JM de Guzman, determinado sa panliligaw kay Donnalyn Bartolome; “S’yempre, pag may gusto kailangan ipaglaban.”

Kapag naba-bash raw ang nililigawan n’yang si Donnalyn Bartolome dahil sa mga online content nito, hindi raw nila pinag-uusapan ang bagay na ito, ayon kay JM de Guzman. Pero ipinaparamdam naman umano n’ya rito na nasa tabi s’ya nito, handang makinig at dumamay.

PHOTOS: @1migueldeguzman on Instagram

Kapag naba-bash raw ang nililigawan n’yang si Donnalyn Bartolome dahil sa mga online content nito, hindi raw nila pinag-uusapan ang bagay na ito, ayon kay JM de Guzman. Pero ipinaparamdam naman umano n’ya rito na nasa tabi s’ya nito, handang makinig at dumamay.

Inamin ng aktor na si JM de Guzman na patuloy ang ginagawa n’yang panliligaw sa actress and content creator na si Donnalyn Bartolome.

Kinumpirma n’ya ’yan nang maka-tsikahan s’ya ng entertainment press nitong September 18 sa isang event sa Quezon City.

Kinumusta kasi ng press people ang napapansing closeness nila Donnalyn at doon nga niya nasabing patuloy s’ya sa panliligaw sa dalaga.

Okey naman. Nanliligaw pa rin [ako],” nakangiting pagkukumpirma ni JM.

Kung matatandaan, nagsimulang ma-link ang dalawa dahil sa video collaborations nila mula noong September 2022 hanggang nitong June 2023.

At kahit ilang buwan na rin mula nga nang mapabalitang pinupormahan n’ya si Donnalyn ay willing to wait daw itong si JM. 

“S’yempre, pag may gusto kailangan ipaglaban,” natatawang sabi n’ya.

Dahil dito ay natanong s’ya, kung ano-ano ang mga magagandang characteristics ng aktres na naging dahilan para patuloy n’ya itong suyuin.

Hindi ko alam, e... Na-i-inspire ako sa kanya,” lahad ni JM.

“She’s a very caring person…very sincere, sobrang mabait,” he added.

Nausisa naman ang Kapamilya star kung hindi ba s’ya naiinip sa kakahintay na makuha ang matamis na “oo” ng tinaguriang “Social Media Goddess.”

Hindi po. Napapawi ang inip ko pag nakikita ko s’ya,” kinikilig na sagot n’ya.

Positibo rin ang aktor nang matanong s’ya kung sa tingin ba n’ya ay may pag-asa s’ya kay Donna.

Sana, sana may pag-asa,” aniya.

Nahingi rin ang saloobin ni JM sa ilang insidente ng bashing sa nililigawan n’ya dahil sa mga nag-viral na online content nito.

Ayon sa kanya, hinahangaan n’ya si Donnalyn dahil matatag ito sa mga ganu’ng isyu. 

‘Yon nga ’yong nakaka-proud sa kanya. Hindi s’ya [nagpapa-apekto] doon. Pinapalabas n’ya lang sa kabilang tenga. She learns from kung ano man ’yong ilatag sa kanya o ibangga sa kanya,” sabi n’ya.

Hindi man daw nila pinag-uusapan ang bagay na ito pero pinaparamdam naman umano n’ya rito na nasa tabi s’ya nito, handang makinig at dumamay. 

Hindi ako masyadong nag-o-open up ng mga ganu’ng bagay kasi sa kanya ’yon. Pero nandu’n ako to lend an ear,” he shared.

Samantala, nagpapasalamat ngayon ang aktor na maganda ang pagtanggap ng viewers sa romantic drama movie nila ni Alessandra de Rossi na What If na nag-Top 1 kamakailan sa Netflix Philippines.

Sobrang grateful and thankful lang po ako na ako ’yong kinuha ni Alessandra doon for the role. And sobrang proud din po ako doon sa movie,” saad n’ya.

After din n’yang mapanood sa Kapamilya action-drama series na The Iron Heart, heto’t aariba naman s’ya sa upcoming teleserye na Linlang.

Makakasama n’ya sa show sina Kim Chiu, Paulo Avelino, and Diamond Star Maricel Soriano

“Shady ang character ko du’n, medyo dark. Nae-enjoy ko in a way na medyo mas nagiging creative ako, mas nagiging free ako, kasi ’yong boundaries ko parang lumalalawak…pero nakakapagod,” patikim n’ya sa kanyang role.

Mapapanood ang Linlang simula ngayong October 5 sa video streaming platform na Amazon Prime. 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

The Butcher | Understanding JM de Guzman

JM de Guzman, patuloy na bumabawi sa sarili at sa ibang tao matapos ang "self-destructive" phase niya dala ng pagkabigo sa pag-ibig

New Year message ni JM de Guzman sarili: "I’m proud of you. Mahirap man tinahak natin, nakatayo ka pa din."

Pika's Pick: JM de Guzman overwhelmed by Donnalyn Bartolome’s birthday surprise; tells her: “Sobrang suwerte siguro ng magiging boyfriend mo.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.