Julia Barretto, inaming na-traumatize noon sa amang si Dennis Padilla; Dennis, sinariwa ang sakit na dulot ng attempt ni Julia na magpalit ng apelyido

PHOTOS: Julia Barretto on YouTube

PHOTOS: Julia Barretto on YouTube

Nagkaroon ng panibagong pagkakataon ang komedyanteng si Dennis Padilla na masabi sa anak na si Julia Barretto ang hinanakit niya dito nang magtangka itong palitan ang kanyang apelyido, from Baldivia to Barretto, ilang taon na ang nakararaan.
 
Nasaktan daw nang husto ang komedyante sa pangyayaring iyon; habang si Julia naman, for her part, ay naipagtapat sa ama na na-trauma siya dito noon dahil sa angking temper nito.
 
Ang pananariwa ng mga isyu ay naganap nang mag-guest si Dennis sa recently uploaded vlog entry ni Julia entitled “QUESTIONS I'VE NEVER ASKED MY DAD” kung saan ay nagka-usap sila virtually.
 
Isa nga sa napag-usapan ng mag-ama ay ang pagkakaroon nila nang hindi pagkakaintindihan noong araw kaya’t natanong ni Julia ang kanyang Papa Dennis kung ano ba ang nakuha nitong greatest lesson sa kanilang misunderstandings in the past.
 
“Number one I should have listened first,” sagot ng comedian-TV host sa anak. “I should not [have] given my opinion first. Kumbaga parang, ‘Dennis, ‘wag ka muna makialam. Alamin mo na ‘yong puno’t dulo. Bakit hindi mo muna tanungin si Julia.’
 
Dumating daw kasi sila sa puntong ayaw s’yang kausapin ng kanyang anak.
 
Kaya lang ang iniisip ko dati, gusto ko naman ganu’n ang mangyari kaya lang hindi ako makapag-communicate sa inyo kasi everytime na magti-text ako wala naman akong nakukuhang feedback at all. I would text and wala [reply], dedma lang. Minsan tatlo, apat na araw na, wala [man] lang [sagot],” saad pa ni Dennis.
 
At dito na n’ya na-brought up ang petition ng anak n’yang aktres years ago para i-drop ang last name nitong Baldivia, na siyang tunay na apelyido ni Dennis.
 
Matatandaang napabalita noong 2014 na gustong palitan ni Julia ang last name ng kanyang tatay sa kanyang birth certificate at gamitin na lang ang apelyido ng kanyang mommy na Barretto na s’yang gamit din n’ya ngayon sa kanyang screen name.
 
“Actually, ang babalikan ko doon, Julia, ganito ‘yan ha...” seryosong saad ni Dennis. “Remember the issue na tinatanggal ninyo ‘yong family name ko? ‘Di ba, you went to court that you want to take off my family name?
 
“That was a dagger. Hindi dahil lang sa pangalan ‘yon ha. It’s not the pangalan itself. That’s my blood kaya masakit ‘yon,” pagpapatuloy n’ya. “Kasi kumbaga, parang, ‘Ano pa bang gusto n’yo? Barretto na nga dala mo sa screen, e. You are already well known as a Barretto tapos tatanggalin mo pa ‘yong apelyido ko? Masakit sa akin ‘yon.
 
Depensa naman ni Julia, napawalang-bisa na daw kasi noon ang kasal ng kanyang Papa Dennis at Mommy Marjorie kaya napunta sila sa estadong lumalabas na illegitimate kids na silang magkakapatid.
 
“I think at that time, ‘cause you already made kwento na naman the story about your marriage with mom being null and void because you didn’t know anymore what your signing… I think we were in that phase when we were trying to correct your mistake,” ani Julia, na na ang tinutukoy ay ang napirmahang Cenomar (Certificate of no marriage) document ni Dennis.
 
Sinabi rin n’ya na sobra rin silang nasaktang magkakapatid kaya mas pinili nilang ‘wag nang makipag-communicate sa kanilang tatay.
 
“Pa, also you said na parang you would try to message…” tila may nanariwang-hinanakit din na saad ni Julia. “Siguro ‘yong mga panahong ‘yon you’re trying to message and then wala ka nang maririnig na response. I think it’s because ‘yong history ng mga misunderstanding natin is magti-text ka lang kapag may nasaktan na. 
 
“So, parang pag nag-text ka na, alam mo ‘yong nasaktan na ako, e. Parang nagawa na ‘yong action. Nabigyan na ng action ‘yong mga bagay bago pa nakapag-usap nang maayos. So, I think everybody was coming from a painful place.”
 
Paglilinaw naman ni Dennis sa kanyang anak, kaya daw s’ya nagpa-interview noon sa media ay dahil nawalan na daw s’ya ng choice. Wala daw kasi talagang gustong makipag-usap sa kanya.
 
Alam mo, Julia, bago ako nagpa-interview dati nu’n…’yong sa apelyido...kasi walang gustong makipag-usap sa akin,” lahad naman ng komedyante. “Number one, I tried calling you. I want to ask…I was asking, ‘Is it true that you are removing my family name? Ilang text [message] ‘yon. Marami ‘yon.
 
Umabot na din daw na nagpasaklolo na s’ya sa pamunuan ng Star Magic na s’yang may hawak kay Julia bago ito napunta sa Viva last year pero hindi daw s’ya natulungan ng ABS-CBN talent agency.
 
Nu’ng hindi ako makapasok sa inyo, anak, I even went to ano… I texted the secretary of Mr. M [Johnny Manahan]. Sabi ko, ‘Mr M, I want to talk about du’n sa…totoo ba na tinatanggal nila ‘yong apelyido ko? Ang sinagot sa akin ng office, ‘Ayaw namin makialam d’yan, Dennis, kasi personal na ‘yan.’
 
Sa madaling salita, I was frustrated,” pag-amin pa ni Dennis. “No one wants to talk about it. Walang gustong kumausap sa akin na, ‘Hindi, Papa, totoong tinatanggal namin ‘yong apelyido mo.’ 
 
At saka hindi ko maiintindihan [kungano’ng dahilan bakit kailangan ipatanggal, e, Baldivia ka naman talaga dahil ako ang tatay mo. Hindi ko maintindihan bakit kailangang ipatanggal. Makakabawas ba ito sa pagkatao mo? No. Makakabawas ba ito sa popularity mo? No.”
 
“But then again, Pa, just to repeat myself, when you signed those paper to make your marriage with mom null and void, ultimately, that made us illegitimate children,” paliwanag na salag naman ng aktres.
 
“So, we were trying to correct your mistake but I think one of your frustrations is you think you didn’t get the communication that you wanted...”

Pero ani Julia, that’s all in the past now. Nagkakapaliwanagan lang daw sila ulit ngayon. Pero maayos na ang lahat at masaya siyang masa “good place” in his life ang kanyang ama.

“...because I feel you’re really in a good place in life now. Your heart and mind is already in a good place after your journey,” kambiyo ni Julia sa ama.
 
“I think Pa, one of the things you’re missing here… There are so many moments before...’cause you’re so much better person now. I can see it and I’m so happy that you reach this point, honestly...

“But before, you always question why nobody is responding to you. You always feel like, ‘I’m not hearing from anyone,’ not knowing how much pain and hurt you’ve caused us before trying to talk to us. That’s why you couldn’t hear from us. Because at that point, we were already too pained, we were already too scared of you, Pa.”
 
Pagpapatuloy pa n’ya, “I think, I wish you would also recognize or acknowledge the fact that, ‘Okay, maybe I may have done something to scare my kids off.’
 
“Before, when we speak on the phone, you know this Pa, you wouldn’t have the best tone and the best choice of words.”
 
Sumang-ayon naman si Dennis sa mga inilahad ng anak.
 
“If I’m being honest, of course, I’m gonna talk for myself not for my other siblings. Of course, that’s scarred me. Of course, that traumatized me. Of course, that scared me,” dire-diretsong salaysay pa ni Julia sa ama.
 
Gayunpaman, hindi naman daw sinukuan ng Viva artist ang relasyon nila bilang mag-ama kahit ganu’n ang nangyari.
 
“But you see Pa, I hope you also notice that even despite of painful words and actions, I still fought hard to keep a certain relationship with you,” aniya. “I didn’t ever give up on our relationship. I was never, ‘Okay, he hurt me, he traumatized me, I’m never gonna try with my relationship with him again.’
 
“Because if I had given up, we wouldn’t be talking right now. But I keep trying and that was painful for me because I was fighting so hard for a relationship despite all the words thrown at me by my own dad.”
 
Nauunawaan naman daw n’ya ang nararamdaman noon ni Dennis bilang ama pero sana daw ay nakita rin nito kung ano ang pinanggagalingan nila.
 
“I understand your frustration,” pahayag ni Julia. “Nobody was talking to you. But you have to look at why aren’t we talking to you? Why were we so scared to talk to you? You have to understand there was so much pain. There was so much fear.
 
“I mean, all is well and forgiven now and I’m so glad that you have a good relationship with me, with Clau, with Leon and with all of your kids now.”
 
At ngayong maayos na lahat sa pagitan nila, ipinahayag ni Julia na proud s’ya sa papa n’ya at sa naging pagbabago nito.
 
“So proud of you. I am so proud of you because I saw the change after your journey with COVID and I appreciate all our conversations now,” sey ng aktres.

“Like, everybody’s so much more humble, forgiving, understanding. I’m really proud of you and I want you to know that...that I’m proud of you because I saw the change of heart.”
 
Thankful naman daw si Dennis na nabigyan pa s’ya ng second life matapos tamaan ng COVID-19 last March na inakala niyang ikasasawi na niya.

Sinabi rin ni Dennis na babawi daw s’ya sa kanyang mga anak para punuan ang kanyang mga naging pagkukulang.
 
“I got a lot of prayers when I was critical in the hospital. You know, one of my friends was telling me that, ‘Dennis ang daming nagdadasal [para] sa’yo. Sobra,” k’wento n’ya.
 
“‘You know the most powerful prayers na bumuhay sa’yo are the prayers your children did. Sa dami ng anak mo lahat ‘yan nagdasal.
 
‘Yon lang pinagpapasalamat ko na nabuhay muli ako. Sana mabigyan pa ako ng chance makabawi sa lahat sa inyo. Hindi lang naman ako sa’yo may atraso, sa marami. Hindi ko alam kung makakabawi pa ako pero kung hanggang saan lang ‘yong aabutin dahil s’yempre, one year na lang senior [citizen] na rin ako,” pagtatapos ni Dennis. 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Julia Barretto, gustong magkaroon ng apat hanggang limang anak

Gerald Anderson finally admits relationship with Julia Barretto, describes relationship with Bea Alonzo as ‘toxic’

Dennis Padilla, akala daw ay katapusan na niya ang pagkaka-COVID

Para sa mga real-life “pakboys,” may payo si Dennis Padilla: “It’s not worth na magloko ka kung meron ka ng steady partner.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.