Joyce Ching, graduate na ng film course; sa massacre movie daw gustong i-direk ang Ex-bf na si Kristoffer Martin

PHOTOS: @chingjoyce & @kristoffermartin_

PHOTOS: @chingjoyce & @kristoffermartin_

Happy’ng-happy ang buhay pag-ibig ngayon ni Dragon Lady kontrabida Joyce Ching lalo pa’t kaka-engaged lang niya sa non-showbiz boyfriend niyang si Kevin Alimon.

Pero kung magbabalik-tanaw, ang breakup daw nila ni co-Kapuso star na si Kristoffer Martin noong 2013 ang nagtulak sa kanya para balikan at tapusin ang pag-aaral. Sa pag-aaral at trabaho daw niya itinuon ang atensyon niya noong mga panahong iyon.

Joyce took up Bachelor of Arts in Films at the Meredith International college (or MINT) sa Taguig City and she graduated last March 2018.

Nangangarap din daw kasing maging lady director si Joyce one day.

“Gusto ko lang din malaman or maging aware sa kung ano ’yong nagyayari behind the camera…kung ano talaga ’yong galawan, ano ’yong process…and since nandito na rin lang ako sa same industry, mas madali rin for me na ma-practice ’yong mga exercise.”

Noong nag-aaral daw siya ay mas naging observant siya sa mga tapings but not to the point na nangingialam siya. At isa raw sa palagi niyang kinakatasan ng impormasyon ay ang batikang actress-director na si Gina Alajar.

As part of her thesis, gumawa raw si Joyce ng isang short film kung saan bida ang mga real-life actors na sina Mon Confiado ay Barbara Miguel.

Never pa raw niya ito naipalabas kahit saan, not even on YouTube, pero balak daw niya itong isali sa mga usong film competitions locally one day.

Nang biruin siya ng ilang members of the press sa media conference ng Dragon Lady kamakailan kung okay lang ba sa kanyang mai-direk one day ang ex-boyfriend niyang si Kristoffer Martin, ay “why not?” ang naging sagot ng dalaga.

Nang may bumiro kung massacre movie daw kaya ang type niyang paglagyan kay Kristoffer ay agad itong sinakyan ni Joyce. 

“Massacre movies, haha! Mga [mala-] Zombie Apocalypse! Haha!  Joke lang po ’yon ha,” natatawa-tawang banggit niya. “Hindi, magaling na artisya si Kristopffer…parang kahit ano’ng role naman kaya niyang gawin.”

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.