Jolo, gagawa ng movie with his ex-gf Lovi Poe next year

PHOTO: Anna Pingol

PHOTO: Anna Pingol

May cameo appearance si Lovi Poe sa “72 Hours” episode ng trilogy action film na Tres na pinagbibidahan ng third-generation Revilla brothers—Bryan, Jolo, at Luigi (Bong Revilla’s son with non-showbiz lady named Lovely Guzman).

 

At naging sapat ang ilang-minutong exposure ni Lovi with Jolo sa screen para mag-elicit ng kilig at tili sa mga nanood ng Tres.

 

Pero kahit noong ginagawa pa lang ang Tres ay tila naka-plano na si Jolo, whose family owns Imus Productions na siya ring nag-produce ng Tres, na muling gumawa ng pelikula at ang ex-girlfriend nga niyang si Lovi Poe ang napisil niyang maging leading lady kung sakali man.

 

Jolo and Lovi started dating in late 2007 and broke up in late 2009. And while Jolo has just recently broken up with actress Jodi Sta. Maria, his girlfriend for nearly six years; Lovi, for her part, remains happily in a relationship with her Filipino-French boyfriend Chris Johnson, whom she started dating since 2016.

  

Purely business lang daw ang future pagsasama nina Jolo at Lovi sa isang project at walang anumang balikang magaganap dahil friends na lang daw talaga sila ng aktres.

 

Kung sakali raw ay next year pa naman masisimulan ang project nilang iyon ni Lovi.

 

“Let’s wait and see,” panimulang k’wento ni Jolo sa pikapika. “’Cause next week, I’ll be filing my candidacy for reelection as vice governor [Cavite]. So, maybe next year.”

 

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.