Kahit hindi pa siya sinasagot ni Elle Villanueva, Derrick Monasterio, sigurado na raw na si Elle ang pakakasalan niya

Para kay Derrick Monasterio, ang nakikita niyang concern sa kanya ni Elle ang isa sa mga katangian nito na nagustuhan niya talaga. “Like mga simple stuff na halimbawa, magulo ang kotse ko, sasabihin niya, ‘Ayusin naman natin ‘yan. For mental health ‘yan. Kapag maayos ang mga gamit sa paligid mo, maayos ang utak mo.’ “So, ‘yung mga gano’n, sabi ko, 'Malupet ‘to, ah.' So, mga gano’ng bagay.”

Photos: @derrickmonasterio on Instagram

Para kay Derrick Monasterio, ang nakikita niyang concern sa kanya ni Elle ang isa sa mga katangian nito na nagustuhan niya talaga. “Like mga simple stuff na halimbawa, magulo ang kotse ko, sasabihin niya, ‘Ayusin naman natin ‘yan. For mental health ‘yan. Kapag maayos ang mga gamit sa paligid mo, maayos ang utak mo.’ “So, ‘yung mga gano’n, sabi ko, 'Malupet ‘to, ah.' So, mga gano’ng bagay.”

Nasa ligawan stage pa lang daw ang mga Sparkle artists na sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva. Pero ayon kay Derrick, sa palagay naman daw niya ay malapit na siyang sagutin ng dalaga.

Nagkakilala at nagkasama ang dalawa nang gawin nila ang GMA Afternoon Prime na Return to Paradise noong isang taon. At ayon kay Derrick, talagang nanliligaw raw siya rito.

“Traditional… pinagsisibak ko siya ng kahoy,” biro pa niya kung paano siya manligaw.

Pero bawi rin niya: “Inaalagaan. Kung paano ‘ko mag-alaga ng mahal mo sa buhay, ‘yung gano’n. Effort. Mine-make-sure ko na palaging okey siya and at the same time, natuturuan din niya ‘ko kung paano mag-mature.”

Para kay Derrick, nagsimula raw siyang magkaroon ng feelings o ma-in-love kay Elle noong ginagawa pa nila ang Return to Paradise.

Sa naging contract signing nilang dalawa sa Dermplus Moisturizing Sunscreen namin nakausap si Derrick kunsaan, pareho sila ni Elle na mga celebrity endorsers nito. 

Ang mga nakikita raw niyang concern kanya ni Elle ang isa sa mga katangian nito na nagustuhan niyang talaga.

“Siguro kapag sobrang concern siya sa growth ko. Like mga simple stuff na halimbawa, magulo ang kotse ko, sasabihin niya, ‘ayusin naman natin ‘yan. For mental health ‘yan. Kapag maayos ang mga gamit sa paligid mo, maayos ang utak mo.’

“So, ‘yung mga gano’n, sabi ko, 'Malupet ‘to, ah.' So, mga gano’ng bagay.”

Sinabi namin kay Derrick na parang may imahe siya na napo-fall talaga siya sa nagiging ka-loveteam niya?

“’Yun nga,” pagsang-ayon niya rin.  “Pero ang nangyayari kasi before, bata pa ko no’n. Para sa akin, ano lang ‘yon, puppy love.  Pero ngayon, mas matured na,” sabi niya.

Pero tila matindi ang tumamang pag-ibig kay Derrick dahil hindi pa man siya sinasagot ni Elle ay sigurado na raw siyang ito ang gusto niyang pakasalan.

“Ang tanda ko na, e, 27 na 'ko.  Kung hindi ko pa mahahanap ‘yung babaeng para sa akin, parang magiging katulad ako ng ibang actors na matanda na, pero bachelor pa rin. Living their life pa rin.”

Kelan naman niya nakikita ang kasalang ito?

“Anytime soon,” mabilis niyang sagot. 

“Gusto ko lang na stable ako financially. Pero, may career pa rin naman ako ngayon, kaka-sign ko lang ng contract a couple of months ago for another four or five years. Siguro after pa no’n, kung talagang ready na ready na ‘ko.

“Pero sinasabi ko lang na parang nasa mga 80 percent sure na ko sa kanya.”

Tahasan ding sinasabi ni Derrick ngayon na tapos na raw siya sa imaheng “playboy."

“Yeah, tapos na akong maglaro,” aniya.

“Totoo ‘yon at hindi naman din kailangang ipa-prove ni Elle, sarili ko lang din. S'yempre, nagma-mature, tumatanda. Kailangang ayusin ang buhay. Gusto ko by 35 or 40, alam ko na ang direksiyon. By that time, gusto ko nagta-travel na ‘ko sa buong mundo.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Derrick Monasterio, inalalayan ang fan na nagka-cancer hanggang sa gumaling ito

Derrick Monasterio at Elle Villanueva, nagpapalitan na ng “I love you” pero wala daw label?

Derrick Monasterio, bilib sa pagiging palaban ng baguhang si Elle Villanueva

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.