Julia Barretto, pinaligaya ang amang si Dennis Padilla sa nakaraang birthday nito

Ngayong nagiging maayos nang muli ang lahat sa pagitan ni Dennis Padilla at anak na si Julia Barretto, hiling ng aktor na muli n’ya itong makita pati na ang mga kapatid nitong sina Claudia at Leon. 

PHOTOS: @abscbnNEWS & @juliabarretto on Facebook

Ngayong nagiging maayos nang muli ang lahat sa pagitan ni Dennis Padilla at anak na si Julia Barretto, hiling ng aktor na muli n’ya itong makita pati na ang mga kapatid nitong sina Claudia at Leon. 

Masaya ngayon ang comedian-actor na si Dennis Padilla dahil dininig daw ang langit ang kanyang mga dasal.

In good terms na raw kasi silang muli ng anak n’yang si Julia Barretto.

Iyan ang ikinuwento n’ya sa entertainment press nitong weekend.

Binati umano s’ya ni Julia noong nag-celebrate s’ya ng kanyang 62nd birthday last February 9, bagay na ipinagdadasal n’ya.

(Bukas sa publiko ang tampuhan ni Dennis sa kanyang mga anak, partikukar na kay Julia dahil ito ang aktibo sa showbiz. Palagiang nagiging open sa social media ang aktor sa tuwing nami-miss n’ya ang kanyang mga anak lalo na tuwing may okasyon.)

Dahil sa nangyari ay hindi umano naiwasang maiyak ng seasoned actor.

Naluha ako du’n. That was sweet and para bang tagos sa puso mong mararamdaman. That’s why I was so happy,” lahad ni Dennis.

Hiling naman n’ya this time, makitang muli si Julia at ang mga kapatid pa nitong sina Claudia at Leon.

“I hope makapag-dinner or lunch kami soon. Hindi lang si Julia. Gusto ko rin makita, s’yempre, si Claudia at saka si Leon,” aniya.

Miss na miss na raw kasi n’ya ang mga anak na mahigit dalawang taon na umano n’yang hindi nakikita.

Kasi almost two years ko na silang hindi nakikita, e. More, I think more,” he said.

Bukas din daw s’ya suggestion ng press na muling magkasama sila ni Julia sa isang acting project.

Sa movie? Maganda, maganda ’yon. I hope sa susunod, itong mga dadating na panahon baka magkasama kaming muli sa pelikula,” masayang sabi ni Dennis.

Matagal na rin daw kasi mula nu’ng huli silang magkatrabaho, sa action-drama series ng Kapamilya network na Palos na pinagbidahan nina Cesar Montano at Jake Cuenca.

“The last time na nagkasama kami… ASB[CBN] pa e. [Sa] Palos, the one with Cesar Montano. Ako ’yong sidekick saka si Redford White. Bata pa si Julia nu’n. That was 2008,” pagre-recall n’ya.

Samantala, natanong din si Dennis kung nagkita na ba sila ng nobyo ni Julia na si Gerald Anderson

Sabi n’ya, matagal na n’yang hindi nakikita ang aktor.

Mukhang ten years ago ko pa huling nakita si Gerald, e. Matagal na. Baka hindi lang [ten years],” pagtatapos ni Dennis.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Dennis Padilla, may heartwarming birthday message kay Dani Barretto

Julia Barretto, hindi raw ipagkakait ang pagpapatawad sa amang si Dennis Padilla; “But I’m just not ready. There’s just been so much pain over the years since I was young.”

Dennis Padilla, idinaan sa biro ang pangungulila sa pag-alala ng mga nanak na sina Julia, Claudia, at Leon noong Father’s Day

Hiling ng mga fans ni Dennis Padilla tuluyan na raw sana silang magka-ayos ng anak niyang si Julia Barretto

 

​​​​FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.