Joshua Garcia sa may crush sa kanyang si Bella Poarch: “Magpakita ka sa akin.”

Flattered s’yempre ang former Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Joshua Garcia sa pag-amin ng international TikTok sensation na si Bella Poarch na may crush ito sa kanya.  “She posted me before sa TikTok account and then nag-comment din ako du’n. Nakakataba lang din ng puso. Masaya ako, s’yempre. I’m happy na may nagsu-support o humahanga sa akin,” nakangiting lahad ni Joshua. 

PHOTOS: @garciajoshuae & @bellapoarch on Instagram

Flattered s’yempre ang former Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Joshua Garcia sa pag-amin ng international TikTok sensation na si Bella Poarch na may crush ito sa kanya. “She posted me before sa TikTok account and then nag-comment din ako du’n. Nakakataba lang din ng puso. Masaya ako, s’yempre. I’m happy na may nagsu-support o humahanga sa akin,” nakangiting lahad ni Joshua. 

Nagbigay ng reaksyon si Kapamilya actor Joshua Garcia matapos aminin ng Filipino-American singer and TikTok superstar na si Bella Poarch na crush s’ya nito.

Naganap ang crush reveal na ito ni Bella sa virtual tsikahan nila ni ABS-CBN reporter MJ Felipe na ipinalabas sa TV Patrol last August 16.

“My favorite actor right now is Joshua,” pag-amin ng singer and social media influencer. “You know [Joshua]?”

Sagot ni MJ sa kanya, “Joshua Garcia.”

“Yes,” pagkukumpirma ni Bella. “Crush ko ’yon, e. Hahaha!”

At nang mahingan s’ya ng mensahe para sa leading man ni Darna (Jane de Leon), dito n’ya nasabing may communication na umano silang dalawa. 

“We message a lot. He knows what I’m gonna say,” nahihiyang sabi ni Bella na ikinalikig naman ng mga fans.

Dahil sa rebelasyong ito ay hiningi ni MJ ang reaksyon naman ni Joshua via a virtual interview na ipinalabas naman sa August 18 episode ng TV Patrol.

Happy daw ang former Pinoy Big Brother (PBB) housemate na may taong sumusuporta at humahanga sa kanya. 

“She posted me before sa TikTok account and then nag-comment din ako du’n. Nakakataba lang din ng puso. Masaya ako, s’yempre. I’m happy na may nagsu-support o humahanga sa akin,” nakangiting lahad ni Joshua. 

Ibinalik din ng Kapamilya reporter ang tanong sa aktor kung crush din ba n’ya si Bella. 

Tulad ng sabi ko MJ, why not,” pa-safe na sagot n’ya. “Actually, we’re good friends. Magkaibigan kami. Magkaibigan kami ngayon.

At nang masali sa tsikahan na matagal na pala silang nag-uusap at may plano pang magkita, sey ng aktor, “Nasamid ako. Hindi, joke lang. Haha!”

Kinumpirma nga n’ya na noon pa man ay nakakapag-usap na sila at nagpa-planong magkita pero ilang beses na rin daw na naudlot ’yon. 

“Yes, nagkakausap kami. Nagkakausap kami before. June ata magkikita kami [dapat] pero hindi natuloy ang Star Magic tour ko. Hindi ako nakasama. Tapos parang July ata pupunta s’ya [dito sa Pilipinas] na hindi rin naman natuloy. Yeah, hindi natin alam,” pagre-recall ni Joshua.

Base sa sagot ng aktor, mukhang mahaba-haba na ang mga pag-uusap nila. 

Hindi nga lang ‘Hi, Hello.’ May konting katanungan and hinanap ko pa ’yong mga English [words] ko. Sabi n’ya nagta-Tagalog naman s’ya. Hahaha!” kuwento pa n’ya. 

Sakaling matuloy ang pag-uwi sa bansa ni Bella this December, umaasa daw si Joshua na magkikita sila para mailibot n’ya ito. Hoping din s’ya na makapag-perform sa ASAP Natin ’To! ang Fil-Am singer na tubong Pangasinan.

Mensahe pa n’ya kay Bella, “Thank you. Sana makita kita. Magpakita ka sa akin. Tingnan natin… Exciting.”

Abangers tayo sa susunod na mangyayari.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Joshua Garcia, “jojowain” daw si Ivana Alawi; sinabihan pang: “Pagaling ka.

Joshua Garcia at Charlie Dizon, kinikilig sa bansag na “Next John Llloyd Cruz at Bea Alonzo” pero “Sana po, makita rin talaga nila kami bilang Charlie at Joshua po.”

Joshua Garcia, leading man o nemesis ni Darna?

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.