Julie Anne San Jose sa ilangan nila ni Alden Richards: “Okay naman po kaming dalawa... Wala namang tension between us.”

“’Yung mga issues before, parang ibaon na natin sa limot ’yun. Kasi, 2021 na. And that’s not what we need right now.”

Photos: @myjaps | @aldenrichards02

“’Yung mga issues before, parang ibaon na natin sa limot ’yun. Kasi, 2021 na. And that’s not what we need right now.”

Hanggang ngayon, may mga fans pa ring apektado sa hindi pag-usbong ng on and off-cam team up nina Julie Anne San Jose at Alden Richards.

May ibang nagpapahayag pa rin ng hindi magagandang komento online kapag nababanggit ng sabay ang pangalan ng dalawang Kapuso stars.

Wala pa ang AlDub (Alden-Yaya Dub/Maine Mendoza) sa buhay ni Alden nang ma-link sila ni Julie Anne. Pero dahil hindi nga nag-blossom ang tambalan, naging kapansin-pansin noon na tila may ilangan o hindi sila kumportable kapag nakikitang magkasama.

Pero silang dalawa ang masasabing mga frontliners ng Sunday musical/comedy show na All-Out Sundays ng GMA-7. Hindi maiiwasang mapagsama sila sa mga segments at special numbers ng show. Maybe it’s time na maka-develop na ulit sila ng rapport.

At nang matanong nga si Julie kung ang ilangan ba o awkwardness nila ay dahil iniiwasan nila parehong mag-react ang fans, ay natawa lang ang dalaga.

“First of all, okay po kaming dalawa,” lahad ni Julie Anne. “We are good, okay po kami sa All-Out Sundays. Even when we see each other, nakakapag-hi, nakakapag-hello.”

Wala ba silang planong mag-ayos, so to speak, just to get the awkwardness out of the way? 

“Nagkakaroon naman ng mga usap-usap here and there, ganyan. For me, parang hindi naman kailangan. Hindi naman na kailangan,” natawang say ng tinaguriang Asia’s Pop Diva.

“Gusto ko lang din linawin ang issue between us. I mean, ako, wala pong kaso sa akin at all. At the end of the day, I’m just doing my job. Okay naman po kaming dalawa. I’m in good terms with him.”

At ayon pa kay Julie, dapat daw ay move-on na ang lahat.

“’Yung mga issues before, parang ibaon na natin sa limot ’yun. Kasi, 2021 na. And that’s not what we need right now.

“All we need right now is to help each other. Especially itong pandemic na ito, ang dami ng nangyayari sa mundo. So, why focus on the negative ones?”

Pagbibigay diin pa niya, “So, wala, wala namang kahit anong gano’ng feeling. Wala namang tension between us.” 

Sa panahon nga raw na ito, dapat ay positibo na lang—hindi sa virus—kung hindi sa mga bagay-bagay.

“It’s all about moving forward,” diin niya. “Living a healthier life, hindi lang sa pisikal na aspeto, pero kailangan din nating ingatan ang ating mga mental health, ang ating spiritual health, emotional health, ’di ba?”

Sa isang banda, ngayong Linggo, June 13 ay ipagdiriwang sa All-Out Sundays ang ika-71st Anniversary ng GMA Network.

Isa raw ito sa dapat abangan ng lahat dahil lahat halos ng Kapuso ay mapapanood dito. Nang tanungin nga si Julie kung ano ang dalawa sa hindi niya malilimutang episodes ng show, ay nahirapan siyang mag-isip.

“Ang hirap masagot kasi, every Sunday, may binibigay na bago ang All-Out Sundays. 

“So for me, dalawa sa pinaka-memorable, ’yung birth ng All-Out Sundays and ’yung ngayon na ise-celebrate natin ang 71stAnniversary ng GMA.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sa tanong kung hunky ba ang next boyfriend na gusto niya, Julie Anne San Jose, napa-“Oh, my God!”

Mayor Vico Sotto, pumalag matapos mag-resurface at malagyan ng ibang konteksto ang lumang statement niya tungkol sa leadership

Ara Mina to her fiancé Dave Almarinez: “Aalagaan kita tulad ng pag-aalaga mo sa akin.”

Eat Bulaga! Dabarkad Jimmy Santos, vlogger na sa Pampanga

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.