ni Kim. “So anuman ang characters na naiisip n’yo na very Pinoy pride, ilalabas po natin ‘yan dito.

“At ang pag-a-unmask po ng every masked singer on every episode, ‘yon ang aabangan ng ating audience, definitely,” pagtatapos ni Kim. 

Mapapanood ang Masked Singer Pilipinas tuwing Sabado, 7 PM, sa TV 5. 


NARITO ang naging interview ni Kim Molina sa Anong Ganap?:

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Masked Singer Pilipinas judges, Aga Muhlach, Cristine Reyes, at host na si Billy Crawford, umaapela ng unity

Jerald Napoles on marrying Kim Molina: "We're still maximizing what we can do kasi s'yempre kapag [kasal na] ibang level na, e."

Exclusive: The KimJe couple answers Pikapika’s Random Questions

Dimples Romana shares Kim Molina’s sweet handwritten letter to her

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.