JM, mag-a-apprentice na sa pagdi-direk

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol

Isa si Last Fool Show lead star JM de Guzman sa itinuturing na pinaka-magagaling among the young actors of today. Sanay na siguro siyang masabihan ng mga katagang “malalim,” “mahusay,” “marami pang ilalabas.”

Malaki marahil ang naitulong ng mga experiences niya sa teatro noong college days niya at sa exposure niya sa indie films earlier on.

At dahil sa angking galing sa pag-arte, hindi rin maikakailang malakas ang charisma nito sa publiko. Ito marahil ang mga dahilan kung bakit hindi nagdalawang-isip ang ABS-CBN at Star Magic na muli siyang pagbuksan ng pinto sa kanila ng mga pinagdaanan niyang personal struggles noong mga nakaraang taon na naging dahilan para mag-suffer ang ilang mga proyekto niya.

But he’s bounced back and he’s doing really well. Bukod sa sunod-sunod na drama series, naka-ilang pelikula na rin si JM simula nang “mag-comeback” ito last year. Ang pinaka-huli nga ay ang Last Fool Show, na siyang unang sabak niya sa romantic genre opposite his real-life friend, Arci Muñoz.

Kung mabibigyan ng chance, mukhang may ibubuga din sa JM likod ng camera. It’s a good thing na kino-consider na niya as early as now na masubukang gumawa ng pelikula not as an actor, but as director.

“Mag-a-apprentice-apprentice muna siguro ako,” say ni JM sa blogcon ng Last Fool Show kamakailan. Siguro sa isa sa mga pelikula ni Direk sasama-sama ako. 

“Mag-aaral din po ako. Gusto ko po talaga. Gusto ko po talaga masubukang mag-direk ng pelikula.” 

JM was referring to his Last Fool Show director Eduardo Roy, Jr., na may impressive resume na sa paggawa ng mga premyadong indie films gaya ng Pamilya Ordinaryo (2016), Quick Change (2013), at ang Bahay Bata (2011). Last Fool Show, which is still showing in cinemas, is Direk Eduardo’s first so-called “mainstream” venture.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

JM de Guzman: Behind the Barriers of His Heart

JM, pabor sa mandatory drug test ng mga TV network stars

JM, nagsalita tungkol sa hate tweets na pinapadala kay Rhian ng ilang JuanBie fans

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.