Julie Anne San Jose sa fan n'yang nandaot kay Judy Ann Santos para i-angat siya: "Itigil na po natin ito."

“Hello po, hindi po totoo ito. I look up to Ms. Judy Ann, isa po siya sa pinakahinahangaan at pinapanood ko simula bata pa ako, at marami pa po akong kakaining bigas, itigil na po natin ito salamat [folded hands emoj],” saway ng Asia's Limitless Star na si Julie Anne San Jose sa fan niyang inaangat siya kasabay ng pandadaot kay Judy Ann.

PHOTOS: @myjapsofficial & @officialjudayph on Facebook

“Hello po, hindi po totoo ito. I look up to Ms. Judy Ann, isa po siya sa pinakahinahangaan at pinapanood ko simula bata pa ako, at marami pa po akong kakaining bigas, itigil na po natin ito salamat [folded hands emoj],” saway ng Asia's Limitless Star na si Julie Anne San Jose sa fan niyang inaangat siya kasabay ng pandadaot kay Judy Ann.

May pakiusap ang singer-actress na si Julie Anne San Jose na huwag s’yang ikumpara sa superstar na si Judy Ann Santos.

May isa kasing fan na pumuri sa husay n’ya sa kanyang pagganap bilang Maria Clara sa top-rating Kapuso primetime series na Maria Clara at Ibarra. 

Kasunod nito ay ang pagkukumpara nito sa kanya sa multi-awarded actress and celebrity chef na si Judy Ann Santos.

Marahil kasi ay katunog ng role ni Julie Anne ang teleserye ni Judy Ann with Gladys Reyes na Mara Clara ng ABS-CBN na ipinalabas mula 1992 to 1997.

“Grabe w[a]lang sinabi si Mara - Judy Ann Santos kay Maria Clara - Julie Ann San Jose. Si Juday magaling lang lumuha pero hinde nakakadala. Si Julie Ann tagos bawat salita! Napakahusay!” pahayag ng fan ni Julie Anne 

Agad na sinaway ng aktres ang nasabing fan at pinasinungalingan niya ang claim nito na mas mahusay s'ya kesa kay Judy Ann. Katunayan, fan umano s’ya ni Juday mula pa noon at hindi pa daw s’ya makakapantay sa napatunayan nito sa industriya. 

“Hello po, hindi po totoo ito. I look up to Ms. Judy Ann, isa po siya sa pinakahinahangaan at pinapanood ko simula bata pa ako, at marami pa po akong kakaining bigas, itigil na po natin ito salamat [folded hands emoj],” lahad ng Asia's Limitless Star.

SCREENSHOT: @MyJaps on Twitter

Sa ngayon ay burado na tweet ng tagahanga ni Julie Anne. Pero hindi naging hadlang ito para mag-trending ang pangalan ng actress at ni Juday over the weekend dahil hindi rin nakapayag ang mga fans ni Juday sa maaanghang na pagkukupmparang ito ng fan ni Julie Anne.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.