John Regala, nagpumilit daw makauwi sa bahay kahit hindi pa fully recovered

“We have to admit that John is not a cooperative patient and we can only do so much. Praying that we are still able to continue helping him but we also have our own limitations.” - Aster Amoyo

PHOTOS: @asteramoyo on Facebook

“We have to admit that John is not a cooperative patient and we can only do so much. Praying that we are still able to continue helping him but we also have our own limitations.” - Aster Amoyo

Bumubuti na ang lagay ng batikang action star na si John Regala matapos s’yang ma-confine sa ospital upang magamot ang iniinda niyang sakit na liver cirrhosis. 

Nabigyan na nang maayos na medical attention ang 55-year-old actor dahil nadala s’ya sa opsital sa tulong ng ilang celebrities, kasunod nang pagba-viral ng litrato niya sa social media kung saan nakuhanan siya ng isang nagmagandang-loob na Grab driver na nanghihina sa isang kalye sa Pasay City. 

Ilan sa napabalitang agad na nagpa-abot ng tulong kay John ay ang broadcaster na si Raffy Tulfo, actor-politician Richard Gomez, Jinggoy Estrada, ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna, ang Film Development Council of the Philippine chairperson na si Liza Dino, at marami pang iba. 

Agad ding nag-fundraising ang ilang malalapit niyang kaibigan sa showbiz led by Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfus, at ang veteran entertainment columnist at talent manager na si Aster Amoyo. Ito ay para may ipang-tustos sa kanyang pagpapagamot. 

Hindi naging madali ang lahat sa umpisa dahil halos wala nang tumanggap na ospital sa beteranong aktor dahil puno na ang karamihan sa mga ito dahil nga sa coronavirus disease [COVID-19]. Earlier on ay kinupkop muna siya ng Iglesia ni Cristo sa kanilang shelter at kalaunan naman ay nailipat din si John sa National Kidney and Transplant Institute [NKTI] sa Quezon City na ipinagpapasalamat ng mga kaibigan niya.

Gayunpaman, hindi bumitaw ang mga nagmagandang-loob kay John, lalo na ang beteranang showbiz writer/manager na si Aster Amoyo na kilalang malapit talaga sa aktor.

 

Sobrang hirap ang pinagdaan ng actor na si John Regala sa araw na ito. Walang hospital ang gustong tumanggap sa kanya...

Posted by Aster A. Amoyo on Tuesday, August 4, 2020

 

Last August 10, nagbigay ng update si Aster tungkol sa magandang pagbabago sa lagay ng kalusugan ng aktor.

“We’re so happy sa malaking improvement ng health ng actor na si John Regala since he was rushed to the National Kidney and Transplant Institute (NKTI) late Tuesday afternoon,” pahayag ni Aster on her FB post that came with the actor’s latest photo. 

“Although he can’t stand and walk by himself yet, nakakaupo na siya at nakakain kahit pakonti-konti ng solid food,” pagpapatuloy n’ya. “In a couple of days ay inaasahan na namin siyang up and about at puwede nang umuwi.

Si Aster din ang nag-mediate para makausap ni John ang kanyang biological son—si John Paul Kieffer—sa kanyang ex-wife na si Au Alvarez Manansala-Hunt. Ang mag-ina ay kapwa naninirahan na sa Amerika. At ayon kay Aster, naging madamdamin ang pag-uusap ng mag-ama.

“Our efforts to reconnect father and son paid off. Umiyak si John but he’s very happy. God is amazing,” sey pa ni Aster sa kanyang post. 

 

We’re so happy sa malaking improvement ng health ng actor na si John Regala since he was rushed to the National Kidney...

Posted by Aster A. Amoyo on Monday, August 10, 2020

 

However, makalipas ang ilang araw na pananatili sa Kidney Institute, nagpumilit daw si John na makauwi matapos makaramdam ng ginhawa. Pero tingin ni Aster at mga kaibigan ay hindi pa ito fully recovered.

Kung sina Aster lang daw ang masusunod, nais nilang manatili muna ang aktor sa ospital ng ilang araw para mas lumakas pa ito. Para kasi sa kanila, mas matutulungan daw si John sa kanyang pain management habang s’ya ay nasa ospital.

“If we were to be followed, we wanted actor John Regala to stay in the hospital for a few more days but he insisted in checking out tomorrow and we have no choice but to give in to his request to go home,” salaysay ng talent manager sa FB post n’ya kahapon, August 11.

Dismayado man, hinahabaan na lamang daw niya at ng iba pang nagmamalasakit kay John ang kanilang pasensya sa kanilang “uncooperative patient.”

“We have to admit that John is not a cooperative patient and we can only do so much,” tila nanlulumong sabi na lang ni Aster. “Praying that we are still able to continue helping him but we also have our own limitations.”

 

If we were to be followed, we wanted actor John Regala to stay in the hospital for a few more days but he insisted in...

Posted by Aster A. Amoyo on Tuesday, August 11, 2020

 

Maging sina Nadia at Chuckie umano ay nalungkot at nadismaya sa naging desisyon ni John sa kabila ng mga naging effort at sakripisyo nila para dito.

At ngayong araw nga, August 12, ini-release na si John mula sa NKTI dahil nga mas gusto umano nitong magpagaling sa condo unit nito.

“After eight days of confinement at the National Kidney and Transplant Institute, actor John Regala is now homebound,” muling post ni Aster sa Facebook. “Praying that he continues to get better everyday. Many thanks to all those who donated and helped John on his way to recovery."

 

After eight days of confinement at the National Kidney and Transplant Institute (NKTI), actor John Regala is now...

Posted by Aster A. Amoyo on Wednesday, August 12, 2020

After few hours, muling nag-post sa social media ang kolumnista ng photo ni John while lying on his bed upang ipagbigay-alam sa lahat na nakauwi na nga sa kanyang condo unit ang beteranong kontrabida.

 

John has just arrived at his condo unit this afternoon feeling tired and exhausted. No more doctors and nurses regularly...

Posted by Aster A. Amoyo on Wednesday, August 12, 2020


 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.