Jon Lucas, bagong paboritong kontrabida ng mga netizens

Sa Black Rider, ginagampanan ni Jon Lucas ang papel bilang si Calvin Magallanes, ang ambisyoso at uhaw sa kapangyarihang miyembro ng Golden Scorpion. Siya ang magiging matinding kalaban ni Elias Guerrero na ginagampanan ni Ruru Madrid.

Photos: @lucas_ajihon

Sa Black Rider, ginagampanan ni Jon Lucas ang papel bilang si Calvin Magallanes, ang ambisyoso at uhaw sa kapangyarihang miyembro ng Golden Scorpion. Siya ang magiging matinding kalaban ni Elias Guerrero na ginagampanan ni Ruru Madrid.

Bukod kay Ruru Madrid, nag-trending sa X (formerly Twitter) ang gumanap na kontrabida na si Jon Lucas nang mag-premiere ang pilot episode ng Black Rider kagabi, November 6.

Tinawag si Jon ng isang netizen na “one of the best kontrabida in his generation (sic).” 

Ginagampanan ni Jon ang papel bilang si Calvin Magallanes, ang ambisyoso at uhaw sa kapangyarihan na miyembro ng Golden Scorpion. Siya ang magiging matinding kalaban ni Elias Guerrero na ginagampanan ni Ruru.

 

 

 

 

 

 

 

Natuwa si Jon nang ibigay sa kanya ang role na Calvin pagkatapos niyang gumanap na kontrabida sa mga teleseryeng First Yaya at First Lady.

Magkasabay nag-training ng ilang buwan ang buong cast bilang paghahanda sa mga maseselan at buwis-buhay na mga eksena sa Black Rider

“We all trained together at the Belarmino Sports Complex under the guidance of coach Erwin Tagle. Tinuro nila sa amin how to execute punches and kicks for on-screen action. 

“Kahit na may background ka in boxing, karate, or taekwondo, iba 'yung tinatawag nilang cinematic action. May tamang paraan kung paano mo i-execute 'yung strike na magmumukha siyang realistic.

“So, thankful kami paano gawin ang mga eksena na ito kasi baka maging katatawanan nga kung wala kaming idea or knowledge about doing fight scenes,” sey ni Jon sa mediacon ng Black Rider na ginanap sa GMA Annex Studio noong nakaraang October 27.

Thankful din si Jon na ang kapatid niya sa INC (Iglesia Ni Cristo) na si Ruru ang lagi niyang makaka-eksena. Napaka-professional, supportive, at mabait na katrabaho raw si Ruru. 

Samantala, sa kanyang Instagram, nag-open up si Jon na dumating daw sa kanya ang proyektong Black Rider sa panahong kinukuwestiyon na niya ang kakayanan njya bilang aktor. Inamin din niya na muntik na niyang talikuran ang pag-arte dahil sa kawalan ng kompiyansa sa sarili.

Heto ang pinost ni Jon:

“Medyo pressured, medyo kinakabahan, minsan nagtatanong ako sa mga nakakasama.

“Alam nyo po, kahit kailan hindi nawala yung tiwala ko sa magagawa ng Diyos sa buhay ko. Ang nawala po talaga noon sa akin ay yung tiwala sa magagawa ko.

“Hanggang ngayon naman, minsan napapaisip pa rin, pero buong puso kong sinasampalatayanan na biyaya ito sa akin, sa amin.

“Sinalba ng proyektong ito yung nawawala kong pag-asa na may magagawa pa ako sa industriya. Opo, hindi ko binanggit sa panalangin ko sa araw-araw yung Black Rider kasi mula Enero hindi ko alam ang kung ano ang susunod para sa akin.

“Ang lagi ko po na banggit sa Ama ay tulungan Niya akong manghawak pa, at maniwala na para dito pa ako sa industriyang pinaglagyan Niya sa akin.

“Pasuko na po, magpapaalam na muna sana na magpahinga. Hanggang sa nag-message sa akin handler ko na may taping ako ng Tadhana kaya sabi ko ‘Sige po go ako.’ Balak ko after no’n okay na muna ako. Isipin ko munang mabuti kung ano yung mga dapat kong i-improve. Isipin ko muna kung okay pa ba ako dito?

“Hanggang sa taping mismo ng Tadhana, doon ko nalaman na kasama ako sa Black Rider. Buti pala nag-go ako! Buti pala kahit wala akong tiwala sa sarili ko, nagtiwala pa rin ako sa Diyos. Nagpatotoo Siya sa atin ulit.

“Basta mula noon hanggang ngayon, alam kong hindi dahil sa ako’y magaling, kundi sa Diyos lahat nanggagaling.

“Kaya alam ko na lahat ng ginawa at ibinigay namin ay sinasamahan Niya kami. Anuman ang maging resulta nito, ngayon palang sa Panginoong Diyos and lahat ng kapurihan!” 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.