JM de Guzman, may mild face blindness katulad ng karakter niya sa ‘Kung Paano Siya Nawala’

PHOTO: Melo Balingit

PHOTO: Melo Balingit

Matapos ang matagumpay na takbo ng afternoon drama na Araw Gabi, sa sinehan naman magbabalik si JM de Guzman with the upcoming film Kung Paano Siya Nawala.

In the film, JM plays Lio, a guy who has a condition called face blindness—meaning he can’t recognize or distinguish faces. Despite his condition, Lio enters a relationship with Shana, played by Rhian Ramos.

Sa isang exclusive interview with pikapika.ph, inamin ni JM na meron din siyang face blindness, pero “mild” lang daw ito at hindi kasinglala ng kay Lio.

“May mga mukhang di ako mapangalanan,” kuwento ng aktor.

“Di ko alam kung ano ang nag-cause pero ayon sa research ko ano daw ’yon, e, caused by brain problem, trauma or an accident, or minsan inborn.”

Matatandaang nag-break si JM nang tatlong taon mula sa showbiz dahil sa kanyang pagpasok sa drug rehabilitation program ng Self Enhancement for Life Foundation o SELF. Bumalik siya sa pagtatrabaho early this year at grumaduate mula sa rehab program noong July.

Kuwento ni JM, pagkalabas na pagkalabas niya mula sa rehab ay nilapitan agad siya ng TBA Studios, ang producer ng Kung Paano Siya Nawala, para bigyan ng movie offer.

“TBA’s supported my recovery… First time kong lumabas, nakipag-meet ako agad sa kanila and meron agad silang inabot na script, which is this movie.

“Sinabi nila sa akin na ‘we have a movie for you,’ so binasa ko ’yong script and nagustuhan ko.”

Paano pinaghandaan ni JM ang pagganap sa challenging character na si Lio?

“Research sa internet, mga case studies. May binasa akong dalawa na nagsa-suffer sa condition na ’yon, so nagsa-suffer, meaning talagang medyo mahirap sya na condition kasi hindi mo kilala ’yong mga tao.

“It’s hard to trust anyone, it’s hard to let anyone in, so may gano’n siyang wall, si Lio, and buhay na kailangan i-accept.”

Ayon kay JM, isang sign daw na may face blindness ang isang tao ay kapag nakatitig lang siya nang parang blangko sa kausap niya.

“Nagpe-pretend lang siyang kilala ka niya. So mostly gano’n ’yong ginagawa ko sa lahat, kasi wala nga siyang naaalala every day of his life, ’yong attack ko [sa role], gano’n lagi.

“Kasi sa totoong buhay ang hirap na ipahalata no’n, e, na di mo sya naaalala. Baka iba ’yong maisip niya or iba ’yong maging impression nya sayo na panget. So ’yon ’yong condition.”

SUPPORT FROM MANAGEMENT

Halos dalawang linggo daw nag-shoot si JM para sa kanyang comeback movie, na ipapalabas na this coming November 14. Masayang kinuwento ng aktor na “todo suporta” ang kanyang management pati ang production ng Araw Gabi dahil pinayagan siyang i-shoot ang movie kasabay ng teleserye.

“Kinacut-off ako ng soap ng 12 para makapunta [sa movie] at makapahinga ng konti,” ani JM.  

Pero hindi nangangahulugan na naging madali para sa kanya na pagsabayin ang dalawang projects.

“Umabot ’yong time na peak ng climax ng Araw Gabi in terms of performance and ’yong shinu-shoot naming [sa movie], peak din ng emotions. So araw-araw nagshi-shift ako ng character na mabigat ’yong dala.

“Do’n ako medyo nasubukan. Na-stress, na-down. Pero na-manage naman.

Ayon kay JM, “transparency” at suporta ng mga nakapaligid sa kanya ang naging susi para malampasan niya ang pagiging down nung mga oras na ’yon

“Be honest. Nasu-support naman, kasi hindi lang health natin magsa-suffer, pati ’yong performance, pati ’yong project.

“So maiintindihan yan. basta tamang communication, tamang communication lang.”

 

Kung Paano Siya Nawala opens in theatres on November 14. Watch the trailer below:

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.