Juday-Piolo reunion movie, malabo pa rin daw; Juday-Claudine project, exciting for Juday

Sa presscon ng Starla last Saturday, September 26, muling nilinaw ni Juday na wala pa raw talagang tamang material na dumadating sa kanila. “Wala. Wala pa...’yong last time na sinabi, meron kasing nag-offer pero hindi kami natuloy. Hindi kami nagkasundo with so many things...hindi naman with so many things, with the story palang naman.”

Photos: Anna Pingol, @claubarretto, and @piolo_pascual

Sa presscon ng Starla last Saturday, September 26, muling nilinaw ni Juday na wala pa raw talagang tamang material na dumadating sa kanila. “Wala. Wala pa...’yong last time na sinabi, meron kasing nag-offer pero hindi kami natuloy. Hindi kami nagkasundo with so many things...hindi naman with so many things, with the story palang naman.”

Balik-primetime TV ang tinaguriang teleserye queen na si Judy Ann Santos after mawala sa eksenang drama ng five years. Huling tumodo-akting si Juday sa teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala na nagtapos late 2013. Nag-busy muna si Juday sa personal life while accepting hosting jobs in between.

And now that she’s back via the naantalang Starla, may surprise pa siya dahil bida-kontrabida pala ang role niya sa fantasy-drama’ng binuo ng Dreamscape Entertainment. Dume-Devil Wears Prada ang character niyang si Teresa Dichavez na isang fashionistang abogadang maitim ang budhi.

Pero kung naantala man ang Starla (na mid last year pa sinimulan), mas di hamak namang naantala na nang husto ang reunion project nila ni Piolo Pascual.

It may be recalled na isa sila ni Piolo sa mga matagumpay na loveteam na nabuo sa bakuran ng ABS-CBN noong early 2000. 

Naka-apat na pelikula din sila sa Star Cinema—Kahit Isang Saglit (2000), Bakit Di Totohanin (2001), Til There Was You (2003), and Don’t Give Up on Us (2006)—at isang teleserye, ang Sa Piling Mo (2006). Pagkatapos ay bigla nalang silang nagkahiwalay ng landas.

Kaya naman nakakaramdam na ng inip ang mga Piolo-Juday fans lalo pa’t ilang beses nang nabalita dati na magkaka-reunion na sila. The closest to the reunion that they have gotten was noong nagsama sila sa isang endorsement (ng Sun Life Financial) noong 2017.

Then, last year lang ay umugong ang balita na may in-offer na sa kanila ni Direk Antoinette Jadaone, pero wala pa rin.

Pero sa press con ng Starla last Saturday, September 26, muling nilinaw ni Juday na wala pa raw talagang tamang material na dumadating sa kanila.

“Wala. Wala pa...’yong last time na sinabi, meron kasing nag-offer pero hindi kami natuloy,” panimulang k’wento ni Juday. “Hindi kami nagkasundo with so many things...hindi naman with so many things, with the story palang naman.”

Hindi na idinetalye ni Juday kung bakit hindi sila nagka-sundo-sunod sa istorya. But as it is, scrap na raw ’yon. Kahit daw medyo matagal nang hindi sila nakakagawa ni Piolo ng project, ayaw naman daw niyang madaliin dahil nakapa-kritikal daw ng istorya or ng material sa pagbabalik-tambalan nila.

“’Yon nga ’yong sinabi ko before...It’s very critical for [a] Juday-Piolo project kasi...for a reunion project because the story should be very well thought off. Alam mo ’yon? Pag nabasa mo ’yong material, hindi mo naman kailangang i-dictate kung sino ’yong leading man, e. Alam mo na dapat agad kung sino ’yong gaganap don kasi nakikita mo na siya or nakikita ka niya na gumaganap doon sa character na ’yon,” mahabang dagdag-esplika ni Juday.

“At s’yempre habang tumatagal ’yong panahon na hindi kami gumagawa ng project, mas lalong nandoon ’yong pressure to find  a story that’s worth watching kasi ang tagal, e.

“So, ayon, nag-aano lang...hinitay lang. So, habang wala pa, pokus muna sa ibang bagay.”

Samantala, isa pa sa ina-anticipate ng publiko ay ang pagta-tandem sana nila ng career rival niya noong araw na si Claudine Barretto. Buti pa nga raw ang ex ni Claudine na si Raymart Santiago at ka-tandem niya ngayon sa Starla. Kung si Juday ang tatanungin, matagal na raw niyang gustong maka-trabaho si Claudine at sana nga raw ay may maka-isip talagang pagsamahin sila sa TV man o sa pelikula.

“Posibleng-posible naman,” very hopeful na say ni Juday. “Wala namang impossible na sa panahon ngayon. At saka lagi ko namang sinasabi na I’m looking forward to work with Claudine—totoo ’yan. Ilang years ago pa sinasabi ko, na sana at some point, makagawa kami ng pelikula together ni Clau kasi it would be really nice to work with her.”

Meantime, may balitang magbabalik-teleserye na si Claudine through ABS-CBN. And just like Juday, maybe it’s about time na mag-comeback na rin si Claudine dahil 2016 pa huling nasilayan ang TV acting niya through TV5’s Bakit Manipis ang Ulap?

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.