Nagbigay ng reaksyon ang magaling na actor na si Joko Diaz tungkol sa maling edad n’ya na nakalagay sa mga online sites.
Mas matanda raw kasi iyon ng ilang taon kumpara sa totoong edad n’ya.
Kaya naman naaliw umano s’ya sa kanyang mga nabasa dahil pinatanda s’ya roon ng walong taon.
“Nakakaaliw lang po tignan sa wikipedia at google at sa iba pa, na ako po ay mas matanda sa totoo ko pong edad,” pahayag ni Joko na idinaan n’ya sa kanyang Instagram Story kahapon, November 7.
Kasunod nito ay ang pagtatama n’ya na 47 years old pa lang s’ya ngayon at hindi “About 55 years” gaya ng nakalagay sa Wikipedia.
“Ako po ay born April 26 1976. 47 pa lang po ako:) salamat po,” pagko-correct ng Viva actor.
Ito rin ang diin ng aktor sa kanyang latest IG post kung saan sinabi n’yang bata pa lang s’ya nu’ng nagsimula sa showbiz pero hindi naman daw s’ya ganu’n katanda gaya ng inaakala ng iba.
“Kahit po ako ang bata sa Ulo ng Gapo. Hindi po ako 55 yrs old. 47 lang [Winking face with tongue emoji],” saad ni Joko sa caption na ang tinutukoy na pelikula ay ang 1985 movie ng mga film legends and late actors na sina Rudy Fernandez, Da King Fernando Poe, Jr., Eddie Garcia, at ang father n’yang si Pacquito Diaz.
YOU MAY ALSO LIKE:
Joko Diaz, proud daddy lang daw at hindi stage dad sa nag-aartistang anak na si Ashley
Full Movie: The Grepor Butch Belgica Story, the film that added star wattage to the name Joko Diaz
This Is Showbiz #55: Joko Diaz, ang buhay na legacy ng pambansang kontrabidang si Pacquito Diaz
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber