Julia Barretto, nawala at naligaw-ligaw sa Venice

Looking back at her three-day solo journey in Venice, na-realize daw ni Julia Barretto na kaya na pala niyang mag-travel alone. "I can trust myself pala...na kaya ko naman pala, na hindi ko naman pala kailangan matakot. Kasi sa totoo lang, you know, flying there, knowing that I'd be alone for the next three days after work, s'yempre medyo talagang I got anxious. Pero pag uwi ko, parang next time kaya ko [mag-solo]. Parang hindi na ako matatakot, I think I’m braver."

Photos: Anna Pingol, @juliabarretto

Looking back at her three-day solo journey in Venice, na-realize daw ni Julia Barretto na kaya na pala niyang mag-travel alone. "I can trust myself pala...na kaya ko naman pala, na hindi ko naman pala kailangan matakot. Kasi sa totoo lang, you know, flying there, knowing that I'd be alone for the next three days after work, s'yempre medyo talagang I got anxious. Pero pag uwi ko, parang next time kaya ko [mag-solo]. Parang hindi na ako matatakot, I think I’m braver."

Walong araw nag-stay sa Venice, Italy, ang Will You Be My Ex? lead star na si Julia Barretto. She attended the "HAUS of Dreamers" event ng design and fashion brand na Golden Goose, kung saan isa siya sa mga global influencers na invited mula Pilipinas.

Limang araw ang ginugol niya para sa event ay nag-extend daw siya ng tatlong araw to explore Venice dahil first time niya sa napakagandang Italian city.

At dahil nag-uwian na ang mga nakasabay kaya mag-isang inikot ni Julia ang Venezia.

"It was a nice experience," panimulang k'wento niya when she was asked about her recent travel during her solo press conference for Will You Be My Ex?

"First time ko mag-explore ever ng bansa nang mag-isa. That was a really nice experience. Gusto ko na nga bumalik...after nito [press con], balak kong bumalik. Hahaha! It's beautiful. The weather, perfect; the food, alam mo na, perfect...

"Mas perfect kung may kasama talaga. Nothing beats talaga pag may ka-share ka sa experiences."   

At dahil solo flight, nagkanda-ligaw-ligaw daw siya doon.

"Well, first time kong mawala, definitely. Hahaha! Pero it turned out to be one of the best experiences... they say nga diba, sometimes it's just nice to get lost. and that was the first time that I really genuinely, literally got lost.

"I was worried at first. But after awhile na-enjoy ko na siya kasi ang dami kong na-discover na...you know, in Venice may mga alleys do'n, maliliit lang diba? Minsan, parang, 'Papasukan ko ba ito?' Pero kapag nakapasok ka na sa alleyway nila, talagang there's a beautiful restaurant, beautiful view...alam mo 'yon?

"And then, ang sayang mag-people watching. So, it's just nice because when you go home in the hustle and bustle of Manila, diba? It's just so nice to just sit down and watch people for a change. 'Yong sila naman 'yong pinapanood mo, and you know, eating alone, having a drink alone, having coffee alone, I think I had such a wonderful time."

Hindi raw kasi p'wedeng hindi ka ma-distract pag nandoon ka na sa dami ng magagandang nakikita doon.

"Actually, ang sabi ko lang [sa sarili], dire-diretso lang para pag balik alam kong dire-diretso lang. Hindi ko rin alam kung ano'ng nangyari. Siguro na-distract ako, may gelattos, so, pupunta ako dito; may nakita akong pizza kukuha ako ng pizza. So, parang after awhile...ta's maaano ka, e, you'd be in awe pag may bagong magandang view. So, susundan mo. Tapos, parang oh my gosh, sa'n na 'ko babalik?" 

Naging katuwang naman daw niya ang Google maps para makabalik sa kanyang origin, which was her hotel. And a little bit of familiarity instinct.

"Tapos si Google maps, at some point, sinasabi n'yang mag-cross daw ako sa tubig! Jesus? Walk in water? Paano 'to? Hindi nga. Hindi ako p'wdeng dumaan sa tubig," natatawang dagdag-kuwento pa ng aminadong may jet lag pa rin na rin si Julia.

"So, ano lang, just Google maps. As in all the way. Pero dahil everyday ko siyang nilalakad—kasi nga wala namang cars doon, e, di ba water taxi lang—medyo na-familiarize ko na 'yong place. So, after a while kinaya ko naman s'ya."

Looking back, na-realize daw niyang kaya na pala niyang mag-travel alone.

"Na I can trust myself pala, na kaya ko naman pala, na hindi ko naman pala kailangan matakot. Kasi sa totoo lang, you know, flying there, knowing that I'd be alone for the next three days after work, s'yempre medyo talagang I got anxious. Pero pag uwi ko, parang next time kaya ko [mag-solo]. Parang hindi na ako matatakot, I think I’m braver."

Pero para kay Julia, iba pa rin ang saya ng pagta-travel kapag may kasama.

"Na-enjoy ko naman siya. Nakaka-miss lang 'yong may kasama talaga. After a while kasi...you know, experiences are meant to be shared, diba? That's why."

Hindi kasi p'wedeng sumama this time ang nobyo niyang si Gerald Anderson. Nagkasya nalang daw sila sa paminsan-minsang video calls.

"Nagta-trabaho din naman 'yong tao. Hindi naman all-day, everyday ang video calls."

Napapag-usapan na rin lang ang travels, ito raw ang paraan ni Julia ng pagpa-pagpag sa tuwing nakakatapos siya ng isang role, sa pelikula man o teleserye, lalo na kung masyadong mabigat ang kanyang ginampanan. At kailangan daw na may kasama siyang mahal niya sa buhay para mas ma-remind siyang makabalik sa pagiging Julia.

Gaya ng role niya sa Will You Be My Ex? na kahit daw may pagka-romcom ay marami ring drama involved. Theater actress s'ya dito (na first time n'yang gagampanan), who became friends and fell in love all over again sa kanyang ex-boyfriend na ikanatataas ng kilay ng mga kaibigan niya.

"Si Kris (her character) really stretched me because ang dami kong feelings habang nagsu-shooting kami," tila nagsusubong na kuwento ni Julia. "Minsan, pag umuuwi ako, parang minsan nao-overwhelm ako sa lahat nang napi-feel ko. But at the end of the day, s'yempre, love ko naman siya. Magulo lang talaga siya.

"Pero hindi kasi p'wedeng mainis ka sa kanya talaga, e. Siguro, while filming, while reading, habang nagdi-diskusyon kami, talagang may mga moments na napu-frustrate ako sa kanya. Pero naiintindihan ko siya.

"So, napapamahal din ako sa kanya. So, naiintinfihan ko kung bakit gano'n 'yong mga choices niya. And because tao din ako, naiintindihan ko kung bakit minsan 'yong mga choices natin, in the end napu-frustrate tayo bakit natin nagagawa 'yon. But we don't realize subconsciously, nagagawa natin 'yong mga choices na 'yon kasi 'yon pala 'yong makakabuti sa atin."

Kaya hindi raw niya masasabing completely opposite niya ang character n'yang si Kris.

"Feeling ko opposites kami...but you know, somehow, I found na...'yong empathy for, her 'yong simpatya din, and ah, naawa din naman ako kasi  like, you know, like Kris, not just me... I feel like marami sa atin, marami tayong kailangang i-sacrifice, marami tayong kailangang i-let go, for our own good. So, du'n naman siya nanggagaling."

Matagal nang natapos nina Julia, Diego Loyzaga at Bea Binene ang Will You Be My Ex? kaya't malamang ay nakapag-pagpag na si Julia.

Pero tayo, para mas ma-gets at makilala natin si Kris, panoorin natin ang Will You Be My Ex?, which will be shown in cinemas nationwide starting June 21.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Julia Barretto introduces swimwear line in her The Juju Club shop

Pika's Pick: Netizens and celebrity friends go gaga over Julia Barretto’s sexy shoot for a brand

Julia Barretto, hindi raw ipagkakait ang pagpapatawad sa amang si Dennis Padilla; “But I’m just not ready. There’s just been so much pain over the years since I was young.”

Julia Barretto, ginulat si Direk Jason Paul Laxamana sa ipinakitang tapang sa Expensive Candy

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.