Ready na raw Joshua Garcia and Janella Salvador sakaling magkaroon ng mga kissing scenes sa kanilang bagong teleseryeng The Killer Bride kasama sina Maja Salvador and Geoff Eigenmann.
Gaganap si Janella bilang Emma, ang babaeng nagsasabing sumasanib sa katawan niya si Camila Dela Torre (Maja Salvador), ang killer bride. Makikilala niya si Elias (Joshua Garcia), ang kanang kamay ni Vito Dela Cuesta (Geoff Eigenmann), ang lalaking sana’y magiging asawa ni Camila bago ito nawala.
Compared sa mga roles nila noon, sinabi ng The Killer Bride co-stars sa press conference na ginanap kahapon na mas mature na ang mga gagampanan nilang characters sa nasabing serye. Kaya naman kung kakailanhganin ng kissing scenes ay ready naman na daw sila.
“Actually tinanong kami ni Direk Dado Lumibao if game kami mag-kissing scene,” natatawang k‘wento ni Josh. “Sinabi naman namin na game kami. Pero siguro ’yong love scene...hindi pa, wala pa kami doon. Parang wala pa po kami sa stage na ’yon doon pa lang kami sa kissing muna and mga banter namin sa isa’t-isa.”
Dagdag ni Janella: “’Yon nga Direk asked us if p’wede kami mag-kissing scene or whatever...inisip ko this is a really good project kasi ang ganda talaga ng story. It’s something different and feeling ko it’s the right time na. If kakailanganin sa project, why not? If it’s gonna make it better… [and]really nice.”
Matagal nang gustong magka-trabaho ng dalawa at ngayon na matutuloy na nga, sinabi nina Joshua and Janella na masaya sila sa kanilang bagong tambalan.
In fact, tinatawag na nga ang new on-screen partners na JoshNella ng kanilang mga fans. Kaya naman tinanong ng mga press kung official na nga ba ang loveteam ng dalawa at kung sila na bang ang makikita sa mga pelikula at endorsements in the future bilang wala ng JoshLia at ElNella.
“Parang sa ngayon nandito pa lang po kami sa show na The Killer Bride” sagot ni Joshua. “And kung magkakaron kami ng endorsements together and movie together, mas okey sa amin din ’yon kasi iba na din pag pelikula na.”
Pagsingit ni Janella, “If it works, e, di it works. Basta ngayon dedicated kami sa characters namin ngayon.”
Samantala, maraming naku-curious sa sudden closeness na pinapakita ng dalawa. Maski sa presscon kahapon ay halatang kumportable na sila sa isa’t isa. At ayon kay Joshua, malaki raw ang naitulong ng sensual workshop requirement na ginawa nila. Dahil daw dito kaya nabasag ang awkwardness ng bawat isa.
“At first, mirroring each other,” esplika ni Joshua sa proseso ng sensual worshop. “Pero bago ’yong sensual [workshop], nag-usap muna kami about our timeline… like mga memorable na nangyari sa buhay tapos ’tsaka pa ’yong sensual na mini-mirror namin ’yong isa’t-isa tapos nag-yayakap kami doon.”
“Basta ang sabi sa amin kailangan maging comfortable kami with like touching each other kasi that’s what sensuality is all about,” dagdag paliwanag ni Janella. “Dapat connected kayo...walang awkwardness.”
Salo ni Joshua: “Tapos dapat parang lahat may meaning kahit ’yong konting magkadikitan ’yong braso namin, parang may kuryente sa’min.”
“In fairness naman sa’min, hindi naman kami nailang...parang ang galing nga kasi parehas kaming open, parehas kaming gustong matuto.”
PANOORIN ANG BUONG INTERVIEW:
YOU MAY ALSO LIKE:
Julia Barretto got bashed after rumored breakup with Joshua Garcia
Joshua Garcia made Julia Barretto’s birthday full of kilig moments