Judy Ann Santos, binisto sa kumareng Gladys Reyes niya na gusto pa ng bunso niyang si Luna ng bagong kapatid

PHOTOS: @iamgladysreyes on Instagram

PHOTOS: @iamgladysreyes on Instagram

Nag-reunite ang original Mara Clara lead actresses na sina Judy Ann Santos at Gladys Reyes nitong Sabado, May 9, via Instagram Live na pakulo ni Gladys at si Juday ang tumayong guest niya.

Tila early Mother's Day treat ng dalawang batikang artista, na naging matalik ng magkaibigan through the years, ang naganap na live tsikahan para sa kanilang mga tagahanga. 

Matapos mamaalam ang teleserye nilang Mara Clara 23 years ago, kapwa naging well-accomplished ang dalawa both sa kanilang respective showbiz careers at home life. 

Showbiz careerwise, parehong kakatapos lang ng kani-kanilang teleserye. Juday made her primetime comeback via ABS-CBN's Starla where she played Atty. Teresa "Tere" Dichaves; habang si Gladys Reyes, essayed the character of Elizabeth Ledesma via the GMA-7 afternoon prime series naman na Madrasta.

Lately, kapwa rin nagbe-venture sa food business ang dalawa sa tulong nga mga asawa nila—Angrydobo at Pizza Telefono - kina Juday at asawang si Ryan Agoncillo; habang Stella resto-bar at Sommreux catering services naman kina Gladys at asawang si Christopher Roxas.

Sa IG Live ni Gladys—na tinawag pa n'yang "Direct to the Point conversation with my forever Mara"—isa sa napag-usapan nila ang tungkol sa kung paano maging magulang si Judy Ann sa kanyang mga bagets ngayong umiiral ang community quarantine. 

Ikinuwento ni Juday na medyo mahigpit silang mag-asawa pag dating sa paggamit ng gadgets sa mga bata.

Hindi naman daw bored ang mga bata dahil may kanya-kanya pala silang toka sa mga gawaing bahay gaya ng paghuhugas ng plato, pagtatanim sa kanilang garden, pag-aasikaso sa kanilang pets; at s'yempre, ang pagluluto. 

Naibida pa ni Juday na kailan lang, ipinaghanda sila ng panganay nilang si Yohan ng Korean meal dahil mahilig daw itong manood ng Korean drama. 

Gayunpaman, sa lahat ng kanilang bonding activities hindi daw mawawala ang page-exercise. Required daw sa family nila ang pagwo-workout. 

Later on ay nag-entertain ang host na si Gladys ng mga katanungan mula sa kanilang viewers at isa sa mga napiling throw-in questions ni Gladys para sa kumare ay kung may balak pa raw ba sila ni Ryan na sundan ang bunsong si Luna, who is now four years old.

Sagot ni Juday, hati daw opinyon ng kanilang pamilya sa topic na ito. Ayon kay Juday, maski raw kasi mga bagets ay binibigyan nila mg karapatang mag-opinyon sa bahay nila. 

"'Yong mga bagets gusto," sey ng multi-awarded actress. 

Si Luna lang [ang may gusto],” paglilinaw niya. “Si Lucho, basta daw boy, kaugali n'ya, carbon copy n'ya. Pero si Yohan ayaw na."

Pero kung sila daw mag-asawa ang tatanungin....

Hindi namin pinaplano. Hindi namin iniisip. At mukhang okay na [silang tatlo]."

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.