Jodi Sta. Maria, napa-isip mag-retire sa acting dahil kay “Dra. Jill”: “I was physically, emotionally, and mentally exhausted… Nasagad talaga ako.”

Dahil sa emotionally-draining role niya as the cheated wife na si Dra. Jill, muntik na palang mag-quit sa acting si Jodi Sta. Maria. 	Nagbago naman daw ang pasya n’yang ito nang makakuha s’ya nang sapat na pahinga.  “Yes, it has [changed]… All I really needed lang pala was a break to recharge, to relax, to just ano lang…kalma,” paliwanag n’ya.

PHOTOS: @jodistamaria on Instagram

Dahil sa emotionally-draining role niya as the cheated wife na si Dra. Jill, muntik na palang mag-quit sa acting si Jodi Sta. Maria. Nagbago naman daw ang pasya n’yang ito nang makakuha s’ya nang sapat na pahinga. “Yes, it has [changed]… All I really needed lang pala was a break to recharge, to relax, to just ano lang…kalma,” paliwanag n’ya.

Nagpaalam pala si Jodi Sta. Maria sa mga kasamahan sa trabaho na ang The Broken Marriage Vow (TBMV) na umano ang magiging pinakahuling proyekto na gagawin n’ya.

Ipinagtapat n’ya ito nitong June 6 sa media conference para sa nalalapit na finale ng kanilang teleserye.

Kuwento n’ya sa entertainment press, nasagad daw s’ya sa pag-portray kay Dra. Jill Victorino, ang pangunahing karakter ng serye. 

“This role has really pushed me to the edge…kumbaga, pushed me to my limits. Parang ‘Ito na ito. Hanggang dito na ito,’” pagtatatapat ni Jodi. 

Napagtanto daw n’ya na ito na ang magiging huling project na gagawin n’ya nu’ng napanood na nila ang trailer ng TBMV.

“I clearly remember after we all watched ’yong trailer, ’yong launch nu’ng trailer…may pa piging du’n sa gilid… We were all happy na finally nakita namin ’yong glimpse ng ginawa namin,” she continued. 

“But I told Z [Zanjoe Marudo] and Direk Andoy [Ranay], sabi ko, ‘Ito na ’yong huling project ko,’” pagbabahagi pa ng versatile Kapamilya actress. 

Sabi ko, ‘After TBMV ayoko na.’ ’Yon ’yong sinabi ko sa kanila nu’n. Sabi ko, ‘Ito na ’yong last.’”

Pakiramdam daw kasi n’ya ay napiga s’ya nang husto at wala nang maibibigay pa sa mga susunod na projects kung sakali. Matitindi kasi ang mga eksena nila sa teleserye na kailangang tapatan din ng matitinding emosyon.

Kasi hindi ko alam, unang-una, kung meron pa ba akong mabibigay sa susunod na project. Feeling ko lahat binigay ko na dito,” aniya. 

Hindi talaga madali. Feeling ko ito na ’yon. Parang wala na akong ibang magagawa after this. ’Yon ’yong time na ’yon na nandu’n kami sa papigingan.

Pagdedetalye pa ni Jodi, “Pagkalabas ko sa lock-in [taping] I realized that I was so tired.  I was physically, emotionally, and mentally exhausted from playing the role of Dra. Jill. Nasabi ko talaga na parang… Feeling ko talaga wala na, e. Nasagad talaga [ako].”

Sinubukan nga daw n’yang mag-conceptualize para sa panibagong character pero hindi umano n’ya ito nagawa dahil nga na-drain na s’ya sa TBMV.

Pag kumukuha ako ng bond paper, magta-try ako gumawa ng isang bagong character – wala. Wala talaga. Parang feeling ko lahat ng creative juices ko na-cutoff. Ang naisip ko, ‘Kung artista ka at ganito ka ka-ubos, ano pa ang p’wede mong gawin?’” sabi pa n’ya.

However, nagbago naman daw ang pasya n’yang ito nang makakuha s’ya nang sapat na pahinga. 

“Yes, it has [changed]… All I really needed lang pala was a break to recharge, to relax, to just ano lang…kalma,” paliwanag n’ya.

Dahil dito ay natanong s’ya kung tuloy-tuloy na ba ulit ang pagtanggap n’ya ng project.

’Yan ang aabangan nilang exciting part,” natatawang patikim ni Jodi.

Napapanood si Jodi, kasama sina Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, and more, sa The Broken Marriage Vow na mas titindi pa umano sa huling tatlong linggo nito.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Jodi Sta. Maria, galanteng producer daw; madalas magpa-milk tea

Poging anak ni Jodi, ayaw mag-artista

Jodi Sta. Maria, the unafraid actress

Jodi Sta. Maria, okay daw munang single

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.