Joey Marquez, aminadong maraming pagkakamali sa buhay; “Pero pag inulit ang buhay ko hindi ko babaguhin kasi ayokong mawala lahat ng anak ko.”

SCREENSHOTS: Ogie Diaz on YouTube

SCREENSHOTS: Ogie Diaz on YouTube

Hindi man daw s’ya perpektong asawa ay hindi naman daw maikakaila na mabuting ama ang aktor at komedyanteng si Joey Marquez. Isa sa patunay is that ang majority sa 16 niyang anak ay nasa poder n’ya. 

Ito ang ibinahagi ng 60-year-old actor-comedian nang mag-guest s’ya sa Father’s Day episode ng vlog Ogie Diaz as na in-upload kahapon, June 20, sa YouTube channel nito. 

K’wento n’ya, maswerte daw s’ya dahil magkakasundo ang kanyang mga anak kahit magkakaiba sila ng mga pinanggalingang ina. 

“I’m so lucky kasi ang mga anak ko, ang treat nila sa isa’t isa hindi half-brother at [half]-sister,” pagbibida n’ya sa video. “Sa amin there’s no such thing as half-brother, half-sister. It’s brother or sister lang

Maganda nga [kasi] very protective sila sa isa’t isa. At tsaka nagtatawagan sila,” pagpapatuloy n’ya. “Kapag magkakasama kami as if lahat sila iisa ang pinanggalingang dugo, anak ko lang talaga lahat. So walang discrimination na, ‘Sa iba ka anak, e.’ Walang ganu’n.

At bilang pagmamahal sa kanyang mga anak, in good terms daw s’ya sa mga nanay ng mga ito. Magpahanggang ngayon daw ay tumutulong pa rin s’ya sa mga ito basta magsasabi sa kanya ang kanyang mga anak. 

Naniniwala ako kailangang masaya ‘yong mga anak ko, e… Maraming beses ‘yon [na may humihingi ng tulong],” aniya. “Ang anak ko, sasabihin sa akin, ‘Alam mo may problema si Mommy.’ Alam ko na. Oo na [agad ang sagot ko].”

Paraan n’ya rin daw ‘yon bilang respeto sa mga dati n’yang nakarelasyon na mga nanay ng mga anak n’ya. 

Ayokong magdamdam ‘yong anak ko at mamroblema sila sa mga magulang nila,” pahayag pa ni Joey. “Kasama na rin dito ‘yong paggalang ko sa mga nanay na hindi porke magkahiwalay na kayo [at] hindi na kayo magkasama hindi ka na dapat nag-iisip para sa kanila. Ganu’n pa rin ako.

Sa dami nga ng anak n’ya ay naitanong ni Ogie kung may nagmana ba sa kanyang mga anak na lalaki sa pagiging babaero n’ya noong araw. 

Meron yata, e. Kaya minsan hindi kami nagkakasundo,” lahad ni Joey pero hindi pinangalanan kung sino ito sa kanyang mga anak. “Sinasabi ko sa kanya na… Parati ko naman sinasabi sa mga anak ko e, ‘Alam n‘yo hindi ko kayo mapipigilan na mambabae kasi wala akong karapatan sa inyo na magsabi na mag-stick to one kayo.’ Kasi hindi ako ganu’n, e.

However, nagbanta daw s’ya sa mga ito na s’ya mismo ang makakaaway nila kapag hindi nila pinanindigan ang kanilang mga ginawa.

Pero sabi ko, ‘Pag gumawa kayo ng bagay at magkaroon kayo ng responsibilidad makakaaway n’yo ako pag pinabayaan n’yo ang anak n’yo. Ako ang kaaway n’yo. Magagalit ako. Makikita n’yo akong magalit hindi sa kung ano pa man kundi gumawa kayo ng bata tapos hindi n’yo aalagaan. Hindi ko ginawa sa inyo ‘yan.’

Dagdag pa n’ya, ikinalungkot din daw n’ya ito na naging dahilan para sisihin n’ya ang kanyang sarili.  

Nalungkot din ako. Sinisi ko din ang sarili ko,” pag-amin pa n’ya kay Ogie. “Hindi naman parating sisihin ko pa ang ibang tao e di sarili ko na lang. 

Sinabi ko na lang na, ‘Siguro kung hindi ako naging ganito, hindi ako nagaya. Pero kung hindi naman ako naging ganito wala lahat sila. Kung hindi naman ako ganu’n hindi naman ako masaya dahil wala naman sila.’ 

Sabi ko nga sa sarili ko, ‘Sa pagkakamali ko, inaamin ko na mali ako pero pag inulit ang buhay ko hindi ko babaguhin kasi ayokong mawala lahat ng anak ko, e.

Pabirong tanong pa ni Ogie kay Joey kung may balak pa ba s’yang dagdagan ang kanyang mga anak. 

Medyo unfair na sa bata [kasi] baka mag-ten years old s’ya [tapos] otsenta na ako. Hindi na. Hindi na kaya,” sagot n’ya.

Iniisip ko kasi na masyado na akong may edad para magka-anak pa ngayon. Baka hindi ko na abutin ‘yong pagkabinata o pagkadalaga n’ya. Mas gusto ko maabutan ko ang mga apo ko, e,” pagtatapos ni Joey.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:
Joey Marquez and Alma Moreno’s panganay, Yeoj Marquez weds longtime sweetheart

Joey "Tsong" Marquez, bumilib sa isang kalye performer

Joey Marquez, ayaw pang pag-asawahin si Winwyn

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.