K Brosas, gumawa ng “huling habilin” video nang magka-COVID

PHOTO: @kbrosas on Instagram

PHOTO: @kbrosas on Instagram

Thankful ang comedian-singer na si K Brosas na sa wakas ay negative na ang resulta ng kanyang test sa COVID-19 pero umabot daw sa puntong gumawa na s’ya ng “huling habilin” video habang naka-quarantine. 

Ito ang ibinalita n’ya sa kanyang online followers sa naging Instagram and Twitter posts n’ya kagabi, April 9.

“[A]fter 17 days of isolation, thank you lord negative na!” pahayag ni K sa kanyang IG post. “[Y]es nagka covid ako.. mild symptoms lang pero iba po yung mental torture o praning feels.”

Her post was accompanied by a photo of her medical result kung saan naka-indicate na negative na s’ya sa respiratory illness. 

Pagbibiro pa ng komedyana, mabuti na lang daw at sanay na s’yang mag-isa kaya kinaya n’ya ang sumailalim sa quarantine. 

“[B]uti sanay ako mag isa hehe pero iba din yung ang daming stress tapos dumagdag pa to at nag ecq uli.. buti na lang din walang taping at work muna para sa safety ng lahat,” lahad pa ni K.  

“[K]ahit sanay kang mag isa iba pag may dinadala ka na ganyan.. yung simpleng at normal kong pagluluto di ko nagawa kc ako lang kakain hehe, pero sobrang vitamins galore kahit lagi na naman mula ng nag simula ang covid [pandemic].”

Isa pa sa ipinagpapasalamat n’ya ay hindi naging malala ang naranasan n’yang symptoms. Safe din daw ang kanyang household members maliban sa kanyang personal assistant na okey na din daw sa ngayon. 

“[I]niisip ko na lang na maswerte ako at mild lang, ang daming kawawa, iba dinadala sa isolation facility o hospital na ngayon puno na at buong pamilya damay,” ani K.

“[A]ko mag isa sa condo na maswerte pa din talaga, pero sobrang kabado ako para sa driver ko, kay manang at sa anak ko, buti lahat negative.. kami lang talaga ng assistant ko (na negative na din!).”

Nagbigay din s’ya ng paalala sa publiko lalo na doon sa mga hindi siniseryoso ang sakit na COVID-19.  

“[A]nyway, hindi po biro tong virus na to, doble ingat,” payo n’ya. “[K]ung malakas katawan mo o tingin mo kakayanin mo isipin mo yung mga di kakayanin na mahahawa mo.. social responsibility na lang. at wag kalimutan na yung mental health mo apektado sobra.”

Hindi rin nakalimutan ni K na magpasalamat sa D’yos ngayong nalagpasan na n’ya ang pakikipaglaban sa COVID.

“[S]alamat sa diyos na kahit ano pa man nangyari saken, mas pinalakas ako at patuloy na lumalaban lang syet! 

“[S]ensya na di nako nakapag vlog chos..be safe and be healthy! lablablab!”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Carmela Brosas (@kbrosas)

Hindi man daw n’ya nai-vlog ang kanyang COVID-19 experience, inamin naman ni K sa Twitter na umabot daw sa puntong gumawa na s’ya “huling habilin” video habang naka-quarantine. 

“[H]indi ko na document ang covid journey ko, kc ayaw ko lang, pero nag “huling habilin” video ako,” pag-amin n’ya. 

However, binura din daw n’ya ‘yon kalaunan. 

“[Y]es ganon ako ka praning at takot na kahit mild lang nangyari saken ginawa ko yon, binura ko na rin kc ang sad lang.. [G]anon ang mental torture na dinaanan ko. [P]ero laban lng,” pagtatapos ni K.

Maliban sa noontime show na Lunch Out Loud, kabilang din si K sa mga hosts ng singing reality game show sa TV5 na Sing Galing na nagsimula na noong April 5. Kasama n’ya dito sina Rey Valera, Randy Santiago, Jessa Zaragoza, Donita Nose at Ronnie Liang.

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Glaiza de Castro, umaming na-positive sa COVID-19

Kelley Day, maayos ang lagay sa Egypt pero hindi pa daw makakauwi sa Pilipinas

Alice Dixson gets first dose of COVID-19 vaccine in Canada, has plans to get second shot in PH

Rhian Ramos, ligtas na pero naka-quarantine pa rin matapos magka-COVID-19

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.