Kadean Paz, binawi ang rape accusation sa dating aktor na si Dennis da Silva after 19 years

SCREENSHOT: Raffy Tulfo in Action on YouTube

SCREENSHOT: Raffy Tulfo in Action on YouTube

Trending ngayon ang pagdulog ni Kadean Paz sa programa ni Raffy Tulfo na Wanted sa Radyo upang mapawalang-sala ang dating aktor na si Dennis da Silva.

Last January 21 nai-post sa YouTube ang episode ng show kung saan nga ay nakausap n’ya si Raffy para sabihin na walang kasalanan ang na-convict na si da Silva sa kasong rape na umano ay naganap 19 years ago.

Gusto ko pong humingi ng payo sa inyo kung pa’no ko po ba ia-ayos ‘yong mga nangyari before,” panimula ni Kadean sa show ni Tulfo. “It’s really haunting me until this point, especially when it came out… Kaming dalawa lang naman talaga ang nakakaalam ng totoong nangyari.”

To the unfamiliar, stepfather ni Kadean si Dennis na naaresto at nakasuhan ng rape noong 2002 dahil sa panggagahasa umano nito sa kanya na 14-years-old lamang that time.

Nakulong ang dating aktor na dumepensa noon na hindi daw rape ang nangyari dahil talagang may relasyon daw sila ni Kadean.

And after almost two decades, binabawi ni Kadean ang mga naging pahayag n’ya noon at sinabing inosente si Dennis kaya s’ya humihingi ngayon ng tulong para malinis ang pangalan nito.

“‘Yong part na ‘yon hindi po totoo ‘yon,” lahad n’ya sa programa. “‘Yong mga tao na lang po ang nag-input na ‘yon ‘yong ginawa, ‘yon ‘yong nangyari pero ako kasi… Sabihin na nating bata ako nu’n, 14 years old, I think I was capable enough to think that what is force and what is not. It wasn’t [sic] happened by force.”

Salayasay pa n’ya, “fabricated” umano ang mga inilagay sa testimony n’ya sa korte.

“Some of the statements in testimony na inano sa akin sa court parang in-exagge. It was fabricated. Hindi lahat totoo,” aniya.

Dahil nga matagal nang sarado ang kaso, natanong s’ya ni Raffy kung bakit ngayon lang s’ya lumantad para bawiin ang kayang akusasyon dati.

Sagot ni Kadean, first few months pa lang daw noon na gumugulong ang kaso ay nagsabi na s’ya na gusto na n’ya itong i-urong. Pero hindi ito nangyari dahil na-pressure umano s’ya.  

Kapag iu-urong daw kasi n’ya ang reklamo ay ilalayo sa kanya ang anak n’ya, hindi s’ya ibabalik sa kanyang pamilya at makakasuhan pa daw s’ya.

“First few months pa lang po nu’ng kaso nagsabi na ako na ayoko na kaso ang dami kasing consequences sa part ko, sa akin na sinasabi nila,” pagre-recall ni Kadean. “Du’n [ako dinala sa DSWD, e]. Inalis nila ako sa family ko for, like, seven years.  

Dinala nila ako sa controlled environment… Parang na-push nila ako na, ‘Kailangan panindigan mo ‘yan kasi inabuso ka, ginanito ka, ginanyan ka.’ Wherein, hindi naman talaga. ‘Yong pressure po ba? Ang dami kasing involved na parties na kumakausap sa [akin] every time.”

Pagbabalik-tanaw pa rin ni Kadean, hindi daw s’ya ang talagang nagsampa ng reklamo noon kundi ang kanyang ate at ang DSWD.

‘Yong incident po kasi nu’n kung pano s’ya nag-start is just a simple na parang may kumosyon na nangyari doon sa bahay, na si Dennis ay naka-inom. Nag-aaway sila. Nasaktan ako, pisikal.

Tapos ‘yon dumating nga ‘tong mga pulis. Nagkataon, artista, sila ni Mayor Joey Marquez pa nu’ng time na ‘yon… Nalaman ko na lang na rape ‘yong kaso nu’ng nai-kaso na nila. Wala pa ako masyadong naiintindihan pa nu’n nu’ng time na ‘yon.”

Dagdag pa n’ya, “Nu’ng nasa police station na kasi kami, ang daming… Ang gulo, e. ‘Yong ate ko na-overwhelm nalang din, e. Ayaw na ng ate ko na bumalik si Dennis sa amin so ‘yon. Ganito, ganyan. Sabi nila dahil menor de edad nga daw ako.

Para naman makapagbigay ng konkretong sagot si Raffy sa idinulog ni Kadean ay humingi na s’ya ng payo mula kay Atty Garreth Tungol na s’yang resident legal consultant ng programa.

Dito, sabi ng abogado na hindi na p’wedeng bawiin pa ang naging desisyon noon ng korte.

“Unfortunately, kahit gaano po ka-fabricated ang evidence sa kanya during the criminal trial...ang nangyari po kasi, humusga na ang ating korte,” paliwanag ni Atty. Tungol. “At most definitely, umabot na po tayo sa point where final na po ‘yong desisyon or it has reached ‘yong tinatawag nating res judicata o hindi na p’wedeng galawin ‘yong decisions na ‘yon.

Sa ngayon, ang tanging paraan lang daw para mapawalang-sala at mapalaya si Dennis ay sa pamamagitan ng presidential pardon. Tanging ang pangulo lang ng bansa ang makapagbibigay nito.  

Ngayon, sa mga criminal conviction po, ang only re-course natin dito, aasa tayo sa presidential pardon,” patuloy na paliwanag ni Atty. Tungol. “‘Yon na lang po. Kasi we need to respect ‘yong decision ng court, kahit na fabricated lahat ng ebidensya.” 

Pag-uulit pa n’ya, hindi na daw maaaring buksan pa ang kaso dahil closed case na ito.

Wala na pong apela kasi it happened, I think, 19 years ago. Ganu’n na po ata katagal. Wala na po tayo magagawa d’yan. The only re-course po ngayon is to seek pardon from the president of the Philippines.”

Payo pa ni Atty. Tungol, magsilbing-aral at reminder daw sana ito sa lahat lalo na sa mga gusto magsampa ng criminal case dahil once na ma-desisyunan na ito ng korte ay hindi ito agad mababawi.

“Again, this must serve as a reminder,” pagpapatuloy ng resident consultant sa show. “When you file a criminal case, it will most likely be out of your hand. Again, the crime is not against you. It’s against the state po. Kaya hindi po natin p’wedeng biglang bawiin na lang ‘yan.

“Very serious po lahat ng criminal accusations…Let this be a warning po sa lahat ng tao na siguro napipilitan lang o baka naimpluwensyahan na magsinungaling sa korte.

Payo naman ni Raffy, sumulat na lang si Kadean kay Pangulong Duterte. Ang magagawa na lang daw ng kanilang programa ay tiyaking makakarating sa pangulo ang sulat n’ya.

Mensahe naman ni Kadean sa Netizens, ngayong naging usapin na rin ang kaso nila sa social media, hindi daw n’ya iniisip kung ano’ng sasabihin ng mga ito at ang gusto n’yang mangyari ay mai-ayos ang lahat.

Sa mga Netizens, hindi ko sila masyadong concern talaga ngayon,” direktang pahayag n’ya. “Wala talaga akong pakialam sa kanila. Ang gusto ko lang ‘yong right justice kasi I don’t feel like I had justice dahil na-kontra verdict ‘yong tao.

“And at the same time, kung [pera] lang po, may milyon po akong makukuha du’n sa pagka-panalo ng kaso at hindi ko ‘yon habol. May anak po kami ni Dennis. At gusto ko po sana na ma-stop ‘yong…Iba po kasi ang pakiramdam pag naka-tag ka sa ganu’ng pangyayari na alam kong hindi totoo.

Noon pa man, gusto ko na mai-retract [‘yong kaso]. E, hindi po nila ako pinapansin. Parang natapos ‘yong part ko sa pagbibigay ng statement all and all, wala na akong update na nakuha. Wala ng anything. Pati ‘yong magtatanong ako sa kanila, wala. Hanggang ngayon hindi ako nire-reply-an kaya na-bother ako. Pakiramdam ko parang nagamit ako.

Pahayag pa n’ya, tila daw sinakyan ng mga nasa kapangyarihan ang nangyari na naging malaking eskando noong panahong ‘yon.

Parang nasakyan lang [ng otoridad] ‘yong pangyayari noon. Like, sinadya nga. Kaya hindi ko alam. Ganu’n ‘yong pakiramdam ko, e. Kaya after nu’n, wala na.

“Alam ko sa sarili ko na hindi s’ya totoo. Parang mali. Maku-konsensya rin po ako sa part na ‘yan,” pagtatapos ni Kadean.

 

FOLLOW US ONLINE: 
Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.