Julia Barretto, katuwang ng mommy niyang si Marjorie para mapag-aral ang brother na si Leon

PHOTOS: @juliabarretto & @marjbarretto on Instagram

PHOTOS: @juliabarretto & @marjbarretto on Instagram

Ang aktres na si Julia Barretto pala ang tumutulong para mapag-aral ang kanyang kapatid na si Leon, ayon mismo sa mommy nilang si Marjorie Barretto.

Sinabi ito ng proud celebrity mom last Sunday, June 13, sa pagtatapos ng nag-iisang lalaki sa kanilang pamilya sa senior high school.

Sa kanyang Instagram ay ibinida ni Marjorie ang mga awards na natanggap ni Leon mula sa pinasukan nito na Multiple Intelligence International School sa Quezon City. 

“My son Leon graduated yesterday with High Honors,” pahayag ni actress-vlogger sa kanyang IG post. “7 medals. Mathematics Award, Social Science Award, Arts Award, Communication Arts Award, Teens Can Award and GAS [General Academic Strand] TOP 2!”

Her post came with a series of photos ni Leon na naka-toga kasama ang kanilang pamilya. Wala si Julia sa mga photos dahil nasa lock-in taping ito ng pagbibidahan n’yang teleserye na ipalalabas sa TV5. 

“Your sisters and I are so PROUD of you!” pagpapatuloy pa ni Marjorie. “Thank you Leon, for making it all worth it. Thank you God for seeing us throughout the last 14 yrs. Keep going Leon, you are on the right path. We love you so much!”

At dito na n’ya pinasalamatan ang anak na si Julia na naging katuwang daw n’ya para mapag-aral si Leon sa isang magandang school.

“And special THANK YOU Julia for helping me put Leon in a good school. I couldnt have done it all with out your help. You must be so proud too, and missing you so much,” pagtatapos ni Marjorie. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by marjbarretto (@marjbarretto)

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Julia Barretto, casualty na naman sa pa-interview ni Dennis Padilla

Marjorie Barretto, bilib sa tatag ng anak na si Julia; masayang maayos na ang relasyon ni Dennis Padilla sa mga anak nila

Payo ng inang si Marjorie, baon daw lagi ni Julia Barretto kaya siya matatag: “...No matter what happens, I want you to come out of the situation a better person and kinder.”

Marjorie Barretto, aminadong pinaka-malaki ang pagkukulang sa nag-iisang anak niyang lalaki na si Leon

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.