Inakala raw ng aktor na si Joshua Garcia na magiging challenging ang kissing scene nila ng aktres na si Jodi Sta. Maria.
Ito ’yong napapanood sa teaser at trailer ng upcoming TV series nilang Unbreak My Heart, ang collaboration project ng GMA Network, ABS-CBN, at Viu.
Naiintriga ang mga fans sa kissing scene na ito kaya naman isa ito sa mga naitanong ni Boy Abunda kay Joshua nang sumalang ang aktor sa programa n’yang Fast Talk With Boy Abunda ngayong araw, May 25.
Kuwento ng Kapamilya actor, first time daw n’yang maka-eksena si Jodi kung saan kailangan mag-kiss sila at inisip n’ya noon na magiging challenging ito for him.
“Akala ko challenging s’ya kasi…Hindi ko naman s’ya first time pero first time kong gumawa ng love scene with Ms. Jodi,” lahad ni Joshua.
Malaki daw ang naitulong sa kanila ng sensuality workshop para maayos nilang maitawid ang mga sensitibong eksena gaya nu’n.
“Akala ko challenging s’ya pero mabuti na lang po dumaan kami sa sensuality workshop. Natulungan kami, naging detalyado kami, Tito Boy, the way we kiss, kung gaano katagal,” pagbabahagi n’ya.
Nag-detalye pa s’ya kung ano-ano ang natutunan nila mula sa nasabing workshop.
“Doon kasi sa sensuality workshop, Tito Boy, doon mo malalaman kung hanggang saan lang ang limit mo, kung saan ang p’wede mong hawakan, p’wede mong halikan, gaano katagal, sobrang detailed… May tongue ba ’yan? Without tongue? Lahat. Doon namin nilinaw lahat,” saad ni Joshua.
Nilinaw naman n’ya na walang tongue na kasali sa kissing scene nila ni Jodi.
Na-curious naman si Tito Boy kung ang ipinakita bang paraan ni Joshua ng paghalik sa TV ay kapareho sa way n’ya ng paghalik sa totoong buhay.
“Oo, yes, Tito Boy,” medyo nahihiyang sagot n’ya. “Pero ang difference lang siguro is dito kasi [sa series] walang tongue [na involved]. Sa totoong buhay, I mean, you can use your tongue.”
Thankful naman daw s’ya sa tiwalang ibinigay ng co-stars n’yang sina Jodi at Gabbi Garcia sa pagtitiwala ng mga ito sa kanya sa mga kissing scenes nila.
“Grabe, sobrang pasasalamat ko kay Gabbi and Jodi sa pagtitiwala sa akin kasi importante ’yon, e, na may tiwala ka sa partner mo. ’Yong pagkatiwalaan nila ako sa eksena, na halikan ko sila, sobrang laking pasasalamat ko sa kanila,” pahayag ni Joshua.
And speaking of kissing, pasok daw ito sa aktor bilang love expression lalo pa’t physical touch daw ang kanyang love language.
[Merong limang uri ng love language na paraan ng isang tao para ipakita ang kanyang pagmamahal sa iba o palantaan n’ya para masabi n’yang minamahal s’ya. Ito ay ang mga sumusunod: act of service, works of affirmation, quality time, receiving gifts, at physical touch.]
“Yes, Tito Boy. Ako, love language ko is physical touch, e. Importante sa akin ’yong naididikit ko ’yong kamay ko, nahahawakan ko s’ya,” pag-amin ng aktor.
“Hindi lang naman sa mga loved ones ko na girlfriend ko. Hindi lang naman sa ganu’n [kundi] pati sa pamilya,” paglilinaw pa n’ya.
YOU MAY ALSO LIKE:
The Butcher | Joshua Garcia: Hail the new Horror King!
Joshua Garcia sa may crush sa kanyang si Bella Poarch: “Magpakita ka sa akin.”
Pagta-topless ni Joshua Garcia sa Darna, hindi lang isang beses
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber