K Brosas, sinampulan ang isang basher matapos umano siya nitong "pagmumurahin" sa Facebook

PHOTO: @OfficialKBrosas on Facebook

PHOTO: @OfficialKBrosas on Facebook

Tila naubos na ang pasensya ng singer-comedienne na si Maria Carmela Brosas, o mas kilala bilang si K Brosas, sa isa sa kanyang mga bashers at pinatulan na n'ya ito. 

Kung kakambal na ng pagiging celebrity ang mga papuri at pagpuna mula sa publiko, mas lalo na sa tulad ng komedyana na kadalasang target dahil very vocal s'ya sa mga social issues. 

Maliban kasi sa kanyang mga jokes and ganap, inilalabas din 45-year-old Kapamilya star ang kanyang opinyon sa mga national issues at pagpuna sa ilang personalidad na nasa pamahalaan sa kanyang Twitter account.

At ngayong araw nga, July 29, ibinahagi ng Umagang Kay Ganda co-host sa kanyang Twitter ang pagpatol n'ya sa isang basher na nag-abala daw na i-message s'ya sa kanyang Facebook fan page para paulanan s'ya nang 'below the belt' na mga salita. 

"Share ko Lang, SA fb fan page ko May isang basher na pimagmumura ako Mula puyo Hanggang talampakan at o.a SA laswa NG msg (sic)," tsika ni K sa kanyang tweet. 

However, hindi naman daw direktang pagpatol ang ginawa ni K kundi kinontak n'ya daw ang employer ng basher. Nang maghalughog kasi ng information si K, lumabas na naka-public pala ang account ng nasabing basher. Kaya ang ginawa ni K ay tinawagan niya ang employer nito para i-report ang kanilang empleyado kasama ang bantang magde-demanda siya.

"Di ako sumagot," pagpapatuloy ni K. "Naka public sha w/ complete info. Tinawagan ko yung employer. Compirm. Sabi ko file ako kaso. naloka! Award! Yun lang. Habanaysdey.

Sa kanyang follow up tweet naman, nag-share si K ng screenshot photo ng mensahe mula diumano sa isa pa niyang basher.

Himutok ng basher kay K, mahilig daw s'yang bumatikos kay Pangulong Duterte. Nilait din nito ang singing voice ng singer-comedienne. 

"Eto pa isa.. alam ko din San sha work hihi kc naka public.. pero natawa ako dahil nakita ko fave nyang mga tv shows," komento ng aktres sa ipinost n'yang screenshot photo. "Sakto kasali akey lol at fave na book ha 'Jesus Christ time'.. 

Pabirong sey pa ni K: "Di nako sumasagot, pero iniipon ko sila.. para everyday may purpose chos!

Nagpahayag naman ng suporta sa singer ang kanyang mga fans at sinabing tama lang kanyang ginawa na isumbong sa employer ang basher na tila maraming oras sa pagsesend ng mga hate messages.

Dedma naman daw ang aktres, na isa ring book author, sa mga natatanggap na panlalait at hate messages. Instead, nagpromote na lang s'ya ng kanyang online ganap at ng kanyang 20K20 20th Anniversary Digital Concert na magaganap sa Friday, July 31.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.