John Lapus, aksidente ang pagiging direktor

“Bago bago naman ako sumabak sa giyera, ako ay naghanda. Kumbaga, bago ako sumalí sa beauty contest ay nag-diet, nag-train ako sa Aces & Queens kung pa’no maglakad at mag-question-and-answer portion.”—John Lapus

PHOTOS: Anna Pingol

“Bago bago naman ako sumabak sa giyera, ako ay naghanda. Kumbaga, bago ako sumalí sa beauty contest ay nag-diet, nag-train ako sa Aces & Queens kung pa’no maglakad at mag-question-and-answer portion.”—John Lapus

Directorial debut ng komedyanteng si John Lapus ang Cinema One Originals finalist na Pang MMK na kasalukuyan nang pinapalabas ngayon sa mga sinehan. Bukod sa pagdidirek siya rin ang sumulat ng script nito. John has worn several hats as an ABS-CBN employee in the past: as researcher, writer, segment producer to on-cam talent. Indeed, malayo na ang narattng ni John. He takes us back to his journey from being an on-cam clown to being an off-cam main man.

 

October last year nang unang sumagi sa isip ni John Lapus, also known sa showbiz bilang si Sweet or Universal Sweet, na sumali sa Cinema One Originals film festival, isang bahagi ng ABS-CBN Films ecosystem. Pero as scriptwriter lang daw ang pakay niya at hindi para mag-direk. Magka-raket lang, so to speak, dahil kasagsagan iyon ng kanyang depression.

 

 “Wala akong trabaho, walang akong ginagawa, wala akong pera, sad, depressed…so sabi ko, ‘Lord, hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko, tulungan mo ako,’” malitanyang kwento ni John sa pikapika.

 

Patuloy niya: “Sumagi sa utak ko ’yong play na sinabmit ko the year before sa The Virgin Lab Fest [ng Cultural Center of the Philippines], ’yong Bagyolanda. Sabi ko, revise ko ngakasi hindi pumasok ’yon doon.

 

“No’ng ginagawa namin ’yong Hindi ako si Darna last year na nalaman ko na p’wde pala isali  ulit ’yong sinabmit mong play na hindi pumasok. Ni-revise ko lang ’yong Bagyolanda kasi gusto kong i-submit uli. Habang nire-revise ko ’yong Bagyolanda, nagpunta ako sa isang internet café kasi wala akong laptop… ’yon ’yong when CinemaOne Originals 2018 called for entry. ‘Sali kaya ako dito?’ Meron na akong istorya in mind bilang co-writer ako sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya, ’yong Origami noong 1999.”

 

John co-wrote the “Origami” episode script, about a philandering dad who has a gay son, with Jun Lana and and Don Michael Perez, who are both successful directors now.

 

 “Fast forward, namatay na ’yong tatay ano’ng mangyayari?” patuloy ni John. “So, ayon. Ginawa ko lang siya for two days tapos sinabmit ko sa friend ko na si [Direk]  Chris Martinez. Siya ’yong nag-suggest na ‘Itodo mo na ’yong comedy.’ Kasi no’ng una dramedy talaga, e.”

 

“No’ng ni-revise ko na, nag-spoof ako ng mga characters, especially the character of Ricky Davao. Even the character of Ma’am Charo [Santos] kahit na as herself siya, pag pinanood mo siya…parody siya. Alam mo ’yon?”

 

ACCIDENTAL DIRECTOR

 

Hindi inakala ni John na mapipili ang script niya laer on bilang sa unanng salaan palang in February last year, nalaglag na daw siya.

 

“Hindi naman ako pumasok sa original na Final 9 no’ng July 5 [2018]. May nag-back-out lang kaya nagka-slot…tapos, dapat ang magdi-direk, ’yong friend ko, si Jojo Saguin. Hindi rin pumwede, may trabaho siya. Sabi ko, might as well. Para sa akin pala talaga siya.’ So, do’n na nangarag na ako.”

 

 

As writer-director, una raw niyang ginawa ay ang paghingi ng persmiso sa ABS-CBN at sa Maalaala Mo Kaya na gamitin ang footage at istorya ng “Origami” episode nito.

 

Number two, kailangan kong i-secure ’yong original cast: si Cherry Pie Picache, Joel Torre, Nikki Valdez , at saka si Alwin Uytingco. Si Alwin nga dahil nagsisimula na siya that time sa Asuang [another Cinema One 2018 entry], hindi na pumayag ’yong Cinema One. Naghanap na ako ng panibago. Kahit nga si Stella Ruizkasi siya ’yong mistress sa story dati—nag- inquire ako na nasa LA. Ang mahal lang ng [airplane] ticket. Willing umuwi ang bruha kaya lang papadalhan mo ng ticket di ba? So, what I did nalang is ni-revise ko siya in such a way na hindi na masyadong mag-dialogue ang mistress at POV [point of view] naman ’yon ng lead character played by Neil Coleta.

 

“So ’yon na. Sabi nga, nag-conspire na ’yong universe, sumuwak lahat. Imagine-in mo ’yon?”

 

Aminado si John na malaking tulong ang pagiging ma-tsika niyang artista kaya hindi naging mahirap para sa kanya ang mag-kumbinsi ng mga makakasama sa first directorial job niya.

 

“Friendship is a virtue,” natatawang sabi niya. “Marami akong kaibigan artista then na isang text, isang Messenger [message] lang ay papayag na gumawa ng pelikula with me. So, ’yon. Hanggang ngayon Star Magic artists pa rin ako. Nangako naman ang Star Magic na ’yong ibang cast, sila ang magse-secure…si Nikki [Valdez], eventually nga si Neil [Coleta], una si Alwin Uytingco, naging si Janus del Prado hanggang sa napunta na nga kay Neil Coleta. Si Joel Torre, care of June Rufino, si Pie naka-rekta ako pero nagbigay-pugay pa rin kami kay Tito Ed Instrella.’Yong mga gano’n.”

 

Na-enjoy daw ni John ang pagiging Direk John kaya’t malamang na masundan pa ito. Kung hindi man, ay hindi rin daw siya bibitiw sa paggawa ng scripts.

 

“Gusto ko nga sumali uli next year sa Cinema One e.Tingnan natin. If there’s one thing na natutunan ko dito sa pag-join ko sa Cinema One Originals—na nag-agree din lahat ng direktor na kaibigan ko na sumusulat—na mas madali pala na ikaw ang magsusulat at ikaw din ang magdi-direk. Walang complexity or whatsoever. Tapos ’yong material mo, gamay na gamay mo. Effortless, alam mo, ’yong shot. Alam mo ’yong istorya. No’ng we were shooting, wala na akong dalang script kasi nasa utak ko na. Ako din ’yong sumulat, e. Pag kailangan ng revision sinasabi ko lang do’n sa assistant director ko, so walang complexity… unlike pag iba ’yong sumulat na writer, iba ’yong magdidirek. No wonder ’yong mga direktor na hindi sumusulat, ’yong writer nila ’yong suki na nila, barkada na nila kasi usually nagkakaroon pala ng complexity pag iba ’yong nagsulat at nagdirek.

 

Hopefully ako din ang pag-direkin ng ABS-CBN films pag sumulat ako ng material ko na ginagawa ko ngayon under the supervision of the one and only Ricky Lee. So dalawa ’yong upcoming script ko na ginagawa ko. Malapit nang matapos ’yong isa. Sabi ni Sir Ricky ano daw ’yong mauna kong matapos, next week na deadline naminbagay daw ’yon sa Black Sheep or sa Cine Bro.”

 

[Black Sheep and CineBro Originals are two new film production brands under the ABS-CBN Films flagship production.]

 

Bagama’t bagong challenge ang off-cam job para kay job, hindi naman daw niya ito pinasok nang hindi siya handa.

 

“Alam mo ’yong gano’ng feeling na lahat ’yong mga kaibigan mong reporter ang tanong sa’yo handa ka na ba? ’Yong mga kaibigan ko, pressured din sila for me. Mas malaki nga ’yong pressure kasi si John Lapus ito, twenty-five years na siyang artist tapos biglang magdi-direk, ano’ng K niyan para mag-direk? Maabangan nga. Alam mo ’yong gano’ng feeling?

 

“So thank God, bago naman ako sumabak sa giyera, ako ay naghanda. Kumbaga, bago ako sumalí sa beauty contest ay nag-diet, nag-train ako sa Aces & Queens kung pa’no maglakad, mag-question-and-answer portion”

 

 

Sakali daw kagatin ng mga ABS-CBN bosses at ng mga manonood ang pagiging director niya, handa raw siyang mas mag-pokus sa mga trabahong off-cam at umarte nalang paminsan-minsan. Pero habang wala pa raw siya bsa position na yon ay okay pa rin siyang tumnaggap ng acting jobs.

 

“Sinasabi ko palagi sa Star Magic na kung may offer na artista for John Lapus, tanggapin pa rin natin kung hindi naman complex,” esplika ni John. “Yes, priority na ’yong pagdidirek at pagsusulat but habang hindi pa naman fullbloom ngayon kasi ito palang ito e, feeling ko ’yong offer darating naman after na ng Cinema One, pag napanood na nila, ‘Ah okay, kaya na pala niya mag-direk, p’wede na.’ Or ‘Kaya pala niya magsulat. Alam mo ’yon?

 

“Saka nagamit na ’yong paging artista ni John Lapus. Good thing nga sabi ng mga kaibigan ko buti na lang pressured daw ako na may title ako na the Universal Sweet na dapat universal kamadami kang ginagawa. Of course hindi ko naman sinadya pero no’ng na-realize ko nga, oo nga ako nga pala si Universal Sweet. But honestly alam kong dararating ’yong time na babalik ako behind the camera pero hindi ko ini-expect na as writer or as a director kasi I could come back as an associate producer…that was my last position, I could come back as a production staff sa ABS and be an associate producer for a talk show… ’yon naman ang forte ko, talk show di ba? Or ang dami ngayon d’yan na social media platforms d’yan ng ABS-CBN, I could be an EP [executive producer] for one of those. Hindi ko naman ini-expect na dito pala ako dadalhin. I’m back behind the camera as a writer and as a director. Pero tumatanggap pa po ako ng offer bilang artista.

 

“Yes, eventually there will be a time na si John Lapus ay writer/director na lang. Hindi na siya nakikita sa silverscreen or sa telebisyon. ’Yong pangalan na lang niya ang nakikita. Alam ko naman na darating din talaga, wala namang hangganan ang mukhang ito. Alam naman natin na ang gandang ito, wala namang hangganan. Alam ko naman yan. Kaya pinaghandaan ko naman. I’ve seen artistas come and go…na ’yong iba hindi nakapaghanda, namatay, tumanda na walang pera. Ayokong mangyari sa akin ’yon.

 

As a director, nagulat daw siya sa sarili niya na kalmado pala siya.

 

“’Teh! Ini-expect ko si John Lapus hysterical, talakera…hindi. Sabi ng mga kaibigan ko, ‘Bakit kalmado ka?’ Siguro kasi artista ako, ayokong ma-feel no’ng artista na tinatalakan siya ng direktor kasi nangyari sa akin in the past with some directors kaya siguro medyo conscious ako.

 

“At saka feeling ko lahat ng bagay, lahat ng problema may solution. So, true enough, pag nagkaka-problema sa set kulang ng ganito, walang ganyan; late si ganito…pu-push lang ako. Okey na ba? Okey naman kaya napaka-relaxed.”

 

Abonado ka ba? Hirit namin.

 

“Oo…ng bongga! I heard four million na daw [ang seed money] next year. Sana lang ano makabawi tayo sa box office nito para kahit papa’no naman mabawi ko ’yong pinang-abono ko.

 

“At again tumatanggap pa po ako ng trabaho bilang artista. Tulad niyan, sa December magho-host pa din po ako ng Christmas parties. Hahaha!”

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

 

Korean dark comedy Parasite leeches on Philippine cinemas today!

Ice Seguerra voices out own discrimination xp over Gretchen Diez issue

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.