Joko Diaz, proud daddy lang daw at hindi stage dad sa nag-aartistang anak na si Ashley

Ashley Diaz on her father Joko bilang kanyang co-actor sa pelikula: “I know he’s always there to guide me pero at the same time hindi n’ya ako dinidiktahan kung anong kailangan kong gawin. He lets me explore on my own.”

PHOTO: @akosijokodiaz on Instagram

Ashley Diaz on her father Joko bilang kanyang co-actor sa pelikula: “I know he’s always there to guide me pero at the same time hindi n’ya ako dinidiktahan kung anong kailangan kong gawin. He lets me explore on my own.”

Masaya ang seasoned actor na si Joko Diaz para sa aktres at daughter n’yang si Ashley Diaz dahil sa wakas ay may launching movie na ito.

Bibida kasi si Ashley sa horror movie na Mary Cherry Chua na hango sa urband legend tungkol sa estudyante from a Manila school na ayon sa kuwento ay pinagsamantalahan at pinatay ng school janitor.

Magkakasama silang mag-ama sa pelikula kaya naman natanong ng entertainment press si Joko sa naging virtual media conference nila recently kung paano ang naging galawan nila sa movie bilang co-actors. 

Ayon sa aktor, nakaalalay naman daw s’ya dalagang anak kapag nasa set sila pero hangga’t maaari ay hinahayaan n’ya ito mag-explore mag-isa. 

Ang instructions ko lang na palaging pinaaalala kay Ashley na ilagay sa puso kung ano man ’yong sinasabi ng direktor, kung anong kailangan sa character,” lahad n’ya sa press people.

Hindi naman daw kasi n’ya gustong matawag na stage father na kadalasan ay may nakabuntot na negative connotation. 

“Other than that, hindi ako nakikialam sa kanya. Ayoko maging stage father so I let her be. I let her act kung papano s’ya mag-act but I always tell her na, ‘This is your character, ganyan, ganyan,” saad n’ya.

Eeksena lang umano s’ya bilang supportive father para mas maunawaan ng anak n’ya ang instructions ni Direk Roni Bernaid. 

Tapos ’yong sinabi ni direk nililinaw ko sa kanya minsan, na kung situational ’yong mangyayari ganito ang mangyayari d’yan. Kung gusto mong i-arte ’yan, e di, nasa sa’yo,” pahayag pa n’ya.

E, ano naman kanya ang observation ni Joko kay Ashley bilang isang artista?

Sabi nga nila, ‘Dapat mas magaling ang anak mo sa’yo.’ E, parang mas magaling ang anak ko sa akin,” nakangiting papuri n’ya sa anak. 

For Ashley naman, masaya raw s’ya na nagkatrabaho sila ng kanyang Daddy Joko sa isang pelikula. Madali raw kasi s’yang nakakahingi ng tulong dito kapag kailangan n’ya ng assistance sa eksena.

“Working experience ko naman po with my dad, na-enjoy ko po s’ya kasi meron po akong freedom and at the same time alam ko pong malalapitan for help if meron akong eksena or situation na nahihirapan ako,” sey ng newbie Viva actress.

Pinatotohanan rin n’ya ang sinabi ng aktor tungkol sa ibinigay nitong freedom sa kanya noong ginagawa nila ang movie project.

“I know he’s always there to guide me pero at the same time hindi n’ya ako dinidiktahan kung anong kailangan kong gawin. He lets me explore on my own,” she shared.

At s’yempre, na-appreciate daw n’ya ang compliment na ibinigay nito sa pagiging artista n’ya.

Sa papuri naman n’ya… Hahaha! It’s nice to know na he really believes in me,” pagtatapos ni Ashely.

Maliban sa mag-amang sina Joko at Ashley, kasali rin sa pelikula sina Lyca Gairanod, Kokoy de Santos, Alma Moreno, at marami pang iba. 

Mapapanood ang Mary Cherry Chua starting July 19 in cinemas nationwide.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

This Is Showbiz #55: Joko Diaz, ang buhay na legacy ng pambansang kontrabidang si Pacquito Diaz

Pamilya ni Joko Diaz, naiintindihan daw ang pagpapaka-daring niyang muli sa pelikula; “‘Trabaho lang ’to. Pagkatapos nito uuwi ako sa inyo at maayos ang magiging buhay natin.’”

Meet Ashley Diaz: Joko Diaz’s artistahin and talented daughter

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.