Sa story conference ng Joel Lamangan movie na Sa Kanto ng Langit at Lupa ay nagkaroon ng pagkakataon na mas natuon ang paksa sa isa pang kontrobersyal na pelikula ng direktor, ang My Father, Myself na official entry sa paparating na 2022 Metro Manila Film Festival.
Binabatikos kasing kasalukuyan ang trailer nito dahil tungkol na naman daw sa kabaklaan ang tema ng pelikula ng premyadong direktor. May mga nagsabi pang tila anti-gay pa ito, partikular sa mga gays na nag-aampon.
Base kasi sa trailer ng My Father, Myself, pinalaki ng karakter ni Jake Cuenca na isang closet gay at ng asawa niyang si Dimples Romana si Sean De Guzman whose late father (Allan Paule) ay ang dating ka-relasyon ni Jake.
Paglipas ng panahon, nabuntis ni Sean ang tunay na anak nina Jake at Dimples. And to further complicate matters, closet gay din pala si Sean at in love ito kay Jake at hindi sa nabuntis niyang anak nito. Likewise, muling binuhay ni Sean ang matagal nang napaglabanan na kabaklaan ni Jake.
Pero open-minded naman si Direk Joel tungkol sa mga bashing. Ang tinututulan nkya ay ang paratang na against gay ang pelikula n'ya.
“Kapag ang trailer ay inilagay sa social media, ang ibig sabihin niya ay open to be criticized, it's open to be praised," lahad niya. "I don’t mind if they criticize it. My point is, it is not against gay. 'Yun lang naman ang point no’n, e.
“[Sabi nila] it's against gays? No, it’s not! I am a storyteller, I am a filmmaker. My life's journey is to look for some stories for representation for the public to understand and for the public to learn something from.
“Hindi lang naman parating magagandang gay stories ang ipapakita mo. That is not realistic, that’s romanticism.
“Hindi iyon tama. Meron ka rin dapat ipapakita na hindi magandang istorya ng isang gay. Ipakita mo upang kapulutan ng aral para hindi na siya muling gawin.
“Hindi naman lahat ng gay, mabuting tao. Mali 'yun! May gay na magnanakaw, may gay na kriminal, may gay na nanggagahasa. Kagaya rin ng isang ordinaryong tao, ng lalaki at babae."
Ani Direk Joel, base sa real story ang pelikula at nakita niyang maganda itong materyal—na sinulat ng actress-writer na si Quinn Carillo—na pampelikula.
“Iyon ang trabaho ko. Ginawa ko 'yung My Father, Myself because it is based from my own personal knowledge of a real story that happened in my province.
“And I thought that it’s a very good story material to be filmed for people to learn from the mistakes of these characters in the movie.
“Not to extol it!," madiing dagdag niya. "As a matter of fact, may nangyari doon sa gumawa ng ganoon which I will not say because that will reveal already the entire story, di ba?"
“Ako, I never comment on anything as far as what the other directors are doing because for me, it is unethical. Because I am a practitioner myself," dagdag ni Direk na tila direktang pinatama sa isang kakilala.
“But that person was my assistant director before," pagtutukoy na niya sa isang hindi pinangalanang taga-usig nia. "I love him! I like him. He’s good. He’s one of my good assistant directors before and now, he has his own career.
“He specializes in LGBT-themed films and I like him for that. I do not look down on him for that.
“As I have said, once you put something in social media, people will criticize it, people will praise it. Ganun talaga ang buhay.”
Samantala, tila lumalaki na ang 3:16 Media Network headed by Len Carillo. Sa katunayan, dahil sa nakaraang storycon ng Sa Kanto ng Langit at Lupa ay ipinakilala na ang ibang co-producers nila tulad nina Win Salgado, Nikko Abad, Jomet Corpuz, at ang CEO at Owner ng Mentorque Productions na si John Bryan Diamante.
Umaasa naman si Direk Joel na hindi sila uulanin sa shooting ng Sa Kanto ng Langit at Lupa dahil kukuhanan ang ilang major scenes nila sa sementeryo at iba pang urban poor areas na madalas binabaha.
“Ayaw kong mag-shooting sa baha na tumataas ang tubig dahil napakahirap lalo na 'yung sa mga tabing-ilog dahil ang mga nakatira roon ay doon na rin ginagawa ang lahat. At kapag tumaas ang tubig aapaw din ang mga dumi,” patapos na paliwanag ng direktor.
Ang Sa Kanto ng Langit at Lupa at ang MMFF entry na My Father, Myself ay kapwa produced ng 3:16 Media Network at Mentorque Productions.
YOU MAY ALSO LIKE:
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber