Juliana Parizcova Segovia, inakong may “chemistry” sila ni  Marco Gallo

PHOTOS: @juliana_parizcova & @marcogalloc on Instagram, Rider PH Studios on YouTube

PHOTOS: @juliana_parizcova & @marcogalloc on Instagram, Rider PH Studios on YouTube

Napuno ng kilig at tawanan ang huling bahagi ng face-to-face and intimate media conference para sa pelikulang Gluta kamakailan nang ibida ni Juliana Parizcova Segovia ang nabuong chemistry daw sa pagitan nila ni Marco Gallo

Natanong kasi namin sina Marco at ang lead star ng movie na si Ella Cruz na gaganap bilang sina Bambino at Angel kung paano ba nila binuo ang chemistry nila sa comedy-drama movie. 

Natawa lang ang dalawang Viva artists at sinabing wala silang ginawang kakaiba. Hindi rin daw sila dumaan sa workshop, bagkus ay kumapit lang daw sila sa kani-kanilang characters at ginawa kung ano ang hinihingi ng mga eksena. 

Dito na umingit si Juliana na gaganap na Tsong Goliath na uncle ng character ni Ella sa movie.

“Actually, sa amin din [ni Marco]. Maraming kinilig doon sa tandem namin,” aniya na ikinatawa ng entertainment press. 

Ang tinutukoy n’ya ang teaser ng pelikula na inilabas noong June 18 sa Facebook na humakot agad ng mahigit one million views. At present ay meron na itong more than 2 million views. 

 
BONGGA | #GLUTA TRAILER 2

“…WAG KA’NG MAGSASASAMA SA MGA BADING! YUCKIE!!!…” #GLUTA streaming July 2 exclusively on Vivamax!

Posted by VIVA Films on Friday, June 18, 2021

Ay, oo. Iba. One million views in less than a day,” hirit ni Ella kay Juliana. 

“Of course. Nagulat nga ako, e,” natatawang sabi naman ni Marco. 

“Actually, ‘yong chemistry namin ni Marco… Wow! Hahahaha!” pagbibiro pa ni Juliana na coincidentally ay kapangalan nga pala ni Juliana Gomez, ang unica hija nina Mayor Richard Gomez at Cong. Lucy Torres, na na-link noon kay Marco

Ang hirap [nu’ng eksena namin]” paliwanag pa ng Miss Q & A 2018 Grand Winner. “Doon ako nahirapan. Hindi ako nahirapan sa drama. 

Sa scene na ‘yon ako nahirapan kasi ang tangkad ni Marco, hindi ko s’ya maabot. E, kailangan nandidito [sa balikat] n’ya ‘yong mukha ko,” dagdag pa n’ya. 

Tapos kinikilig ako. Talagang may chemistry kaya ‘di ko mabitawan ‘yong mga linya ko. Ayon, e di, naka-take 15 kami.”

Sakay naman ni Marco sa paliwanag ni Juliana, “I have to say we were really, really close and touchy sa mga eksena.

At may pag-holding hands pa sila. 

Oo, sobra. Nu’ng eksena na namin sabi ko, ‘Marco, ako lang ‘to ha.’ Charot!” muling bira ni Juliana na ikinatawa ng press. 

Irresistible daw kasi talaga ang charm ng binatang aktor. 

Pagre-recall nga ni Ella habang ginagawa nila ang pelikula, “Nu’ng nandyan si Marco, iba ‘yong [pagba]bantay ng mga staff around. 

Bakit sa limang araw na magkakasama tayo hindi n’yo ako tinutukan. Pero nu’ng nandu’n na si Marco iba ‘yong tutok ninyo?” 

Natatawang dagdag pa ni Juliana, “Si Marco, pag nire-retouch, MAC [makeup] ang gamit. Pag ako ‘yong pulbo-pulbo lang na dinurog. ‘O, ikaw na lang ang bahala d’yan [sa mukha mo].’”

Mapapanood na ang Gluta na pinagbibidahan ni Ella Cruz kasama sina Marco Gallo, Juliana Parizcova Segovia, Rose Van Ginkel, at marami pang iba, written and directed by Direk Darryl Yap, simula July 2 sa Viva streaming app na Vivamax.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE: 

Juliana Parizcova Segovia, nakaka-L-L (luwag-luwag) na ba?

Ella Cruz, acting award at galing sa pagsasayaw ang naging pang-tapal sa insecurity niyang hindi nakukuhang magazine cover noon

Juliana Parizcova Segovia, "inilako" ang sarili para makabalik-trabaho sa showbiz

Marco Gallo is set to have a new loveteam partner!

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.