Jopay Paguia and Joshua Zamora are expecting their second baby girl!

SCREENSHOT:  Team Zamora Warriors on YouTube

SCREENSHOT: Team Zamora Warriors on YouTube

Babae ang paparating na second baby ng celebrity couple na sina Jopay Paguia at Joshua Zamora.

Ito ang lumabas sa gender reveal ng mag-asawa sa kanilang latest vlog entry entitled “Daddy Joshua’s birthday with a Big surprise.” 

Isinabay kasi ang ginawang gender reveal sa 50th birthday celebration ni Joshua. 

January 27 ang birthday celebration ng former Manoeuvres member at in-upload naman nila sa kanilang YouTube channel na Team Zamora Warriors nitong February 17. 

Nagbotohan pa ang mga bisita na um-attend sa intimate party nina Jopay kung lalaki ba o babae ang kanyang ipinagbubuntis. 

Maging si Jopay mismo ay clueless din sa kasarian ng baby n’ya dahil base sa ipinakitang insert video during her ultra sound check up, pinapapikit s’ya para hindi n’ya malaman ang kasarian ng second baby nila ni Joshua.

Bago naganap ang pagre-reveal, nasabi pa ng mag-asawa na kung sila ang masusunod ay gusto nila ng baby boy. Baby girl kasi ang bibang panganay nilang si Alessa na three years old na ngayon. 

At nang paputukin na nila ang balloon sa party, pink confetti ang lumabas doon. Meaning, girl ang kanilang Baby No. 2. 

At bago rin matapos ang video, sinabi nina Jopay at Joshua na masaya sila sa pagkakaroon ng bagong blessing sa kanilang pamilya. 

“Birthday party ni Josh ‘yon kaya ang invited ay mga kagrupo n’ya na hindi lumalabas ng bahay, mga naka-swab test talaga, mga pioneers, mga Ignite. Nagulat din sila na ito na nga, preggy ako,” pahayag ng former Sexbomb dancer. 

“One party celebration na nangyari. Very thankful kami na everybody happy,” sey naman ni Joshua. 

Paglilinaw pa ni Jopay, talagang ipinagdasal daw nila ang kanilang second baby at masaya sila na natupad ‘yon. 

Itong baby na ‘to, hindi s’ya basta pandemic baby kundi pinag-pray namin ‘to ni Joshua,” ani Jopay. 

“That’s why we are very grateful. Of all the things na nangyari... Maraming mga complains, mga depressions in the past. Ilang months, ‘di ba? Pero this time, it’s a blessing,” sey naman ni Joshua sabay turo sa tiyan ni Jopay. 

Talagang nere-receive namin ‘yan. Thank you, Jesus. Thank you, Lord for this,” dagdag pa n’ya.

Bale, six months na po s’ya,” masayang dagdag na pahayag pa ni Jopay na nakatakda daw manganak by the end of April or first week of May. 

Gusto naming mag-thank you sa lahat ng sumuporta dito sa aking gender reveal… Sobrang happy ako,” pagpapatuloy pa ng dancer-actress. 

Akala ko talaga baby boy ito, guys. Sabi ko pa kay Joshua, ‘Nararamdaman ko [na] baby boy s’ya.’ As in, [feeling ko] baby boy s’ya kasi ang ganda ng pagkabilog n’ya. Tapos hindi ako nahihirapan ngayon. 

“Thank you kay Lord dahil binigyan N'ya kami ng second baby. Maraming maraming salamat talaga. Ewan ko. Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam. Basta masyadong happy lang,” pagtatapos n’ya.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Phoemela Baranda and partner Jason Choachuy are expecting a baby girl!

Singer Maricris Garcia gives birth to daughter Adaiah Denise

Pika's Pick: Assunta De Rossi gives birth to her baby girl Fiore!

Diana Zubiri welcomes baby Amira Jade Smith to the world

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.